XLII

28.6K 494 252
                                    

Chapter XLII

Amanda's POV

"I don't know Pau, you're my cousin but she's my friend."  Ayokong lumala at maging komplikado ang sitwasyon ng lahat.
And Lyndon is a dear friend too. Hindi ko nalang iyon isinatinig.

Dumating ito mula sa hospital na putok ang labi at doon na nito isinalaysay ang nangyari sa kanila ni Lyndon. Nagulat pa nga ako sa kaalamang lumitaw na ito after two months na para nalang naglaho ika nga ni Lei.?

Matagal itong natahimik bago sumagot.
"Cara, I really care for her."

"Yes I know, But how about Nikki, Pau?" Napatayo na ako sa upuan at pinameywangan ito.

Sumandal ito sa upuan ipinikit ang mga mata bago bumuntong hininga ng ilang sunod.

"Please cara, I don't want to talk about Her. I'm trying to forget her so please.." Nagdilat ito ng mata at gusto ko itong yakapin nang salubungin ako ng malungkot nitong tingin.

Umiling ako. Kahit alam kong nasasaktan sya ay hindi tama ang ginagawa nya. Paano kung mahulog ang loob sa kanya ni Lei? Mas lalong maraming masasaktan at hindi ko alam kung saan ako papanig kung sakaling mangyari ang bagay na iyon.

Si Nikki ang dahilan kung bakit nasa pilipinas si Pau at hindi dahil sa nalalapit kong kasal.
Wala akong masyadong alam sa nangyari sa kanila ng pinsan ko, but according to Tita Mercedes, ikakasal na ito sa anak ng bussiness partner ng pamilya ng dalaga.

On and off girlfriend ito ni Paulo na umabot ng five years. Ito lamang ang tanging babaeng ipinakilala ni Pau sa pamilya namin.

Sa kabila ng pagiging player image ng pinsan kong ito ay alam kong totoong minahal nito si Nikki, dahil hindi sya magkakaganito kung hindi.

Lumapit ako dito at niyakap lang ito.
He's still hurting at ito lang ang maibibigay ko sa kanya.

"Gimmick tayo?" Pag aaya ko dito, para naman makalimot sya kahit papano and besides, nakaka-guilty na rin kasi wala na akong inintindi kundi si Bry. Nakaramdam ako ng pag iinit ng mukha. Gosh, kahit pagko -comfort ko sa pinsan ko ay hindi pwedeng hindi sya papasok sa isip ko. We will getting married next month at pakiramdam ko ay mas tumitindi pa ang pagmamahal ko sa kanya.

Naramdaman kong hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya.

"I would love to. I miss my cousin, you know." May himig pagtatampo pa nitong wika bago ngumiti.
That cocky smile.

Paulo del Rio's trademark.

"Yeah right." Nilagyan ko ng sarcasm ang tono ko na ikinatawa nito.

________
Heleina's POV

Hindi ko alam kung ilang oras kaming  naka-abang ni mommy sa labas ng operating room but it's all worth it matapos bumukas ang pinto at sunod sunod na lumabas ang mga team Doctor at nurses na bahagi ng operation ni tiffy. 
Dinig ko ang papuri ng bawat isa sa mga ka team nila. Naka ngiting lumapit sa amin si Dr. Avila.

"It was a successful operation miss Ricafort." Kinamayan ako nito at isa isa na rin lumapit ang buong team sa akin para batiin ako.

Parang pinahid lahat ng pag aalala ko at napalitan ng pag iyak na nauwi sa paghagulgol.

Tears of happiness..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now