Hospital

43 5 1
                                    

"Doc.. Emergency po, na-fracture po yata yung braso niya. Di po namin alam ang nangyari pero parang may masakit sa kanya." paliwanag ni RK ng makarating kami sa ospital.

Agad naman nilang inasikaso si Cloud at sinabing maghintay muna kami. Sakto din naman na dumating sila Ivan at Gelai kasama ng babaeng nagpapainit ng ulo ko.

"Anong sabi ng doctor?" tanong ni Gelai pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa direksyon ng babaeng yun.

"Anong nangyari? Anong ginawa mo sa anak ko?" sigaw ko habang tinutulak siya. Sinasalag niya lang ang kamay ko at akala mo maamong tupa na hindi makapagsalita.

"Beshie"
"Tama na yan" awat nila sa akin.

"It was an accident! Kasalanan naman 'yon ng anak mong makulit!" sigaw niya sakin at parang nagpantig ang tenga ko.

"Anong sabi mo?" akmang susugurin ko siya ulit pero pinigilan na naman nila ako.

"I said kasalanan ng anak mo. And kasalanan mo din dahil hindi mo binantayan ng maayos!" maangas pa siya.

"Ah. Makulit yung bata kaya pinatulan mo?" galit kong tanong at hindi siya umimik

"Ipagdasal mo lang na okay ang anak ko, kung hindi.. Baka hindi kita matansya!" banta ko.

"Are you threatening me?" nakita ko naman na pinapatigil siya ni Kiel.

"No I am not. Di kita tinatakot, binabalaan lang kita" sabi ko bago sila iwan.

Naramdaman ko naman ang pagsunod sakin ni Alvin.

"Kumalma ka muna Miracle"

"Pano ako kakalma? Napahamak yung anak ko.. siguro nga kasalanan ko din dahil di ko binantayan ng maayos" ang pabaya kong ina.

"Ano ka ba, it was an accident. Di mo ginusto ang nangyari. Don't blame your self." napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa frustration.

Noong medyo kumalma na ako ay inaya na ako ni Alvin na bumalik dun.

"Beshie hinahanap ka ng doctor" bungad sakin ni Mae kaya agad akong tumakbo sa doctor.

"Na-fracture ang left arm niya. Malamang naitungkod niya 'to nung natumba siya at namali ng bagsak. Kinailangan kong lagyan ng Cast ang braso niya." nanghina ako sa sinabi ng doctor.

"Ilang linggo po bago matatanggal yun doc?"

"Maybe 2-3 weeks kung mabilis na gagaling, pero pwede din umabot ng isa't kalahating buwan. Binigyan ko na siya ng reseta ng pain reliever, tolerable ang pain para sa matatanda pero dahil bata ang pasyente madalas nitong iindahin ang pagkirot ng braso niya" paliwanag ng doctor bago kami umalis.

Sinilip ko naman ang anak kong nakatulog dahil sa kakaiyak.

"His left arm was fractured, and nilagyan yun ng cast" sabi ni Alvin ng makabalik kami sa mga kasama namin.

"See nothing serious happened!" mataas na boses ang narinig ko at hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Nothing serious happened ha?" sabi ko at agad na hinila ang buhok niya. Pilit naman inaalis ng mga lalaki ang kamay ko.

"Don't touch me!" sigaw niya.

"Nothing serious right? Kung basagin ko kaya mukha mo at baliin ko braso mo!" sigaw ko sa kanya. Buti nalang wala masyadong tao sa pwesto namin.

"Stop it Heaven! You're hurting her" awat ni Kiel. Tinignan ko siya ng masama at hindi parin binitawan ang buhok ng gf niya.

"Talagang sasaktan ko 'tong gagong 'to" mas lalo kong hinila ang buhok niya. Naramamdaman ko naman ang paghila nila Ivan, Rk at Alvin sa kamay ko.

Nang mapaghiwalay kami ay agad na silang pumagitna.

"Napakabobo mo sa parteng iniisip mo na parang wala lang yung nangyari. Sana kung gaano kalaki yang dibdib mo, ganon din kalaki yang laman ng utak mo!" inis kong sabi. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa ng mga kaibigan ko. Pero seryoso ako at hindi nagpapatawa.

"Heaven, kumalma ka muna" mahinanong pakiusap ni Kiel.

"Kumalma? Tang ina Kiel! Palibhasa hindi mo anak eh, 'no? Kaya parang wala lang sayo! Kung ako sayo ang pagsabihan mo ay 'yang babaeng yan" baling ko sa kanya

"If you're just responsible enough, di mangyayari sa anak mo yan" sumabat na naman ang babaeng malapit ko na mapatay.

"Wag mo akong lecture-an sa pagiging responsable! Hindi mo pa naranasan maging magulang. Bakit hindi mo kaya idiscuss yan sa boyfriend mo?" sabi ko bago ko sila iwan.

"Beshie hintay!" at agad naman sumunod sakin yung dalawa.

Binili ko muna ang mga gamot na nireseta sa anak ko. Pagbalik namin sa kwarto niya ay gising na siya.

"Mama.." hikbi niya ng makita ako.
"Cloud, my baby.. How are you feeling?" umiling naman siya. Siguro ay wala pa siyang maramdaman dahil may epekto pa ang anesthesia.

Imbes na bumalik sa resort ay dumiretso na kami sa guesthouse. Tahimik ang lahat sa byahe. Maging ang kinaiinisan ko na nasa likod ay tahimik din. Dapat lang dahil baka mangudngod ko na ang mukha niyang kung saan.

"Anong oras bukas ang first trip?" tanong ko kay Mae habang nag-aayos ako ng gamit namin Cloud.

"Beshie..."

"Sorry, pero mauuna na kami ng anak kong umuwi. Di ko kayang makita at makasama ang nanakit sa anak ko"

"Sabay-sabay na tayong umuwi bukas" pag-aamo sakin ni Gelai.

"Hindi na. Ayokong makasabay ang dalawang yun." pagmamatigas ko.

Hindi naman nila ako mapilit na sumabay sa kanila. Alam kong nagtataka sila sa inaasal ko, hindi ganito ang pagkakakilala nila sa akin. Hindi nga ako halos magmura, pero iba ang galit ko. Sumabog na ako eh, anak ko ba naman ang saktan. Kahit sino magiging halimaw din sa galit.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ay natulog na ako.

He Still Love His ExWhere stories live. Discover now