Bataan Day 1

37 7 1
                                    

Hapon na ng makarating kami sa guesthouse nila RK. Dahil pagod sa biyahe ay napili nalang namin na matulog ng maaga pagkatapos kumain.

May tatlong kwarto itong bahay kaya naman nagshare nalang kami sa mga kwarto. Sina Mae at Gelai ang kasama namin sa kwarto, sina RK at Ivan naman tapos yung magjowa. Doon din sana sasama si Kiel sa kwarto ng dalawang lalaki pero dahil nag-inarte ang bruha na wala daw siyang kasama kaya dun nalang daw ang boyfriend niya.

"Aga mo ahh" sabi ni RK na halos hirap pang ibuka ang mga mata.

"Good morning!" baling ko sa kaniya. "Anong pwede ko lutuin dito?

"Hmm, sandali tignan ko lang" sabi niya at agad chineck ang mga cabinet sa kusina.

"May pang-sopas dito" sabi niya at agad nilabas ang mga 'yon.

"Pasensya na ah.. Wala kasi dito ngayon yung kasambahay namin kaya walang mag-aasikaso sa atin"

"Ano ka ba ayos lang. Ang dami naming babae dito oh." natatawa kong sabi

"Tulog pa ba si Mae?" tanong niya.
"Oo, ang sarap nga ng tulog eh. Inagawan pa ako ng pwesto" pareho naman kaming natawa.

Patuloy lang siyang nakipag-kwentuhan habang ako naman ay nagprepare na ng lulutuin.

"Grabe, laki ng pinagbago mo ah.. Dati ikaw ang baby nila. Ngayon ikaw na nag-aasikaso sa kanila" napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ganon talaga siguro pag nagkaanak na. Yung dating hindi mo magawa, biglang mo nalang magagawa. Nagbabago ka ng hindi mo namamalayan"

"G-good morning!" hikab hikab pang lumapit samin si Gelai.

"Anong niluluto mo? Teka, marunong ka ba magluto?" dugtong pa niya.

"Bastos ka! Anong tingin mo sa akin beshie?" hampas ko sa kanya.

"Biro lang hahaha! Diba kasi hindi ka naman marunong dati"

"Matututo ka kapag nagkaanak ka na" masaya kong sabi.

Tumulong na din si Gelai sa paghiwa ng mga gagamitin kaya mas napadali ang gawain ko. Tapos na ako magluto sakto naman na nagising na ang iba.

"Mama!" takbo ng anak ko kasunod ni Mae.

"Ang bango ahh, ano yan beshie?" tanong niya.

"Sopas, tara upo na kayo para makakain na tayo" yaya ko sa kanila. Nakita ko ang bruha na umismid pa sa akin. Hay naku! Ayoko masira ang araw ko dahil sayo.

Napalingon naman kami dahil may bumusinang sasakyan sa labas.

"Anjan na yata si pareng Alvin. Tignan ko lang ah" paalam niya kaya nagpatuloy naman kami sa pagkain.

"Mama more hotdog please" bulong sakin ng anak ko.

"You should eat more vegetables Cloud" pagpilit ko sa kanya dahil tinatabi niya ang ibang gulay.

"Good morning" bati sa amin ng kadarating lang.

"Oh Alvin! Kasama ka din pala. Tara kain." alok ng mga kaibigan ko, nagulat naman yata siya ng makita niya ako kaya nginitian ko siya.

"Tara kain" sabi ko at umupo naman siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Cloud.

"Sakto dating mo may almusal na haha" masayang sabi ni RK.

He Still Love His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon