(11) - Lines & Advices

274 3 0
                                    

CATHY's POV


"Cathy anak, ikaw na ang bahalang magpasalamat kay Sandy para sa'kin."


Excited akong nagkwento kay Mama tungkol sa alampay na binigay sa'kin ni Tita Sandy at ang dahilan sa likod nito.


Pati si Mama nagulat na napasabi si Tita Sandy 'nang sana ikaw na lang pinakasalan ng anak ko.


"Sino ba 'yung Miguel na 'yan at gusto'ng ipakasal sa'yo?" rinig ko'ng natatawa si Mama sa kabila'ng linya, "'Nak sabihin mo lang, naitabi ko pa 'yung mga gagamitin dapat para sa kasal mo. Pwede namang palitan na lang 'yung groom."


"Ma!"


Lalo'ng natawa si Mama sa naging reaksyon ko.


"O bakit?" she asked innocently.


"Ma una'ng una, nakakahiya nga po 'yung sinabi ni Tita Sandy e. Pangalawa, magkaibigan lang po kami ni Migs. At pangatlo, ni-hindi niyo pa nga po kilala 'yung Miguel Montinilla na 'to e tapos boto na po kayo a----"


"Miguel Montinilla?"


Parang natigilan si Mama 'nung marinig niya ang pangalan ni Migs.


"Miguel Montinilla ba kamo?" tanong sa'kin ni Mama.


"Opo Ma. Bakit po?"


"Wala naman. Parang pamilyar lang sa'kin ang pangalan na 'yun." sagot ni Mama sa kabila'ng linya, "Anyway, binibiro lang naman kita anak. Alam ko namang kailangan mo pa ng oras bago mo ulit buksan 'yang puso mo. And I'm telling you to take your time. Darating ang tama'ng oras para magmahal ka ulit at sana sa pagkakataong 'yun sa tama'ng tao na."


I wish for the same thing too, Mama.


Kung sakali'ng bubuksan ko man ulit 'yung puso ko, sana nga sa tama'ng tao na dahil sa totoo lang hindi ko na kaya pa'ng pagdaanan ulit 'yung sakit na naranasan ko 'nung malaman ko na niloloko ako ng lalaki'ng minahal ko ng sobra.


"O siya sige anak. Magpahinga ka na at maaga pa kamo kayo'ng aalis bukas para sa preparasyon sa wedding anniversary celebration nila Erin." sambit ni Mama sa'kin, "I miss you 'nak. Ingat kayo ha? I love kita."


I smiled as I heard what my Mom said. That's our way of saying I love you to each other, bagay na nagsimula pa sa kanila ni Papa.


"I love din kita, Mama." sagot ko sa kanya.


Pagkatapos ng phone call namin ni Mama, nakarinig ako ng ingay sa labas kaya naman mabilis ako'ng dumungaw sa veranda ng kwarto ko.


Pagsilip ko ay nakita ko'ng nagtatawanan sila Tito Victor, Simon at Migs sa may lamesa'ng kinakainan namin sa labas at mukha'ng nagkakasarapan sila ng kwentuhan. Lahat sila nakangiti't tumatawa pero sa hindi malamang dahilan napako ang tingin ako kay Migs.

The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now