Get back together?

73 3 0
                                    

Umiiwas ako kay Kiel hanggang ngayon. Huling matinong usap yata namin ay nung sinend ko sa kanya yung mga videos nila ni Cloud. Hindi ko inexpect na ia-upload niya yung video na yun sa Facebook niya at itatag pa ako sa post, dahil doon ay maraming nagtatanong tungkol sa amin, ang iilan pa nga ay inakala na kami ang nagkatuluyan sa huli.

Ako nalang ang nahihiya para sa girlfriend niya. Though hindi man kami in good terms, bilang babae ay naiisip ko rin ang mararamdaman niya kapag nakita niya ang mga comments doon na kino-congratulate ang boyfriend niya kasama ako at ang anak namin.

Sinabihan ko na si Kiel na burahin ang post na yun dahil baka magalit si Katarina, pero ang sagot niya lang sakin noon ay "Why would I? I don't care if she'll get mad at me".

Kaya simula noon ay di ko na siya nireply sa mga chat niya, mabuti nalang din at nagpaalam siya na hindi muna niya madadalaw si Cloud dahil magiging busy siya sa trabaho. Ayokong ma-issue ako sa kanya at kami na naman ng anak ko ang pag-initan ng girlfriend niya. Gusto ko lang ng katahimikan sa buhay kaya hangga't maaari ay iiwasan ko siya.

"Beshie baka naman gustong makipagbalikan sayo!" eksaheradang konklusyon ni Mae

"Naku Beshie, a big big no ka jan! Ano yun, porket may baby Cloud na bigla nalang gustong makipagbalikan? Sana noon pa bago umalis si ate gorl papuntang Canada, ano!" pagkontra naman ni Gelai.

"Beshie naman, baka naman ngayon lang naka-timing" depensa naman ni Mae.

"Hindi beshie, kung gusto niya maraming paraan. Bakit ngayon lang? Ano yun, for convenience? Dahil may Cloud na, instant family, ganon?" di patalo si Gelai.

Kanina pa silang dalawa nagtatalo tungkol sa amin ni Kiel. Ewan ko ba sa kanilang dalawa, wala namang sinabi sakin si Kiel na gusto niyang makipagbalikan o ano. At isa pa, alam kong matagal na kaming tapos, harap-harapan nga niyang sinabi sakin na mahal niya pa ang ex niya dati, diba? So, bakit pa ako aasa? Lalo pa ngayon na ilang taon na ang nakalipas. Hindi naman mababago 'yon dahil lang may anak na kami. Di niya ipagpapalit 'yon para lang sakin na never naman niyang minahal. Oops, hindi ako bitter huh! Sinasabi ko lang ang totoo.

Nahinto ang pagtatalo ng dalawa kong kaibigan sa ng biglang magring ang phone ko.

"H-hello? Bakit napatawag ka?" sagot ko sa tumawag.

"Hi, Heaven. Gusto ko lang kayong kumustahin ng baby natin" bigla akong napaubo ng malakas dahil sa sinabi niya. Agad naman nagtinginan sakin sina Mae at Gelai.

"A-ah, ayos lang naman si Cloud. Nasa school pa siya ngayon" ano ba Heaven! Bakit ka kabado?

"Mabuti naman kung ganon, eh ikaw, kumusta ka?"

"Ayos lang din.." hindi siya agad sumagot kaya dinugtungan ko na.

"Ikaw?"

"Ayos lang din. Medyo busy lang dito sa office kaya hindi pa ako makapunta jan" malungkot ang boses niya.

"Ahh okay.. Ayos lang naman yun, anytime naman pwede mong dalawin si Cloud" sabi ko sa kanya.

"Miss ko na kayo..." napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. Hindi agad ako nakasagot, pano ko naman sasagutin 'yun? Tss.

"I m-mean... m-miss ko na si Cloud" pagbawi niya agad dahil hindi na ako sumagot.

"Miss ka na din niya, for sure. Marami pa namang pagkakataon na pwede mo siyang dalawin. S-sige na, ibababa ko na 'to. Salamat sa pagtawag.." paalam ko pero inantay ko pa siyang makasagot, baka sabihin ang bastos ko naman kapag binabaan ko agad siya. Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga bago nagsalita.

"O-okay, see you soon. Mag-ingat kayo lagi. I ..." di ko na pintapos ang sasabihin niya, inend call ko na agad.

Saka lang ako nakahinga ng maayos nung naputol na ang tawag. Pero agad ko din naman narinig ang halakhak ng mga kaibigan ko.

"Kabado ka beshie?/ Pulang-pula si ate gorl" sabay nilang pang-aasar at nadugtungan pa ng kung anu-ano.

"Oh, please! Ang issue niyo ah. May girlfriend yung tao kaya tigilan niyo yan" saway ko sa kanila.

"Ahh, so.. Kung walang girlfriend, okay lang? Nakikipagbalikan na ba?" di paawat si Mae.

"Hindi. Nangamusta lang"

"Bakit, tunog disappointed ka beshie?" isa pa 'tong si Gelai.

"Gusto niyo bang umuwi na?" inis kong tanong sa kanila pero lalo lang silang tumawa. Mali yatang pumayag ako na mag-overnight sila dito

"Matagal nang tapos ang kwento namin. Siya pa nga nakipaghiwalay, di ba? So asa pa kayong makipagbalikan." nagtinginan naman sila agad.

"A-At ayoko rin naman kung sakaling makipagbalikan siya. Doon nalang siya sa ex niya" dagdag ko pa at nagsilabasan na nga ang mapang-asar na ngisi ng mga kaibigan ko.

"Este, g-girfriend pala" sabi ko nang maisip kong, hindi na nga pala niya ex yun. Ako pala na yung EX.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Nov 21, 2020 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

He Still Love His ExUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum