Chapter XXIV

25.8K 651 35
                                    

Chapter XXIV

Heleina's POV

"Miss na miss na kita Tiffy." Mahina kong bulong sa sketch ng mukha ni Tiffy sa sketch pad na ginawa ko kanina. It's our selfie picture na kinopya ko mula sa phone na bigay ni Mark.
Mula ng mapasok ako dito sa hospital ay hindi pa ulit kami nagkikita ng anak ko dahil bawal ang bata dito.
Birthday na nya bukas at nawawalan na din ako ng pag asa na makakapag celebrate ang anak ko kasama ako. Kanina ay nakausap ko si Mark at nabanggit nito ang tungkol sa gustong mangyari ni Alberto Gallardo na I-celebrate ni Tiffy ang birthday nito sa mansyon nila. Syempre hindi ako pumayag kahit sinabi ni Mark na wag kong idamay sa galit ko ang parents nya ay mahirap sa akin na basta na lang ganun ganon.
At kahit pinangarap ko na mabigyan ng magarbong birthday ang anak ko ay hindi ko rin gustong mag isip si Tiffy na natural lang ang mga ganun bagay.

Nakarinig ako ng pagkatok kasabay ang pagpasok ng nakangiting doctor.

"Mrs Gal--I m sorry, I mean Miss Heleina pwede ka nang lumabas ngayon." Yun agad ang bungad ng doctor sa akin. Siguro ay nakukulitan na rin ito sa madalas kong pagtatanong dito kung kailan ako pauuwiin na lagi rin naman isang sagot ang isasagot nito sa akin. 'kailangan ng pirma ng mister mo para i release ka.' Daw.

Napasimangot ako sa pagtatangka nitong tawagin akong Mrs Gallardo pero agad iyong napalitan ng malapad na ngiti sa huling sinabi nito.

"Really? Oh my God! Thank you doc."

"Yes, in fact ay nandito na ang sundo mo." Alanganin itong lumingon sa likuran nito at nakita kong sumilip doon ang daddy at mommy Nya.

Sila ang sundo ko?

Ngumiti sa akin si tita Loren habang si tito Albert may kausap sa may bandang gilid ng pinto na hindi hagip ng tingin ko kung sino pero parang nahulaan ko na kung sino iyon. Sabi nga ng doctor hindi ako bibigyan ng release paper kung hindi sya ang pipirma kaya sigurado akong nandito sya.
Nag iwas ako ng tingin bumaling ulit sa doctor na lumapit sa akin.

"Check ko lang uli ang vital signs mo then pwede ka na mag ready sa pag-uwi miss Heleina. Binigyan ko na ng instructions si Mr Gallardo tungkol sa medicine mo at pati na rin sa weekly check-up mo." Mahabang pahayag ng doctor na itinuro ang bed para paupuin ako at nang ma-check na ako.

Hindi ako sumagot sa sinabi nito pero sumunod naman ako sa instruction nitong umupo.

Ang kapal talaga ng mukha ng hayop. Anongklailangan nya at kailangang isama pa ang parents nya? Kung tungkol sa anak ko ang ipinunta ng mga ito ay magkakagulo talaga kami.

Sinimulan ng doctor na i check ang pulse/heart rate, breathing rate, body temperature at sa huli ay ang blood preassure ko.
Narinig ko ang mahinang pagtikhim ng kung sino pero hindi na ako lumingon sa direksyon nila.

"Hija, ito lang ba ang mga gamit mo?" Tiningnan ko si tita na nakatayo sa tapat ng maliit na cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

Tumango akong lumapit dito at isa isang kinuha ang mga iyon para ilagay sa may di kalakihang bag.

"Ako na ang bahala dito anak, mag ayos ka na lang sa sarili mo para makauwi na tayo, alam kong kailangan mo po ring magpahinga."

"Wag na ho kayong mag abala, magpapasundo nalang po ako kay Mark o magta taxi pauwi." Hindi nakaligtas sa akin ang sakit na bumalatay sa maganda nitong mukha sa sinabi ko. I'm sorry tita Loren.

Muli ay Nakarinig ako ng pagtikhim kasunod ang pagsasalita nito.

"Tinawagan ko si Mark at sinabi ko na ang tungkol sa paglabas mo dito pati na rin ang pagsundo namin sayo." Si tito Alberto iyon.
Nilingon ko ito at nabigla ako nang makita kong hawak ni Lyndon ang sketch pad ko.

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now