Chapter XVIII

24.4K 612 48
                                    

Chapter XVIII

Past

Heleina's POV

Nagising akong masakit ang ulo. Wala rin akong kalakas lakas at pakiramdam ko ay may nakadagang mabigat na bagay sa akin. Nagdilat ako ng mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Naalarma ako nang maramdaman kong wala akong damit at hindi ako nag iisa.
May isang lalakeng katulad ko ay hubad din sa ilalim ng kumot. Ramdam ko sa magkadikit naming katawan at sa braso nitong nakapatong sa may ibabaw ng dibdib ko na talagang wala itong damit.

"Who are you!!!? Anung ginawa mo sakin!" Sigaw ko dito na ikinabalikwas nito.

Nagpanic na ako!
Anung nangyari? Ang huli kong natatandaan ay ang message at yun dalawang mukhang hudlum na lalake sa elevator na lumapit at may ini-inject sa akin!

Oh my God! Ang baby ko!

"Shit! Heleina?"

Nagpunas ako ng hilam kong luha nang magsalita ito.

"Alden? Nanlalaki ang mata ko ng mapagsino ko ito. "Anung ibig sabihin nito?"

_________
Alden's POV

Nagngangalit ang bagang ko habang tinitingnan ang umiiyak na si Heleina.

Hindi ko inakala na malalaman ni Marga ang plano ko.
Nagpanggap na hotel staff ang mga tauhan nya para mabilis akong mapasok at malinlang.

"I'm sorry Heleina, aayusin ko lahat pangako." Nagbihis ako at kinuha ko ang video camera na nakatago sa may cabinet.

Kung matalino ka Marga, mas lalo ako. Marami na akong naipong video laban sa inyong mag ina at hindi ko hahayaang madamay ang inosenteng babaeng ito sa kabaliwan nyo.

Sa bank account ko naka deposit ang malaking perang ninakaw nya sa kompanya ng asawa na pinalabas nyang ninakaw ni Paul Ricafort, dahil alam ni Luis Castillo ang anumang perang dumadaan at lumalabas sa account ni Marga.

Promise Heleina, I will not allow that monster to destroy you.

Nasa may elevator pa lang ako nang mag ring ang cellphone ko.

Ni wala sa hinagap ko na sa isang tawag na iyon ay magbabago lahat ng plano ko.

_____________
Lyndon's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Parang akong sasabog any moment sa galit na nararamdaman ko.

She can't do this, right?

Bumukas ang pinto at pumasok sya.

"Lyndon?" Mabilis itong lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit habang umiiyak.

"I'm so sorry.. I love you so much." Sa pagitan ng hikbi nitong usal.

Binaklas ko ang kamay nito na nakayakap sa akin at kinuha ang mga pictures na nasa ibabaw ng center table.

"Sabihin mong hindi ito totoo." Inihagis ko iyon at tumilapon lahat sa sahig.

"Oh my God! No! Please magpapaliwanag ako." Isa isa nito iyong pinulot at tiningnan.
Pictures nila iyon ng isang lalake. They were both naked at magkayakap. May ilang picture din na nasa parking lot sila kung saan ay inaalalayan siya nun lalakeng sumakay sa kotse at isang picture naman ay papasok sila dito mismo sa building ng tinitirhan namin.

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now