Chapter XXII

26.1K 599 30
                                    

Chapter XXII

Maya's POV

"Ate Maya sa tingin mo ba dadating pa si Hollie? She's already thirty minutes late pero wala parin." Alinlangan tanong ng hipag kong si Amanda na tiningnan pa ang oras sa cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nandito kami sa restaurant ng hotel na pag aari ko at iniintay namin si Hollie.

"Hey girls, Sorry I'm late, biglaan kasing dumating si mommy from her trip in France." Humalik ito sa pisngi namin ni Amanda bago umupo sa bakanteng seat.

Nakatingin lang ako dito at pinag aaralan ko ang kilos nito. Mukha itong disturb na hindi ko mawari.
Dumating ang waiter para kunin ang order namin.

"Hollie, anong klaseng daddy si Lyndon kay Xander?" Tanong ko dito nang makaalis ang waiter.

"Huh? Ahm.. mabait at very loving dad. Bakit mo naitanong?"

"Curious lang ako. Do you love him?"
Naging malikot ang mata nito sa tanong ko bago nagbaba ng tingin.

"Of course, daddy sya ni Xander."

"Ipokrita!" Hindi na ako nakatiis sa kasinungalingan ng babaeng ito.
Kinuha ko ang baso ng tubig sa harap ko at isinaboy ito sa kanya.
"Ate Maya!" Nabiglang sigaw ni Amanda at halos magkasabay sila u napatayo sa kinauupuan.

"What was that for?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Hollie na inilibot ang tingin sa paligid bago muling bumaling sa akin habang panay ang punas sa basang mukha.

"Hindi anak ni Lyndon si Xander, at alam mo yun Hollie." Pinilit kong huwag gumawa ng eksena pero nakakapag init ng ulo.
Parang tinakasan ng dugo ang mukha nito sa sinabi ko samantalang si Amanda naman ay napasinghap.

"I don't know what are you talking about Maya, anak namin ni Lyndon si Xander."

Tumayo ako at mabilis na lumipad ang kamay ko sa pisngi nito. "That's for Heleina, and this is for Tiffy." Isa pa uling sampal ang ibinigay ko sa kabilang pisngi nito.
"Si Alden Sebastian ang totoong ama ni Xander na araw araw mong kinakalantari ngayon hindi ba? Si Alden din yun guy sa picture na kasama ni Heleina dito mismo sa hotel na pag aari ko Hollie kaya wag kang tatanggi!" Nagulat ito sa sinabi ko at napaupong sinapo ang mukha.

"Please, magpapaliwanag ako.. Wag nyo munang sasabihin kay lyndon parang awa nyo na." Umiiyak nitong pakiusap but I'm afraid sa mga oras na ito ay alam na rin ito ng pamilya Gallardo. I send the results of the DNA test kasama ang video tape nang CCTV dito sa hotel kung saan ay may dalawang lalakeng buhat buhat ang walang malay na si Heleina na ipinasok sa room 702 kung saan naka check in ang pangalan ni Alden Sebastian. Hindi ko rin alam kung paano nakalusot sa security ng hotel ang pangyayaring ito.

Kinuha ko ang isa pang kopya ng test sa bag ko at inihagis iyon sa harapan ni Hollie.

"Wala kang awa Hollie, paano ka nakakatulog sa gabi sa mga kahayupang ginawa mo? Sinira mo ang magandang pamilya sana ni Heleina. Ipinagkait mo kay Tiffany ang karapatan nya sa daddy nya. Wala kang konsensya na kahit sarili mong anak pinagkaitan mo ng katotohanan." Binalingan ko ang natutulalang si Amanda.

"Let's go sis."

"Wait Maya. Please makinig muna kayo, bilang kaibigan.. Please.."

"You're not a friend Hollie, and we're done."

_____________
Hollie's POV

Matagal nang nakaalis sila Maya ay hindi pa rin ako makagalaw sa kinauupuan ko. Tama nga si mommy, walang taong gugustuhin akong maging kaibigan. They did it in purpose. Kinaibigan nila ako para mag imbestiga.
pathetic stupid girl. Paulit ulit na nag-e-echo ang boses ni mommy sa pandinig ko.

How about my son? Hindi ko yata kakayanin na maranasan ni Xander ang naranasan ko. Ang lumaking kulang sa pagmamahal.

Mula bata ako ay hindi ko naranasan kay mommy na mahalin nito hanggang tumuntong ako sa age na sixteen.
Naalala ko noon kung gaano nya ako ipahiya sa mga kalaro ko, sa mga classmates ko na hindi na umuulit na pumunta sa bahay namin dahil natatakot kay mommy. Naranasan ko rin ang paminsan minsan nitong pananakit lalo na pag wala si daddy.
Wala akong kakampi kundi ang apo ng hardinero namin.
Si Alden.
Sa kanya ko sinasabi lahat ng sama ng loob ko.
Pero nagbago ang lahat ng sabihin ni mommy na mamahalin nya ako kung susunod ako sa mga gusto nya. Kasama na doon ang pagbabago ko sa sarili ko.
Sa pananamit, sa ugali at lahat lahat sa akin binago ko para mahalin ni mommy.

And yes, masasabi kong nagbago ito ng pakikitungo sa akin. Isinasama na ako nito sa mga lakad nya. Shopping, spa, traveling at kung anu ano pa ginagawa ng normal na mag Nanay. Kahit nami miss ko yung simpleng ako, hindi ako babalik doon. Si mommy lang ang meron ako ngayon at hindi ko kakayanin na pati ito ay magbago uli sa akin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

_______________

Lyndon's POV

"Please tita Monique, alam kong malaki ang galit nyo sa akin, but I'm only asking for one chance." Nandito ako ngayon sa bahay ni Maya na pansamantalang tinitigilan ni tita kasama ang mag asawang katiwala dito.
Kinausap ko sila mommy at daddy na doon sana patigilin ang mag iina pagkatapos kong makatanggap ng tawag sa doctor ni Heleina about sa pagpipilit nitong makalabas ng hospital. Nalaman ko din kay daddy na dinalaw nito ang anak ko at nabanggit ni Mark na birthday na nito sa isang araw at gusto nilang bigyan ito ng malaking children's party.

Araw araw binabanggit ng mga magulang ko ang tungkol sa anak ko at kung gaano nila ito gustong makasama.

"Lyndon hindi ko alam. At alam kong hindi magiging komportable sa bahay ng magulang mo ang mag ina kung sakali man." Malamig na turan ni tita Monique.

"Pansamantala lang po hanggang sa makahanap ako ng bagong bahay namin."

"Wala sa akin ang desisyon kundi nasa anak ko, at baka nakakalimutan mong may isa ka pang pamilya." Madiin na tagos sa kaluluwa ang bawat salita nitong binitiwan.

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito. Hindi ko pa rin nakakausap si Hollie. Umiiwas itong pag usapan namin ang tungkol sa bagay na ito dahil alam nitong si Heleina at si Tiffany ang pipiliin ko. Si Xander lang ang dahilan ko noon.

"Tita kasal pa rin kami ni Heleina, may anak man ako kay Hollie pero mas may karapatan sa akin si Heleina at Tiffany."

"Ang lakas ng loob mong sabihin ang bagay na yan Lyndon. Karapatan? Matagal mo nang tinanggal yan karapatan na yan sa anak ko at sa tingin ko ay hindi ka hahabulin ni Heleina para i-demand yang karapatan mong sinasabi. Sige puntahan mo sa hospital, kung ano man ang magiging desisyon ng anak ko sana igalang mo at hayaan mo lang." Pinagulong nito ang wheel chair na kinauupuan nito patalikod sa akin at muling nagsalita. "Tapos na ang pag uusap natin." Yun lang tuluyan akong iniwan nito sa living room.

Nanlulumo akong tumayo at nilisan ang bahay ni Maya.

Bumalik ako sa bahay ng parents ko para magpasama kay mommy sa hospital. Alam kong unfair na gamitin ang parents ko pero ito lang ang naiisip ko sa ngayong paraan para makasama sila. She's still sick at gusto kong alagaan sya. I also heard na papasok si tita sa rehabilitation sa tulong ni Maya para makalakad muli at pansamantalang mananatili doon hanggang maka-recover. Alam kong hindi pababayaan ng mga kaibigan namin ang mag ina ko pero gusto kong ako naman ang sandalan nya ngayon. May sariling buhay din sila Mark at ako ang gumawa ng gulong ito kaya ako ang aayos.

Whatever it takes.

Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni mommy. May iniabot itong envelope na nakapangalan sa akin at naka-address kay Maya Guevara ang sender.

Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.

Naglakad ako papuntang living room nakasunod lang si mommy habang binubuksan ko iyon.
Sa loob ng envelope ay may isa pang puting envelop at isang disk?

"Genealogical DNA Test Results."

Narinig kong binasa iyon ni mommy at kinuha sa kamay ko nang hindi ako gumalaw.

"Oh my God!"
_______________

Thank you for reading!

Vote.comment.fan

lovingly_yours007

05-08-2015

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now