Chapter XXXII

27.7K 619 17
                                    

Chapter XXXII

Heleina's POV

"Saan ka pupunta?"

Mula sa sofa ay pupungas pungas na bungad sa akin ng walang pang itaas na si Lyndon.
Mag iisang linggo na rin kaming magkasama at mula ng mangyari ang insidente sa bathroom ay mas dinoble ko ang pag iwas at pag-ignore dito.
Thankful na rin ako dahil hindi naman ako nito pinipilit na kausapin. Naiinis lang ako dahil sobrang exaggerated ang ginagawa nito, hindi ito umaalis ng unit. Nun isang araw ay dumaan dito si tita Loren para magdala ng groceries na ipinakisuyo daw ng anak. Nagluluto ito at aaminin ko na kahit hindi na makain ang luto nito ay pinagtityagaan ko na lang. One time ay narinig kong nagmumura ito at sinisisi ang Google sa palpak nyang luto.

Nagkunwari akong hindi ko sya narinig at tuloy tuloy na naglakad sa pinto dala ang aking bag.

Pupunta ako sa Laguna dahil hindi na tinantanan ng utak ko ang tungkol sa hard disk na naiwan ni daddy. Malaki ang hinala ko na maraming kasagutan ang disk na iyon sa mga nangyari kay daddy.
Nasa may elevator na ako nang marinig ko itong tinawag ako.

"Heleina wait!" Hinabol ako nito.

Hawak nito ang susi ng sasakyan sa isang kamay at nakasampay naman ang shirt nito sa balikat habang sa kabilang kamay ay bitbit nito ang sapatos.

Bumukas ang elevator at doon ito dali dali nagbihis at isinuot ang sapatos.
Sumiksik naman ako sa kabilang dulo para bigyan ito ng space.

Nang bumukas muli ang elevator sa 8th floor ay may tatlong kalalakihang pumasok doon na halos hindi nalalayo ang edad sa amin kung hindi ako nagkakamali.

Lumapit sa akin ang isang lalake at itinukod ang dalawang kamay sa wall ng elevetor sa magkabilang gilid ng mukha ko at inilapit ang mukha sa akin.
"Hi miss."
Napapikit at napangiwi ako sa amoy ng alcohol sa hininga nito.
Familiar ang mukha nito sa akin, dahil nakakasakay ko na ito noon paminsan minsan dito sa elevator.

"Lyndon." Nanginginig ang boses na wala sa sariling tinawag ko ito nang haplusin ng lalake ang pisngi ko.

"Fvck off Samiento." Nagdilat ako nang mata nang makarinig ako ng malakas na lagabag at nakitang nakahandusay yun lalake sa floor. Kinabig ako nito sa dibdib nya at randam ko ang mabilis na tibok ng puso nito.

"Gago to ah!" Tumayo yun guy at akmang susugod nang bumukas uli ang elevetor sa 3rd floor.

"Please Lyndon wag mo nang patulan." Mahigpit kong hinawakan ang T-shirt nito.
Natatakot ako.
Tatlo sila at kagaya nya ay malalaking lalake ito.
Bumuntong hininga ito.

"Wait, lalabas kami." Pigil nito sa bagong pasok na lalakeng bagong pasok ng akma nitong pipindutin ang close button.
Hinila ako nito palabas. "Putangina mo Sarmiento, hindi pa tayo tapos." Bago sumara ang pinto ng elevator ay pinagbalaan pa nito yun lalake.

"Are you ok?" Hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay kong humarap ito sa akin.

"Bakit ba kasi sumunod ka pa?"
Tinanggal ko ang kamay nitong nakahawak sa akin at nagsimula uling maglakad. Makapag hagdan nalang, tutal nasa 3rd floor naman na kami.

"Kung hindi ako sumunod baka kung ano na ang ginawa sayo ng gagong yun!"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito.
"Hindi ba't mas malala pa nga yun ginawa mo sa akin sa Palawan?" Bago ko pa mapigilan ang bibig ko ay kusa iyong lumabas.

Natigilan itong napa hilamos sa mukha bago malalim na bumuntong hininga.
"Gago kasi ako and I'm really sorry, I got jealous.. Very."

"Wala kang karapatang magselos dahil wala kang karapatan sa akin."
Tumalikod na ako at sinimulang maglakad.

Lyndon's Dirty GameWhere stories live. Discover now