Chapter XIV

21.8K 502 20
                                    

Chapter XIV

Past

Heleina's POV

"Ibig mong sabihin, ginagago ka ni Lyndon?" Malakas na tanong ni Celine.
Masama ang loob ko kaya naisipan ko itong ayain mag bar.
Actually ay susunod si Mark mamaya dahil medyo may tinatapos daw itong report sa company nila.

"I don't know Celine." Gusto kong maniwala na may maganda syang paliwanag.

"Wag kang magpaka gaga, oras na gawin lang ng hayup na yun ang mambabae gumanti ka. Maraming lalake ang naglalaway sayo Lei."

"Baby, I think that is not right." Mula sa likuran ay may nagsalita. Parehas kaming lumingon sa bagong dating na si Mark.

"Hi babe." Tumayo agad si Celine at nilingkis na agad ang boyfriend nya at hinalikan sa lips.

Ganyan si Celine. Masyadong bulgar na kahit sa kalye yata ay hindi mahihiyang makipag halikan kay Mark.
Ang katwiran nya ay gusto nyang ipakita sa mga babaeng naglalaway kay Mark na boyfriend nya ito at kanyang kanya lang.

Nakaramdam ako ng konting hilo kaya nag excuse muna ako sa dalawa. Hindi pa ako nakakapangalahati ng cocktail na in-order namin ni Celine pero masama na agad ang pakiramdam ko.

Naghilamos ako para maibsan kahit konti ang hilo ko.
I was searching for my handkerchief nang mahagip ng mata ko ang pills na iniinom ko. Tatlong linggo na akong hindi umiinom nito dahil nagkaroon ako ng allergy at ipinatigil ng OB ko pansamantala ang pag take nito.

Shit!
Possible kaya?
Bigla akong kinabahan nang maalala kong hindi pa ako nagkakaron this month at higit two weeks na akong delayed.
Oh my god! At uminom pa ako ng alcohol!

Mabilis akong bumalik sa table namin nila Celine para magpa alam.

"Are you sure okay ka lang? Ihatid na lang kaya natin sya Mark?" Nag aalalang tanong ni Celine.

"No I'm okay, please mag enjoy na lang kayo dito." Pagtanggi ko. Alam kong busy din si Mark at minsan na lang din sila magkaroon ng alone time ni Celine.
Alam ko ang pakiramdam.

Nasa may parking lot na ako nang mahilo ulit ako kaya napasandal ako sa isang kotse na hindi kalayuan sa sasakyan ko. Ipinikit ko ang mata ko dahil umiikot talaga ang paningin ko.

"Hey miss, are you okay?" Nagdilat ako ng mata nang may isang baritonong boses ang nagsalita.

Medyo naging alarma ako sa pag aakalang isa ito sa mga kabataang lasing na mahilig mangharass ng kababaihan.

"I'm sorry, did I scare you?" Tumawa ito at lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi. "Don't worry hindi ako lasing, I'm here to pick up a friend pero mukhang nakaalis na." Defensive na sagot nito.

Napahiya akong nagbaba ng tingin.
"Ahm. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko." Pag amin ko.
Mukha naman itong harmless kaya kinausap ko ito.

"So pauwi ka na nyan? Oh, by the way, I'm Alden Sebastian." Inilahad nito ang kamay.

"Heleina Ricafort." Inabot ko ang kamay nito. "Yes pauwi na sana." Dagdag ko pa.

"Ihatid na kita. Delikadong mag drive sa kalagayan mo, nakainom ka ba?"

"Konti lang, but I'm not drunk."
Nagulat ako nang lumapit ito sa akin at hawakan ako sa siko at igiya mismo sa may passenger seat ng sasakyan sinandalan ko.

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now