Cloudy day Part 2

35 5 0
                                    

"Mama I want to sleep now" bandang alas-siete na ng ayain ako ng Cloud dahil inaantok na siya.

Nakauwi na ang ilan sa mga bisita at relatives namin, naiwan naman sina RK, Alvin, Kiel sa table ng iba kong kaklase para mag-inuman.

Nagpaalam muna ako kanila Gelai at Mae para dalhin sa Cloud sa kwarto niya, nandoon naman ang sina ate Tess at ate Maricel maging ang mga anak nila.

"Ate itabi ko po muna sa inyo si Cloud. Inaantok na daw siya eh, asikasuhin ko muna yung mga bisita" sabi ko kay ate Tess.

"O, sige. Kami na muna ang bahala sa kaniya. Sila tito at tita ba nasa baba pa?" tanong niya.

"Opo ate, sinusulit nila mama at papa yung uwi nila dito. Ang tagal din nilang hindi naka-bonding mga relatives natin eh"

"Sige bumalik ka na dun sa kabila, mamaya bababa din ako para tumulong magligpit. Andito naman si Maricel para tumingin sa mga bata." sabi niya.

"Sige ate, salamat" at bumalik na ako sa pwesto ng mga bisita na mas malayo ng konti sa bahay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hoy lalaki, hinay-hinay sa pag-inom. Magda-drive ka pa ng kotse mo" awat ni Mae kay RK.

"Tama.. Wala kayong matutulugan dito kaya wag kayo magpakalasing" dagdag pa ni Gelai.

"Hindi naman nakakalasing 'to, chill lang kayo" katwiran ni RK. "O, diyan ka na pala ulit Heaven. Inom ka oh" sabay baling nito sakin kaya binatukan siya ni Mae.

"Sandali, babalik ako agad. Puntahan ko muna sila Jensen at Vienna" paalam ko ulit sa kanila.

"Where's Cloud?" tanong ni Vienna sakin pagkalapit ko sa kanila.

"Sleeping already... Are you good here? Just tell me if you need anything..."

"O, come on! Don't mind us sissy, we can manage" natatawang sagot niya sakin. Si Jensen naman ang nilingon ko.

"How about you Jensen?" agad naman niya akong sinagot.

"Ah nah.. I'm good"

"Wanna join with them?" tanong ko sabay turo ng table ng mga kaibigan ko. Nagtinginan naman sila at parehong sumang-ayon.

"Ahmm guys, ayos lang ba?" tanong ko kanila Mae para magpaalam kung ayos lang ba na umupo sa table nila sina Jensen at Vienna.

"Sure! Come here, join us" masiglang sabi ni Mae sa dalawa.

Inabutan din nila ng maiinom ang dalawa kong kaibigan. Kanya-kanyang usapan pa noong una pero nang mapakilala ko na si Vienna sa kanila ay sinali na nila 'to sa usapan. Nakailang bote na sila ng alak pero wala parin ang nalalasing, napahaba na rin ang kwentuhan. Nag-uwian na ang ibang bisita at table nalang namin ang naiwang may tao.

"Really? Wow girl, congratulations!" bati nila Abby kay Vienna nang ikwento nito na engaged na siya at nagpaplano na sa kasal.

"Thank you. But before my wedding, I want Miracle to get married first" sabi ni Vienna at ngumiti sa akin.

"Yeah right, we will be happy to see her in a wedding dress too" dagdag pa ng mga kaibigan ko. Napangiti naman ako ng tipid at may narinig akong tumikhim.

"Ven, hinahanap ka nila tita. Sandali lang daw" napalingon ako kay ate Maricel na lumapit sa akin.

"Sige po ate susunod po ako" sagot ko at nagpaalam din ako sa mga kaibigan ko bago bumalik sa bahay.

He Still Love His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon