Chapter XXXVIII

13.5K 344 15
                                    

Chapter XXXVIII

Lyndon's POV

"Hey beautiful! It's so nice to see you again."

"Same here, Paulo."

Nag iigting ang panga at pakiramdam ko at puputok ang mga ugat ko sa selos na nararamdaman nang kabigin sa isang mahigpit na yakap ng pinsan ni Amanda si Lei at bigyan ng halik sa pisngi.

Matapos kong ibaba ang mga gamit ng mag ina ko ay nagpumilit ang anak ko kargahin ulit ito sa kabila ng pagtutol ni Lei.

"Manong Vic, sa kotse ko mo isakay ang mga gamit nila." Tawag ko sa family driver namin na hindi inaalis ang tingin sa dalawang magkayakap.
Kasalukyan isinasakay nito sa sasakyan ni Amanda ang gamit ng mag ina.

Agad bumitiw si Lei sa kayakap at nilingon ako.

Naghinang ang mata namin.

"Oh I thought you're riding with us, Lei."
Doon ako bumitaw sa nakakakuryenteng titig nito at hinarap yun Paulo.

"She and our DAUGHTER will ride with me." Matigas kong wika.

"Yeah, right." Balewala na parang nang aasar nitong sagot.

"Ah.. Oo nga mabuti pa nga Lyndon, medyo malaki pala yan mga
maleta nila. Let's go Pau." Parang naramdaman ni Amanda ang tension sa amin ng pinsan nya kung kaya't hinatak na nito iyon papasok sa kotse.

Nilingon ko si Lei na papalapit at may pagkadisgusto ang tinging ibinigay sa akin.

"Come Tiffy."  Akma nitong kukunin sa akin ang anak namin at pareho kaming nagulat sa naging reaksyon nito.
"Tiffy.." Mahina nitong wika at halata sa boses nito ang pagdaramdam sa ginawang pagtabig ng anak kamay nya.

Kumapit ng mahigpit sa leeg ko ang bata at isiniksik ang mukha doon.

"Baby, it's okay, go to mommy." Bulong ko dito kahit hindi naman ako nito naririnig.
Hinimas ko ang likod nito para kuhanin ang pansin at tumingin sa akin pero panay lang ang iling nito.

"Manong Vic, pwede po bang ipag drive nyo kami hanggang sa mansyon ng mga Guevara? " Tawag ko sa driver namin na agad namang tumalima.

"Anung nangyari sa apo ko?" Nag aalalang lumapit sa amin si mommy.

Narinig kong bumuntong hininga si Heleina bago sumagot.

"Baka inaantok na tita, ayaw bumitaw sa daddy nya..." Tumingin ito sa akin na halatang nagpipigil na huwag maiyak pero mas nagulat ako sa tinuran nito.
For the first time tinawag ako nitong daddy ng anak namin. Hindi ko alam kung nabigla lang ito doon but I feel like crying.
" Ahh mauna na po ako sa loob."  Hindi na nito inantay na sumagot si mommy na mabilis ang hakbang na tinungo ang naghihintay na sasakyan.

"I will miss you princess." Hindi na napigil ni mommy na hindi maging emotional na humalik sa anak ko habang panay ang punas ng luha.

Nagdurusa ang lahat ng dahil sa katangahan at mga naging kasalanan ko kay Lei noon.

"Ingat sa pag-drive Vic." Pahabol pa ni mommy kay manong nang makasakay kami.

"I'm sorry." Yun ang unang namutawi sa bibig ko pagka pasok namin ni Tiffy sa sasakyan. 
Hindi ito sumagot  na ipinikit ang mga mata.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon