Chapter XXX

25.3K 674 23
                                    

Chapter XXX

Heleina's POV

Bumaba ako para kumain at uminom ng gamot. Yun leftover lang kaninang lang ang pinagtyagaan ko.

Two months.

Bakit ba ako pumayag?

Kaya ko bang makisama sa kanya ng ganun katagal gayong ngayon palang na ilang minuto ko syang kasama ay para na akong nasa impyerno?

Isa pa ay may takot akong nararamdaman sa isang panig ng puso ko.. Kasi kahit gaano ko sya kinamumuhian at halos isumpa ay may isang bagay na pilit sumisiksik sa kaibuturan ng puso ko na ayaw kong aminin.

"Bakit mo ba ako pinarurusahan ng ganito Lyndon? Sana hindi ka na lang bumalik." Mahina akong napausal.
Matagal lang akong nakaupo lang sa dining room sapo sapo ang mukha ng dalawang kamay ko nang maramdaman kong may kumuha ng mga pinagkainan ko na nasa ibabaw pa rin ng table at narinig ko ang papalayong yabag nito.

Nag angat ako ng mukha at nilingon ito na patungo sa kitchen. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig sa sink at ang kalampag ng mga pinggan na hinuhugasan nito.
He used to do that.. Yun magagalit sya sa akin kapag naghugas ako ng pinagkainan namin dahil may allergy ako sa detergent soap at mga dishwashing liquid.

Dati..

____________
Lyndon's POV

Kasabay ng pag agos ng tubig sa sink ay ganon din ang pagdaloy ng luha ko.

"Bakit mo ba ako pinarurusahan ng ganito Lyndon? Sana hindi ka na lang bumalik."

I love her so much at alam kong nagiging makasarili na naman ako sa mga ginagawa ko ngayon pero ito lang ang way para mapalapit ako sa kanya at patunayan kong mahal ko parin sya.

Mahal na mahal.

Bumalik ako sa dinning room pero wala na ito doon. Narinig ko ang sound ng nakabukas na TV sa sala kaya doon ako pumunta.
Nakaupo ito sa sofa hawak ang remote control na nakatutok ang mata sa screen pero halatang wala dito ang focus nya.
Umupo ako sa tapat nito at tumikhim para agawin ang pansin nito. Saglit lang ako nitong tinapunan ng tingin at ibinalik ang tingin sa TV.

"Nung umalis ako akala ko kaya kitang kalimutan, pero hindi ko nagawa..."Ilang beses kong tinangkang balikan ka pero nanaig sa akin ang kaduwagan ko. Na paano kung sa pagbabalik ko masaya ka na pala sa iba? Na may mahal ka nang iba? Kaya pinilit kong ibigay lahat ng atensyon ko kay Hollie at sa inakala kong anak namin. Na akala ko sa paglipas ng panahon matututunan ko syang mahalin pero hindi ko nagawa. Kasi kahit anong sabihin ko dito sa puso ko na niloko mo ako ayaw ka pa rin kalimutan at ikaw pa rin ang--

"Will you shut up?" Pinutol nito ang anu pa mang sasabihin ko na galit na sumigaw. "Wala akong pakialam!"

"Lei, let's talk please."

"Usap? Anong pag uusapan natin, kung paano mo ako niloko? Sabihin na nating hindi mo anak yun anak ng babaeng yon pero niloko mo pa rin ako hindi ba? Sige mag-usap tayo para matapos na lahat lahat!" Suminghap muna ito ng hangin. "Sinimulan mo sa tagaytay."
"No." Pagtanggi ko.

"Bullshit! May mga pictures kayo ni Hollie na naglalampungan sa damuhan kaya wag mo akong gagaguhin!"

Pictures? Napapikit ako ng mariin. Lahat planado ni Hollie at para akong tangang tumuntong sa bitag nya.

"Pero alam mo ba, kahit alam kong niloko mo ako noon, naghintay ako sayo? .. At sinong dumating? Yun abogado nyo na pinapapirma ako sa divorce paper.. "
Tumayo na ito na akmang aalis pero tumigil nang magsalita ako.

"I'm sorry, magulo ang isip ko noon."

"It's not all about you Lyndon.. Kung magulo ang isip mo noon, mas lalo ako dahil wala akong idea kung anong nangyari sa amin ni Alden noon, wala akong idea kung paano ko haharapin ang pregnancy ko dahil tinalukaran mo ako."
Ilang saglit itong natigilan bago umiling iling.

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now