Chapter XXIII

26.2K 653 27
                                    

Chapter XXIII

Lyndon's POV

"Anung ibig sabihin nito Lyndon? Bakit sinasabi dito sa DNA test na ito na hindi kayo match ni Xander?" Sunod sunod na tanong ni mommy pero wala akong maapuhap na salita. Kahit sa sarili ko ay hindi ako makapaniwala sa nakasulat sa papel na ito.

Ang dami daming tanong na sa utak ko at alam kong si Hollie lang ang makakasagot.

"I don't know mom.." Pumiyok ang boses ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Ang sakit sakit lang.

"Anung nangyayari dito Loren?" Narinig ko ang boses ni daddy na mukhang bagong dating at agad na lumapit kay mommy dahil umiiyak ito.
"Lyndon anak?" Bumaba ang tingin nito sa papel na hawak ko at kinuha ito sa akin.

Tiim ang labi ni daddy na tiningnan iyon habang nag iigting ang ngipin.

Galit itong tumayo habang walang tigil ang pagmumura.

"Nag-alaga ka ng anak ng may anak habang ang tunay kong apo ay naghihirap?"

Gusto kong sabihin sa kanya na anak ko si Xander pero kahit ako sa sarili ko ay hindi na ako sigurado doon.
Hindi ako lolokohin ni Maya sa bagay na ito.
Pero ano ang nalalaman nya para gawin ito?
Dumako ang tingin ko sa envelope na naglalaman ng disk. Kinuha ko iyon at may nalaglag na dalawang picture mula sa loob ng envelope.

Isang picture ni Xander at isang picture ng familiar na lalake.
Nalamukos ko ito nang makilala ko ang lalake. Ito ang lalakeng kasama ni Heleina sa picture sa loob ng hotel noon pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang malaking pagkakahawig nito kay Xander.

"Anak.."
Tawag sa akin ni mommy ng naglakad ako papunta sa silid ko.

"Mom, I'm okay.. I just want to be alone." Pinilit kong patatagin ang boses ko, but I'm afraid I failed.

********
Samantala, ang mag asawang naiwan sa living room ay sobra ang pag aalala sa anak.

"Is this all my fault Loren?" Hindi na rin napigilan ni Alberto Gallardo ang maging emosyonal sa mga nalaman. "Kung hindi ko itinulak ang anak ko kay Hollie hindi mangyayari ang lahat ng ito." nanghihina itong napaupong muli sa sofa at doon ibinuhos ang lahat ng pagsi-sisi. Lumapit dito ang ginang at niyakap ito. Alam nitong gusto ng asawa si Hollie para sa anak pero alam din nitong hindi ito tutol kay Heleina noon. Nakita nilang mag asawa kung paano nagbago si Lyndon simula ng makarelasyon nito ang dalaga. Naging focus ito sa pag aaral at natigil din ang bisyo nito sa babae.

"May kasalanan tayong lahat Alberto. Kahit ako. Kung sana hindi ko hinayaan na umalis noon si Lyndon ay iba sana ang sitwasyon ngayon." Pinahid nito ang luha bago nagpatuloy. "Mahal ko si Xander bilang apo at wala itong kasalanan. Pero sa ngayon kailangan nating bumawi sa lahat ng pagkukulang natin sa tunay nating apo. Kay Tiffany. Hayaan nating si Lyndon ang umayos sa problema nya kay Heleina pero hindi ibig sabihin na pababayaan natin sya. He needs our support Alberto."

Nagbitiw ang mag asawa at nagkakaunawaan ang mga matang tumango sa isa't isa.

"It's her birthday tomorrow. Umuwi ako ng maaga para sana magpasama sayo kay Heleina sa hospital para pakiusapan na kung pwede sanang dito I-celebrate ng apo ko ang birthday nya. I already hired a birthday planner last week at naka-ayos na ang lahat.

Tumingin ito sa asawa na may pagtutol. "Alam ko ang pakiramdam Alberto pero sana kumonsulta ka muna sa akin bago ka nagdesisyon."

Napahilamos si Mr Gallardo sa mukha bago bumuntong hinga ng ilang beses.
"I can't help it. Gusto ko lang bigyan ang apo ko ng lahat ng kaya kong ibigay. she's my princess.." Nanlulumo nitong usal.
Niyakap uli ito ng ginang. Alam nito ang pakiramdam dahil kahit ito ay sabik sa apo.

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now