Chapter II

32.3K 575 9
                                    

Chapter II

Present

Heliena's POV

"Manong Berting pakibaba na lang po ako dito. Wag nyo nalang pong banggitin kina ate Maya sana."

"Pero ma'am madilim na po at delikado pong mag isa sa lugar na ito."

"Sige na po, gusto ko lang pong mapag isa kahit sandali." Hindi naman siguro kasing delikado sa manila dito sa Palawan, tsaka may mga ilan pa namang taong makikita na naglalakad sa may dalampasigan.

Malapit na ito sa tinutuluyan kong hotel at gusto kong lakarin mula dito iyon para makapag isip isip.

Ang totoo ay bukas pa ng umaga ang flight ko, alam iyon lahat ni Celine at nagpa pasamat akong nanahimik na lang ito. Hindi ko na kayang manatili pa doon kasama sya. At ng kanyang pamilya.

Malaki din ang pasasalamat ko sa mag asawa ni Celine at Mark dahil ang mga ito ang nagbayad mula sa eroplano hanggang sa hotel na tinitigilan ko.

How dare him na tawagin akong Mrs Gallardo?

Tumigil ang sasakyan at pinag buksan ako ni manong berting ng pinto.

"Ineng mag iingat ka." Kakamot kamot ito sa ulo na nag aalanganin.

Ngumiti ako dito.
"Don't worry manong, I'll be safe." Pag a-assure ko dito bago bumaba ng sasakyan. May isang tao akong iniingatan at hindi ko hahayaan na may mangyari sa aking masama.

Pumikit ako at dinama ko ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa aking pisngi.

Naglakad ako papunta sa may tabing dagat at umupo sa buhangin

Ibang iba na ang sitwasyon ngayon.

Pagkatapos mamatay ni dad sa car accident 3years ago ay napakalaki ng ipinagbago ng buhay ko.
Naisip ko ganito ba talaga ang buhay?
Si amanda maraming masasakit na nangyari sa kanya pero in the end masaya na sya ngayon dahil natagpuan nya na ang pamilya ng mother nya at nalaman na rin nya ang tungkol kay tito Fernan.

Ako, since ipinanganak ako ay puro luho at itinuring akong prinsesa ng mga magulang ko kaya ito ba ang aftermath ng buhay ko?

Biktima lang din naman ako pero bakit para akong kina karma sa nangyayari sa akin?

"Fvck my life! I hate you Lyndon Gallardo!

Malakas kong sigaw.
Paulit ulit hanggang sa mapagod ako.
It feels good kahit papaano ay nailalabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. May ilang pares ng mga tao ang tumitingin sa kinaroroonan ko pero wala akong pakialam.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaupo lang doon nang magpasya akong bumalik sa hotel na tinutuluyan ko.
Mga kalahating oras siguro akong maglalakad hanggang sa hotel.

Malamig ang pang gabing hangin at hindi ko maiwasan na pagkiskisin ang palad ko.

"Ouch." Nakalimutan kong may ilang sugat ako sa kamay.
Napatawa ako ng mapait. Yun malambot kong kamay noon na walang trabaho kundi magsulat ng mga notes sa school at gumamit lang ng computer ko ay sobrang gaspang na ngayon. Naabuso na yata sa kakatrabaho.

Yun mga bagay na iniaasa ko sa mga magulang ko noon ay sa akin na iniaasa ni mommy ngayon.

___________
Lyndon's POV

Nag angat ako ng ulo nang mapansing humimpil ang sasakyan at bumaba doon si manong Berting. Kanina ay natanaw ko na sumakay sya doon para ihatid ng driver sa hotel nitong tinitigilan.

Sobrang bilis naman nitong bumalik.

"Manong ang bilis nyo naman pong ihatid si Heleina." Bati ko dito nang dumaan ito sa kinaroroonan ko.

"Ah sir... Ano po..ahm, nagpababa po sa daan, gusto daw pong mapag-isa. Wag nyo na lang hong sasabihin kay mam Maya at nangako po kasi ako kay miss Lei" Nag iwas ito ng tingin at mabilis akong iniwan.

Nagpababa? Saan?

"Manong sandali!" Hinabol ko ito. "Saan mismong nagpababa?" Anung iniisip ng babaeng iyon? Hindi ba nya alam na delikadong mapag isa sa ganitong lugar?
Paano kung may mga turistang manyak na pagsamantahan sya?
At bakit pinayagan lang ito basta ni manong?

"Never mind." Napansin kong natatakot ang matanda sa hitsura ko kaya mabilis ko na itong iniwan.

Rinig ko ang malalakas na kantyawan mula sa may camp fire.

"Mark?" Napansin ko itong papunta sa loob ng rest house. Pansin kong parang hindi ako gustong kausapin ng isang ito simula nang magkasama sama uli kami. Kadalasan ay nakadikit ito sa asawa nyang si Celine.

Tumango ito na tumingin lang sa akin.

"Ahmm. Can you give me her mobile number?"

"Who?" Halata ang inis sa boses nito.

"You know who am I talking about. Damnit!"
Nainis na rin ako. I'm his friend pero ngayon ay parang nasa panig na ito ni Heleina.

Ngumisi ito sa akin na lalong nagpa init ng ulo ko.

"Kung si Lei ang tinutukoy mo, no wala syang number, dahil wala syang cellphone." Naglakad na ito palayo at hindi na ako nilingon kahit pa tawagin ko ito.

Napahilamos na lang ako sa mukha.

Alam kong wala akong kakampi isa man sa mga kaibigan ko.

________
"Pero sir, hindi po pwede yan ganyang demmand. Intayin nyo na lang po si Miss Ricafort sa lobby, sorry po talaga sumusunod lang po ako sa hotel policy."

"Miss, gaano ba kahirap intindihin sayo na asawa ko siya?" Fifteen minutes ko na kaming nag uusap ng receptionist na ito pero matigas ito at ayaw ibigay sa akin ang key ng hotel room ni Heleina.

At saan ba nagpunta ang babaeng iyon?

"Excuse me, may problema ba dito." Mula sa likod ay may nagsalitang babae. Nilingon ko ito at nagulat ako dahil kakilala ko ito.

"Lyndon? Oh my gosh! Small world anung ginagawa mo dito?" Masayang bati nito.

"Desiree?" School mate namin ito nila Bryan dati at nawalan na kami ng balita dito ng lumipat sila ng bahay ng family nya. Kilala ko ito dahil naging syota ito dati ni Mark ng almost one year.

"Good evening Mrs Sebastian. Ahm ano po kasi, pinipilit po ni sir hingin yun key sa room ni Miss Ricafort--

"The woman is my wife!" Sigaw ko sa babae.

"It's ok miss Sheryl, ako na ang bahala dito." Bumaling sa akin si Desiree at tinaasan ako ng kilay. "So Lyndon, hina harass mo pala ang receptionist namin?" Nagulat ako sa sinabi nito.

"You owned this hotel?"

"My husband actually. So, tama ba yun narinig ko, you're married already?"
Sa tono ng boses nito ay hindi ito naniniwala.

"Right, now since kilala mo namang harmless ako baka pwedeng mahingi na yun key sa room ng asawa ko? O baka gusto nyo pa magpakita ako ng marriage contract?" Sarkastiko kong wika.

"Siguraduhin mo lang Lyndon, ayokong may bigla na lang mag complain na costumer dahil hinarass mo na pala." Tumingin ulit ito sa receptionist. "Sheryl give him the key" mabilis itong tumalima at hindi makatingin na iniabot sa akin ang susi.

"I need to go, Nice to see you again Mr Playboy."

___________
Thank you for reading!

Vote.Comment.Fan

lovingly_yours007

03-23-2015

Lyndon's Dirty GameUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum