Chapter VI

24.2K 537 8
                                    

Chapter VI

Past

Heliena's POV

"Mom sige na, group naman kami pupunta doon, please..pinayagan na din ako ni Lee at ni daddy."

Tiningnan ako ni mommy na mukhang hindi pa rin kumbinsido.

"Sino sino kayo? Hindi na ako natutuwa sa inyong mag-aama Heleina. Masyado kang niluluwagan sa lahat ng bagay."

"Kami nila Celine tsaka yun iba nyang cousins na friend ko din." Pagsisinungaling ko.
Ang totoo ay kaming apat lang nina Mark, Celine at syempre nang boyfriend ko. Pupunta kami sa Las Vegas para mag unwind dahil next sem ay mag o-OJT na din yun dalawa ni Mark at Lyndon.

"Basta don't forget my pasalubong baby ha."
Hindi ko napigil ang mapatili sa sinabi ni mommy.

"Of course mom! Ngayon alam kong love mo talaga ako!" Niyakap ko ito.

"May tiwala ako sayo anak kaya sana huwag kaming ma-disappoint ng daddy mo." Seryoso nitong wika na gumanti ng yakap sa akin.

Pinigilan kong hindi mapaiyak sa sinabi nito.
MatAgal ko nang sinira yun trust na yon mom.

Nakaka guilt....

Pero alam kong maiintindihan nila ako kung dumating man ang time na malaman nila ang namamagitan sa amin ni Lyndon.

Dahil nagmamahal lang ako.

________

Lyndon's POV

"Hoy Helena!" Sigaw ng babaeng nagngangalang Maria at halos gibain na nito ang pinto ng bahay matapos nya kaming pagsarahan ng pinto.

Hindi ako makagalaw at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Nang malaman ko kay mama ang tungkol kay Lee ay pinuntahan ko ito sa bilangguan para magtanong tungkol sa kinaroroonan ng kapatid nito pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig nito. Galit lamang itong nakatingin sa akin ng ilang saglit bago tumayo at sinabi sa nakatalagang pulis na babalik na ito sa selda nya.

Wala akong nagawa kundi ang pairalin ang pera ko. Mabuti na lang at mabilis kausap ang imbestigador na pulis na may hawak tungkol sa mga personal na impormasyon ng mga bilanggo, kasama na dito ang address kung saan pwedeng kontakin ang pamilya ng mga ito in case na may mangyaring kung anu pa man.

Ang hindi ko lang inaasahan ay ang makita sya sa ganitong kalagayan.
Ang akala ko nun una ay naisahan ako ng pulis na nagbigay sa akin ng address nila o di kaya ay nagkamali.

Hindi mo aakalain na ang babaeng halos prinsesa pinalaki ng mga magulang nya ay makikita mo sa lugar na ito.
Kaninang pagbuksan kami nito ng pinto ay halata sa mapula nitong mata na galing ito sa pag iyak.

Natauhan ako sa malalim na pag iisip nang bumukas muli ang pinto.

"Maria, utang na loob--" PArehas kaming nagulat ni tita Monique nang magtama ang mata namin. "Lyndon? Anung ginagawa mo dito?" Nanlalaki ang mata nitong lumingon mula sa loob ng bahay bago ulit ako tiningnan.

Pero ang ikinagulat ko ay ang makita itong naka-upo sa wheel chair.

"Tita." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Umalis ka na at wag na wag ka nang magpapakita sa anak ko." Matigas nitong pahayag bago tumingin sa natahimik na si aling Maria.

"Ayan Maria, siguro naman ay sobra sobra pa iyan sa kulang namin sa upa dito sa bahay." Nakita kong iniabot nito ang wedding ring na tinanggal nito sa daliri kanina.
Sumara muli ang pinto at Napabaling ako kay aling Maria na malaki ang ngisi habang kinakagat kagat ang hawak na singsing na parang sinisiguro kung hindi ba iyon fake.

"Aling Maria, I'll pay for the rent, ibigay mo sa akin yan singsing." Sa kalagayan nila ngayon ay sigurado akong itong singsing na lang na ito ang tanging natitira kay tita Monique bilang alaala sa yumaong asawa.

"Aba hijo, limang buwan ang kulang nilang renta, sigurado ka ba?" Alanganin itong ibigay sa akin ang singsing pero hindi pa rin iyon binitawan.

Bumuntong hininga akong binitawan iyon bago kinuha ang wallet ko sa back pocket ng jeans ko.
Matamang lang itong nakatingin sa wallet ko habang binubuklat ko iyon.

"Magkano ho ba?"

"Bale, one thousand two hundred per month kasi, times five bale---

"Six thousand." Inunahan ko na ito at iniabot ang PEra dito.
Saglit itong nag isip na parang hindi pa sure kung tama ba ang kwenta ko.

"Oo nga, six thousand." Ngumiti ito bago iniabot ang singsing ni tita Monique. "Halika muna sa bahay sir at makapag mirienda ka naman." Parang gumanda ang mood nito.

**
"Hay naku, pagpasensyahan mo na ang kabastusan nun si Helena, tingnan mo hindi nya alam ikaw pa ang nagbayad ng upa nila sa bahay. Naku kung hindi lang ako naaawa sa lumpo nyang Nanay at sa ba--"

"Inay! Wala na ba talaga kayong ibang alam kundi ang i-chismis ang buhay ng may buhay?" Mula sa kung saan ay isang dalagita ang lumabas at galit na pinagalitan si aling Maria.

"Aba, ako pa ang masama ngayon? Baka hindi mo alam ang ginawa nun babaeng iyon kanina sa akin. Pinagsarhan ako ng pinto sa muka ko!" Humarap ito sa dalagita at parang wala ang presensya ko dahil sumigaw din ito.
Parang gusto ko na lang biglang kainin ng lupa sa mga oras na ito. Sa lahat ng ayoko ay yun ganitong mga eskandalosa.

"Kahit siguro ako si ate Lena gagawin ko iyon sayo. Minsan naman kasi nay, makiramdam naman kayo sa tao, alam nyong gipit mas lalo nyo pang ginugulo yun utak ni ate. Kita nyo naman diba na hindi naman tumitigil pagtanggap ng mga labada ng kung sino sino yun tao.. Tsaka hindi pa naman natin kailangan ng pera sa ngayon nay."

Agad lumipad ang tingin ko sa dalagita sa sinabi nito.

"Labada?" Hindi ko maiwasang mapataas ang tono ng boses ko.

Allergic sya sa detergent soap!
One time nag try syang ipaglaba ako ng damit dati kasi gusto nya daw gawin ang wife duty nya sa akin pero nagsugat lang ang malambot nitong kamay kaya kahit ang maghugas ng pinggan ay hindi ko hinayaang gawin nya mula noon.

"Sino ka ba at parang interesado ka kay ate Lena?" Sa halip na sagutin ako ay mukhang galit pa itong nagtanong sa akin.

"Tingnan mo ikaw Patricia, nagiging bastos ka na kakalapit mo sa babaeng iyon. Tinatanong ka nang maayos ah."
Simangat na naman si aling Maria.

"Ahm.. Ok lang ho iyon aling Maria, mauna na ako." Naglakad na ako palayo sa ngayon ay nag aaway na mag ina.
Nakapamulsa akong naglakad hanggang kanto kung saan naka parada ang sasakyan ko.
Inabutan ko ang ilang mga kabataang lalake na nakapalibot sa kotse ko na parang ngayon lang nakakita ng magarang sasakyan.

Nahawi ang mga ito nang dumating ako.
"Bossing, binantayan ko itong tsekot mo habang wala ka na sigurado akong puro gasgas siguro kung hindi ko yan binantayan." May lumapit sa akin na mukhang tambay.
Dudukot na sana ako sa bulsa ko ng pigilan ako nito.

"Boss pa miriendahin mo lang ang mga tropa ko solve na kami." Ngumisi ito sa mga kasama at itinuro sa akin ang isang medyo malaking tindahan na may billiard table sa harap.

Tumango ako at naunang maglakad papuntang tindahan.

"Brando, nakita mo ba yun lalakeng de-kotse na naghahanap kanina sa syota mo?"

"Paanong magiging syota at na-busted na naman ni Heleina yan nun isang araw."

Nagtawanan ang mga lalake sa billiaran.

"Gapangin mo na kasi Brando, mga unutil naman ang kasama ni Heleina sa bahay."

Pakiramdam ko ay sasabog ako sa sinasabi ng mga lalaking ito.

Sino ang walangyang si Brando?

Isa isang kong tiningnan ang mga ito at tumigil ang mata ko sa isang lalakeng hindi tumatawa.
Tiim ang labi nito at mahigpit na hawak ang tako ng billiard.

I need to get her out of this place...

______________
Thank you for reading!

Vote.comment.fan

04-07-2015

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now