Chapter XXXIX

17.4K 456 35
                                    

Chapter XXXIX

Past
Lyndon's POV

"Lyndon no please, kailangan ka namin ni Xander." Umiiyak na pakiusap ni Hollie sa nang sabihin ko dito  ang planong pag uwi ng pilipinas sa makalawa.

"Look Hollie, I can't live without her. Wala akong pakialam kung anu man yun nangyari noon. I just want to be with her, please try to understand." 
Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa pangungulila sa kanya.

"She's a cheater! Mas pipiliin mo ba sya kesa sa amin ng anak mo? Alalahanin mo kung hindi dahil sayo wala ako sa ganitong sitwasyon!" Pangongonsensya pa nito.

"Hollie, wag mong isisi lahat ng kasalanan sa akin dahil ginusto mo kung anuman yun nangyari, I was broken that time.."  Sa ganitong sitwasyon hindi ko maiwasang sisihin din ito.
Ni wala nga akong maalala ganunpaman pinanindigan ko si Xander. Binigay ko na nga ang pangalan ko dito.

"At kasalanan ko pa pala lahat ng kamalasan nangyari sayo ganun? If she didn't cheated wala tayo dito, nag aaral pa sana ako, kasama ko sana ang pamilya ko at hindi nagtatago sa kahihiyan." Lumapit ito sa akin at pinagsusuntok ang dibdib ko.

Hinayaan ko lang itong ilabas lahat ng sama ng loob nito dahil sa isang banda ay tama sya.

"Kung aalis ka, I swear hinding hindi mo na kailanman makikita ang anak mo." Pagbabanta nito matapos mahimasmasan.

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa bibig kong napapikit ng mariin.
"I'm really sorry. Siguro nga tanga at bulag ako sa pag ibig Hollie. Na kaya kong isakripisyong hindi makita ang anak ko kapalit ng pag asang magiging maayos kami. My decision is final." Iyon lang at tinalikuran ko ito.

Dinala ako ng mga paa ko sa bar na naging saksi ng pangungulila ko sa kanya. Mula nang lumipat kami dito sa states ay halos araw araw akong laman ng bar na ito at nagpapakalulong sa alak hanggang sa mamanhid ang buo kong sistema at panandaliang makalimot sa sakit.

Madaling araw na akong lumabas ng bar pero hindi katulad ng mga nakaraang araw na lasing akong uuwi. Yes medyo tipsy pero matino ang pag iisip ko.

Habang nag aabang ng taxi ay limang kalalakihan ang lumapit sa pwesto ko. Sa pag aakalang mag aabang lang din ng taxi ay hindi ko sila pinansin but that was the a mistake. Naramdaman kong my tumusok sa tagiliran ko kasabay ng isang malakas na pwersa sa aking ulo na ikinabagsak ko sa kinatatayuan ko.
Hilo at halos blurred na sa paningin ko ang limang lalaki pero pinilit kong manatiling gising para kilalanin ang mga ito.
Ramdam ko ang pananakit ng tagiliran ko.
Dalawang malakas na putok ng baril ang narinig ko bago ako panawan ng malay.

_____
Marga's POV

"Mom help me, hindi nya kaming pwedeng iwan." Hysterical na umiiyak si Hollie sa kabilang linya.

"Will you calm down Hollie? What happened?" Kahit gigil na gigil ay pinilit kong huwag itong sigawan.

Ikinwento nito ang planong pagbalik ni Lyndon sa pilipinas para sa anak ni Paul Ricafort.

"Okay, hija I'll take care of it don't worry." Mga taong nababaliw ng dahil sa pag ibig.

Matapos ng pag uusap namin ay nag dial ako para tumawag sa tauhan ko.
Ito ang isa sa mga subok at pinagkakatiwalaan ko. Kasalukuyan itong palihim na nagbabantay kay Hollie at Lyndon. Wala akong tiwala sa anak ni Luis na hindi din ito magpapakatanga sa paghahabol kay Alden, lalo pa at may anak ito dito.
Si Xander.

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now