Chapter XII

21.6K 535 11
                                    

Chapter XII

Past

Heleina's POV

"So, cancel uli?"
Natawa ako ng mapakla.
Parang tanga lang pala akong naghintay na mag weekend tapos sasabihin nya sa akin na kailangan nyang sumama kay tito Albert sa kung saan para mag attend ng business conference.
Naiintindihan ko naman sya pero hindi ko maiwasang hindi sumama ang loob.
Pailang beses na ba ito?

"Come on Lei, promise babawi ako." Niyakap ako nito mula sa likuran at inumpisahang halikan ang leeg ko.

"Lyndon please, wala ako sa mood." Kinalas ko ang kamay nito sa akin at tinungo ang pinto.

"Lei."
Matigas ang boses nitong tawag.

Minsan naman sana mag effort ka para sa akin. Gusto ko iyong isumbat pero naduwag ako.

"Dun ako sa unit ko matutulog, goodnight." Diretso akong lumabas bago pa tumulo ang luha ko.

__________
Alden's POV

Nakatingin lang ako sa natutulog na si Hollie. We had sex pero pagkatapos nito ay para na naman akong basurang paaalisin nito.
Ganito ang silbi ko sa kanya. Ipapatawag nya lang ako kapag kailangan nyang makaraos.

Just like her mom.
Matanda ang daddy ni Hollie kay Marga ng twenty two years. Ayon Kay ama adahil lang sa pera kaya pinakasalan ni Marga ang senyor.
Si ama na lolo ko ang hardinero ng mga Castillo at kasama ako nitong nakatira sa mansyon nila sa Davao. Pinag aral ako ni Marga sa kolehiyo pero hindi ko alam na may kapalit ang lahat.
Eighteen pa lang ako nang nang magsimula ako nitong babuyin.

Tiniis ko lahat para kay ama. Maduming maglaro si Marga at alam kong sa ngayon ay wala akong magagawa para protektahan si ama.

"Bakit nandito ka pa?" Naalimpungatang bumangon si Hollie at isa isang dinampot ang damit sa sahig bago nalakad patungo sa bathroom.
Hindi ako sumagot at sa halip ay pinulot ko rin ang damit ko at nagsimulang magbihis.

"Papunta ako sa tagaytay bukas kasama ang friends ko, alam mo naman kung saan yon diba?"

Tumango ako.
Syempre doon ako laging dinadala ng nanay mo para magparaos katulad mo.

"Good. Sumunod ka."

Muli ay tumango lang ako.

Mabilis kong kinuha ang video camera na inilagay ko sa may malaking paso ng halaman.

Sa ngayon ay hawak nyo ako sa leeg, pero ipinapangako kong mababaligtad ang sitwasyon natin balang araw.

Sumakay ako sa kotseng bigay ni Marga at nahagip ng mata ko ang larawan ng babaeng nagngangalang Heleina Ricafort. Ito ang babaeng nalalapit na masira ang buhay ng dahil sa kanila..

At dahil sa akin..

___________
Present

Lyndon's POV

Dinig ko ang pag igting ng ngipin ni Mark matapos kong sabihin ang tungkol sa divorce.

"Bakit hindi mo na lang ipadala sa abogado mo kagaya ng ginawa mo noon?" Galit nitong wika matapos ang ilang sandali.

"I need to talk to her.. I think we need a closure.." Halos pabulong na lang lumabas sa bibig ko ang huli kong sinabi.

Tiningnan ako nitong mabuti bago bumalik uli sa couch at umupo.

Lyndon's Dirty GameOnde as histórias ganham vida. Descobre agora