Chapter IX

23.4K 483 11
                                    

Chapter IX

Past

Heleina's POV

Simula nang dumating yun Hollie na yun pakiramdam ko ay nawawalan ng time sa akin si Lyndon.

Kasing edad ko ito at nag-transfer ito sa university'ng pinapasukan ko. Although ipinakilala naman ako dito ni Lyndon bilang girlfriend nya ay hindi ko pa rin maalis ang hindi magselos dito.
She's pretty. Mas mataas ito sa akin at maganda din ang hubog ng katawan nito. Parang si Amanda, but behind her pretty and innocent feature ay may iba akong pakiramdam sa kanya. Or siguro nga ay insecure lang ako?
I don't know, tsaka iba ang tinging ibinibigay nya lagi kay Lyndon.

Madalas din namin itong kasabay sa sasakyan tuwing sinusundo ako ni Lyndon sa school from his OJT sa company nila. Sabi nya ay sa kanya daw ipinagbilin ng daddy nya si Hollie.

"Baby, are you ready? Malapit nang dumating yun bisita ng dad mo."

Mula sa malalim na pag-iisip ay narinig ko ang boses ni mommy.

My dad invited their CEO and his family to join us on a dinner. CFO si daddy sa company nito at may fifteen percent din syang share sa kompanyang iyon.

(Note: Information lang po. CFO stands for Chief Financial Officer. A corporate officer primarily responsible for managing the financial risks of the corporation. This officer is also responsible for financial planning and record-keeping, as well as financial reporting to higher management.
Cash Flow
Company Liabilities
Company Performance
Department Supervision
Budgeting and Expense Control
Financial Relationships
Finance or Raising Capital
Financial Obligations
Record Control
Shareholder Relations)

"Yes mom." Kinakabahan akong napatingin sa wall clock ng sala namin. Hindi pa rin dumadating ang kapatid kong si Lee na kanina pa tinatawagan ni mommy sa cellphone nito pero out of reach daw.

I love my daddy so much at alam kong importante itong dinner na ito sa kanya kaya kailangan maging presentable ako.

"Mom you need help?" Kanina pa rin ito hindi mapakali at nakaka-ilang beses nitong ni-check ang foods at ang mga cutlery.

"No sweetheart, it's all set, can you please check your dad for me? Kanina pa iyon sa kwarto." Natatawa itong inayos pa ang naka braid kong buhok bago ako itulak papunta sa kwarto nila.

Kumatok muna ako bago pumasok.
Naabutan ko si dad na nakaharap sa salamin at inaayos a collar ng damit nya.

Ang gwapo ng daddy ko. Kahit nasa late 40's na ito ay sobrang tikas pa rin. Six footer ito at maganda pa rin ang tindig at pangangatawan. Bakit ba kasi sa lahat mamanahin, yun height pa ni mom ang ipinamana sa akin?

"Handsome daddy, pinapa check ni mom kung ready ka na daw ba?" Ngumiti ito sa akin sa repleksyon ng mirror.

"I'm nervous baby, come and give me a hug para naman mawala ng konti itong daga sa dibdib ni daddy." Naglakad ito sa may bed at umupo.

"You'll be fine dad, it's just a dinner." Lumapit ako dito at yumakap.

"Yes, just a dinner.. With the CEO." He mockingly said. Pinisil nito ang pisngi ko bago tumayo. "Let's go, before your mom peed on her pants." Ngumisi Ito sa akin at inakay na ako pabalik sa sala.
Napahagikgik ako sa sinabi nito.

Hindi malabong mangyari..

Hindi dumating si Lee dahil masama daw ang pakiramdam kaya heto kaming tatlo nila dad at mommy na naka-abang sa may pintuan. Dumating na ang mga bisita namin na ngayon ay pinabubuksan ng gate ni manang Lorna.

Lyndon's Dirty GameKde žijí příběhy. Začni objevovat