Chapter I

48.9K 648 4
                                    

Chapter I

Heleina's POV

"Sige na please Lei, sumama ka na sa Palawan." Panimilit sa akin ni Amanda. Malapit na ang Birthday ng kanyang dear bestfriend slash only love slash manhid na si Bryan at sa Palawan daw naisip mag celebrate.

Syempre sasama ako dahil chance ko na iyon kay Lyndon my labs para makasama ko. Kasama rin syempre ang mag bestfriend ni Annalise at celine na tiyak walang humpay ang kalandiang gagawin.

Kasama din si Lawrence na pinsan ni Bryan at ang long time girlfriend nitong si ate Maya.
I met her nung 18th Birtday ni Amanda kung saan inindian pana ni Bryan ang dinner date promise nya dito.
Inihatid ni ate Maya sa house noon si bff, at doon naging friends na rin kami.
She's super cool at may pagka maldita rin kagaya ko. Si BFF kasi mas lamang ang kabaitan kesa sa kamalditahan.

"Of course sasama ako girl at baka masulot ni Celine si Lyndon ko." Pabiro kong sabi pero syempre deep inside totoo yun. Mahirap na, si Lyndon pa naman walang sinisino basta yata naka palda pinapatos na magkaroon lang motibo from a girl.

Yun lang ang maganda dito sa magkakaibigan. Hindi sila ang unang gumagawa ng move para maka kuha ng girl dahil sa kanila na mismo lumalapit ang mga higad. Kagaya na lang ni Annalise, akala nya siguro hindi ko alam kung paano nya nilandi noon first time nilang mag meet si Bryan.
Ang mga pagpisil pisil sa braso.

My gosh! Kahit siguro patay na Patay ako kay Lyndon never kong gagawin ang first move sa kanya.
Dalagang filipina pa rin naman ang peg ko hindi ba?
Ang tanong kelan kaya mangyayari yun?

Hayss..

"Ok wala nang bawian ha. Ipagpapaalam din kita kay tita Monique mamaya."
Close sila ni Mommy. Paliligawan nga daw nya ito kay Lee kaso sinabi kong walang pag asa ang chickboy kong kapatid dahil inlove nga ito kay Bryan.

Kasalukuyan nasa amerika ngayon si Lee. After he graduated, nag bakasyon ito ng ilang buwan sa side ng dad nya sa states.

"Malakas ka naman kay mommy, tsaka kilala naman ang family nila senyora Sylvia kaya no need na ang paalam girl, kayang kaya ko na si mommy. " Medyo may pagka strict ang parents ko sa akin pero hindi naman sila nanalo sa akin. At alam din naman nila na hindi ako kagaya ng ibang kabataan na gumagawa ng mga hindi nakakatuwa.

"Okay na pala. Medyo kinakabahan ako kasi first time kong sasakay ng eroplano."

"Hay naku sa umpisa lang yan, ganyan din ako dati." Pagsisinungaling ko. Syempre hindi ko na maalala yun feeling na yun, I was two when I first ride on a plane.

"Sabi ni Bry noon maganda daw sa palawan. It's not na hindi ko alam syempre kahit naman sa mga pictures lang alam kong maganda talaga don pero syempre iba yun pag mismong nasa lugar ka."
Diba? Si Bryan na naman.. Ewan ko ba dito sa babaeng to, I know na hot naman talaga yun bestfriend nya pero hindi naman sa pagiging exaggerated, sobrang ganda ganda talaga ni Amanda na halos half yata ng population sa male campus ay may gusto sa kanya.

"Maganda talaga kaya kailangan nating magdala ng bikini!" Excited na ako sobra! Hindi naman sa pagmamayabang, pero biniyayaan ako ng magandang katawan. Hindi man ako kasing tangkad ni bff pero kuntento na ako sa 5'5 kong height.

Ano kayang magiging reaksyon ni Lyndon pag nakita nya akong naka bikini?
Kinikilig ako!
Akitin ko kaya?
Ipinilig ko ang ulo ko. Mali, dapat magpakipot naman ako kahit papaano hindi ba?

_____________
Lyndon's POV

"Pare akala ko ba nililigawan mo yun si Heliena, eh sino yun kasama mo kagabi?" Tanong ni Mark. Nandito kami sa cafeteria at iniintay namin si sugar at cupcake.

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now