Family Day

63 7 1
                                    

Malapit nang bumalik si Jensen sa Canada kaya sinusulit na niyang makasama si Cloud. Ngayon ay nandito kami sa Mall para ipasyal ang anak ko, alam kong kapag umalis na si Jensen ay sobra na naman siyang malulungkot.

"You know what milady it looks good on you" habang pinapakita niya sakin ang isang dress.

"No, I think it will looks good to Vienna. Why don't you buy it for her? I heard you two had an arguements again, you know.. A peace offering.." suhestiyon ko sa kanya at umiling-iling naman siya.

"Come on Jensen. Just give her that dress and tell her it's from me"

"Fine" tamad nitong sagot. Kahit kailan talaga ay para silang mga aso't-pusa, kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Habang tinitignan ko sila Cloud at Jensen na masayang pumipili ng mga laruan ay pumasok sa isip ko na pabinyagan ulit si Cloud. Nung nasa Canada kasi kami ay pinabasbasan lang namin siya sa pari at kami-kami lang ang nandoon, gusto ko sanang pabinyagan siya ulit dito sa pilipinas kasabay ng birthday niya para naman magkaroon din siya ng mga ninong at ninang.
Pero nagdadalawang isip pa ako, gusto ko kasi kapag bininyagan siya ay-

"Hey, spacing out again?" pagkuha ni Jensen sa attention ko. At umiling ako, saka ko nalang nga iisipin ang tungkol doon.

"Are you hungry now my man?" baling ng kasama ko kay Cloud at tumango naman ang bata.

"Where do you want to eat baby?" at hinarap ko si Cloud.

"Of course to my favorite, Jabee" masiglang sumagot ang anak ko at agad naman kinontra ni Jensen.

"Heeey my man, we always eat at Jollibee, can't we go to McDonald's?" sabi niya na parang bata.

"No daddy! I want chicken joy from jabee" matigas na sabi ni Cloud

"Okay, you win!" pagsuko ni Jensen sa kanya kaya natawa nalang ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ngayon ay masaya kaming kumakaing tatlo, hindi maubos ang kwento ni Jensen kay Cloud at sa akin, halos hindi na nga ako makakain kakatawa dahil sa mga pinagsasabi niya. Napaka-swerte ko talaga sa lalaking ito, masaya ako dahil nakilala ko siya.

"Oh' Heaven, Jensen!" inangat ko ang ulo ko para tignan ang nagsalita.

"Oh hey, what's up guys?" tanong ni Jensen sa kanila at ako naman ay ngumiti lang.

"Can we join you?"

"Sure, upo kayo" alok ko sa kanila dahil may bakante pa namang upuan.

"Tignan mo nga naman dito pa tayo nagkita, Family day?" pag-uusisa niya habang ang kasama niya ay tahimik lang

"Yeah, I'll be back to Canada soon so we're enjoying the days before I leave. So for now, everyday is Family day" paliwanag ni Jensen.

Habang kumakain kami ay napakadaming kwento ni Katarina tungkol sa kanila ni Kiel, halos ayoko na ngang makinig sa kaniya dahil inaamin kong may sakit parin akong nararamdaman tuwing nakikita ko sila lalong lalo na si Kiel.

"So, saan kayo after nito Heaven?" pagkuha niya sa attention ko.

"Hmm siguro sa Time zone para makapaglaro muna si Cloud" sagot ko kahit naiilang ako kay Kat.

"Ganun ba? Dun din ang punta namin eh, right Hon?" baling nito sa boyfriend niya.

"Y-yeah" sagot ni Kiel na animo'y naiilang din.

He Still Love His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon