(43) - Trying So Hard

140 3 0
                                    

CATHERINE's POV


Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at oras na para mag-ayos ng mga gamit namin dahil mamaya lang hapon ay uuwi na kami ng Manila. Pero kahit na alam ko 'nang maayos ang lagay ni Migs sa Manila ay hindi ko pa rin mapigilang mag-alala para sa kanya. Tumawag siya sa'kin kanina at sinabi niya'ng tinutulungan niya ang ilang kamag-anak ni Shantal na asikasuhin ang cremation ng parents ni Shantal, wala na raw magaganap na burol dahil iyon ang gusto ni Shantal. Nagtaka nga si Migs kung bakit cremation ang gagawin ni Shantal samantala'ng lagi raw sinasabi nito sa kanya noon na gusto niya ng mahaba'ng commemoration ng parents niya dahil marami'ng natulungan ang mga ito.


She's acting differently, 'yan ang sabi ni Migs sa'kin kanina 'nung huli kami'ng magkausap. Sinabi ko naman sa kanya na baka gano'n ang tingin niya ay dahil sa pagluluksa ni Shantal. Kahit sino namang namatayan may nagbabago, lalo na kung magulang pa nila ang namatay.


Habang nag-aayos kami ng gamit ni Mama, bigla naming napag-usapan ang tungkol kay Jeff. Ilang linggo na rin kasi'ng wala kami'ng balita sa kanya.


"Masama ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa niya sa'yo..." pauna'ng salita ni Mama habang inaayos niya 'yung mga toiletries namin, "...pero hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung mga magaganda'ng bagay na nagawa niya para sa'tin, lalo na 'nung nabubuhay pa ang Papa mo. Kahit papaano ay parang anak na rin ang naging turing ko sa kanya." sabi ni Mama.


Well, naiintindihan ko naman kung bakit masama ang loob ni Mama kay Jeff, like hello, sino'ng nanay ba naman ang matutuwa kung may kumidnap sa anak niya? Diba?


"Sana nasa maayos siya'ng lagay at sana tuluyan na nga siya'ng natauhan." dagdag pa ni Mama.


"Sana nga, Ma." sagot ko naman sa kanya at napabuntong hininga ako, "Sana nga okay na sa kanya ang lahat. Ang dami 'nang nangyari at sana tama na 'yung mga nangyari na 'yun para matauhan siya at para matanggap niya ang totoo."


"Eh, hindi ka naman ba nagse-selos kay Shantal?"


Napatingin ako kay Mama 'nang itanong niya sa'kin 'yun.


My brows frowned and I chuckled at the same time, "Ma, ano ba namang tanong 'yan?" I asked her.


"Aba, Catherine. Seryoso ako." seryoso niya'ng sabi sa'kin at napatigil ito sa pag-aayos ng toiletries namin, "Ex-wife ni Migs si Shantal at kahit may tiwala tayo kay Migs, d'yan sa Shantal na 'yan tayo wala'ng tiwala. Pa'no na lang kung maisip niya'ng agawin si Migs sa'yo? Nagawa nga niya'ng magpanggap na buntis, eh. Ano ba naman 'yung agawin niya sa'yo si Migs?" tanong sa'kin ni Mama.


I let out a sigh before answering her, "Ma, hindi naman maagaw ni Shantal si Migs kung hindi ito magpapaagaw. Isa pa, masyado na kami'ng matanda ni Migs para sa selos-selosan na 'yan. Hindi na naman kami teenager para magselosan pa." I pointed out. 


Hindi ko na naiisip pa ang sinasabi ni Mama, alam ko naman kasi'ng hindi mangyayari ang sinasabi nito. 


Kilala ko si Migs at may tiwala ako sa kanya. 


The Greatest Love AffairNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ