Chapter X

23.8K 484 11
                                    

Chapter X

Present

Heleina's POV

"Are you sure ok na kayo dito?" Nag aalalang tanong ni Mark.

"Yes, thank you Mark."

"Hindi na rin ako magtatagal, basta kung may problema just give us a call." Bumaling ito kay mommy na umiinom ng coffee sa may kusina. "Tita mauna na po ako."

"Thank you anak, mag iingat ka and regards me to Celine." Hindi na nakasama si Celine dahil pinag bawalan Ito ni Mark. Kabuwanan na nito ngayon pero sa katapusan pa naman ang due date nito.
Masyadong over protective si Mark sa pagbubuntis ni Celine.
Mga bagay na hindi ko naranasan..

Nakaka-inggit.

Lumapit si Mark sa akin at humalik sa pisngi ko at sa natutulog kong anak na karga ko. "Bye beautiful." Bulong nito kay Tiffy kahit alam nitong hindi sya nito maririnig.
Dumukot ito sa back pocket at inilabas ang wallet nya.

"No Mark. Sobra sobra ang tulong nyo ni Celine, please don't. " Pinigilan ko ito nang akma ako nitong bibigyan ng pera.

Bumuntong hininga itong ibinalik iyon sa bulsa.

"Ako na naman ang aawayin ni misis nito pag nalamang hindi mo tinanggap." Pabiro nitong wika.
"But please accept this." Inilahad nito sa akin ang cellphone na hawak nito.
Tumango akong tinanggap iyon.

"Pasensya na talaga Mark and thank you."

Inihatid ko ito sa may pinto hanggang sa makasakay ito sa sasakyan nito.

"Ingat." Kumaway pa ako dito nang ibaba nito ang glass window ng drivers seat bago iyon pinaandar.

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa bibig kong naglakad pabalik sa kinaroroonan ni mommy.

Panibagong lugar, panibagong pakikisama.

Nun oras na sinabi nyang isasama nya kami ni mommy pabalik ng Manila ay nakaramdam ako ng konting pag asa at nakalimot ako sandali kung gaano ko sya kinamumuhian, hanggang sa tumawag sa kanya ang babae nya.

Bakit ba gustong gusto nya akong nasasaktan?

Pagkatapos nya akong gawing parausan sa Palawan ay mas lalong tumindi ang galit ko sa kanya.

Tinawagan ko noon si Amanda pero naunahan ako ng hiya nang ibalita nito sa akin na engage na sila ni Bryan kaya sa huli ay Kay Mark na naman ako humingi ng tulong.

Mabuti na lang at in-offer ni manang Tess ang bahay niya dito sa Laguna na matagal nang walang tumitigil dahil doon na ito nakatigil kay Mark at Celine. May anak daw itong lalake na nakapag asawa naman ng taga Bicol kaya doon na din ito nakatigil ngayon.

Wala kaming dinala kundi ang mga damit namin at mga ibang important things. Yun ibang gamit namin ay si Mark na daw ang bahala.

Naisip kong dito nga din pala sa Laguna ang rest house ng family ni Amanda. Pero for sure ay sa Manila na rin sila mamamalagi ngayong alam nito ang tungkol sa pagkatao nya.

Mas maayos naman dito kesa sa tinigilan namin sa Batangas. Sana mababait naman ang mga tao dito at walang kagaya ni Brando na hanggang sa paliligo ko ay sisilipan ako.

"Are you ok baby?" Nakarating na pala ako sa kusina habang puno ang utak ko ng kung ano anong bagay.

"Yes mom I'm ok, medyo pagod lang po." Ngumiti ako dito at lumapit. "Let me give you a massage mom." Lumuhod ako sa harap nito at gaya ng palagi kong ginagawa ay minasahe ko ang binti nito.

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now