(6) - Villa Mariposa

446 9 0
                                    

CATHERINE's POV


Baka dito niyo matagpuan ang bago'ng simula ninyo.


Magmula 'nung sinabi 'yun ni Lola Lily sa'kin (more like sa amin ni Miguel) hindi na nawala 'yun sa isipan ko. Paulit-ulit na tumamatkbo ang mga salita'ng yun sa isip ko. Para kasi'ng may gusto'ng ipahiwatig si Lola Lily dun sa sinabi niya'ng 'yun e.


"Beshie, naayos mo na ba 'yung mga gamit mo?"


Napatingin ako kay Erin na pumasok sa loob ng magiging kwarto ko for the next few weeks na pananatili namin dito sa Batangas.


"O?" she exclaimed as she sat down in front of me, "Bakit tulala ka diyan? Okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin.


Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.


Pero hindi pa rin dun natapos ang pagtatanong sa'kin ni Erin dahil napansin niya na tahimik pa rin ako at nakatulala.


"Beshie, 'wag mo'ng sabihin sa'kin na iniisip mo na naman 'yung ex mo?" nag-aalala'ng tanong sa'kin ni Erin. "Diba kaya ka nga namin sinama dito para hindi mo na siya maisip at para tuluyan mo na siya'ng makalimutan?" 


Bumuntong hininga muna ako bago siya sagutin, "Hindi naman si Jeff ang iniisip ko e." 


She frowned in confusion, "E ano?" 


"'Yung sinabi ni Lola Lily kanina." 


"Na?" 


"Na baka dito sa lugar na 'to mahanap ko 'yung bago simula ko." I smiled foolishly and shook my head, "Kung tutuusin simple'ng mga salita lang 'yun pero parang tumatak sa puso ko pati sa isipan ko." I shook my head, "Ewan. Hindi ko maintindihan." 


Mas umusad pa si Erin palapit sa'kin at inakbayan ako, "Beshie.." she cleared her throat, "..gano'n lang talaga si Lola, makata at mahilig magbigay ng advice. Ngayon kung tumatak siya sa'yo, isa lang ang ibig sabihin 'nun."


"Ano?" 


"Na nilo-look forward mo 'yung bago'ng simula na sinasabi ni Lola." Erin said then she caressed my back and rests her head on my shoulder, "Wala'ng masama dun Beshie. Maganda nga 'yun e, kasi hindi mo na naiisip masyado kung ano 'yung nasa nakaraan, at ang iniisip mo na e 'yung nasa future." 


"Pakiramdam ko kasi may gusto'ng ipahiwatig si Lola sa sinabi niya'ng 'yun e." I said. 


Bigla namang napaupo ng maayos si Erin at napakunot ang noo, "Ano'ng ibig mo'ng sabihin Beshie?" tanong niya sa'kin. 


I shook my head, "Parang may gusto siya'ng sabihin sa'kin pero hindi niya 'ko maderetso kung ano 'yung gusto niya'ng sabihin."


"Gusto mo tanungin natin?" Erin excitedly asked.


"Sus! 'Wag na." I hesitated.

The Greatest Love AffairWhere stories live. Discover now