VIENNA & JENSEN

41 3 0
                                    

"I'm really sorry about last night, guys" hiyang-hiya talaga ako sa nangyari. Sila pa ang napag-isipan ng masama tho wala naman silang ginagawang masama.

"No worries sissy, Jensen deserved that punch too. Coz he's being a Jerk with Kiel, it was really his intention to be caught by Kiel while we're kissing" natatawang sagot pa sakin ni Vienna. Tinignan ko naman ang pasa sa gilid ng labi ni Jensen.

"You sure you're fine?" tanong ko kay Jensen.

"Dude I'm fine. I really want to give that guy a lesson but look I'm the one who was punched" sagot nito sakin at nagtawanan pa sila ng girlfriend niya.

Tama, girlfriend na niya si Vienna. Ay fiancè na pala. Sinagot siya ni Vienna last month at nung nakaraang araw ay nagpropose si Jensen. Hindi nga makapaniwala ang parents ko na sila na kasi noong nasa Canada kami ay mortal enemies ang dalawang 'yon.

Pero noong mga nakaraang taon ko pa naramdaman na may something sa kanila. Madalas man mag-away, kakaiba naman sila magtinginan. Yung tamang sila lang ang nagkakainintdihan. Kaya noong magpunta si Vienna sa France doon ko sinimulang asarin si Jensen at ayon nga, inamin niya sakin na may gusto siya sa kaibigan niya. Simula noon ay humingi na siya sakin ng mga payo kung pano siya magtatapat at manliligaw kay Vienna in a filipino way dahil hindi naman daw sa kanila uso ang ganoong ligawan.

"But seriously, Kiel doesn't know about you and Cloud? How come?" tanong ni Vienna.

"That's what he said and I don't know if I'm going to believe that. He told me that his account was hacked after we broke up. His friends told me that too."

"Maybe that's why they thought I am Jansen's Dad" natatawang sabi ni Jensen at hinampas naman siya ni Vienna.

"So what are your plans now?" tanong ulit ni Vienna.

"I don't know. I really don't know.." sagot ko at tanging buntong-hininga ang nabigay ko.

Sa totoo lang hindi ko talaga alam. Natatakot kasi akong baka biglang kunin sakin si Cloud. Simula noon yun na ang kinakatakot ko, si Cloud ang lahat sakin kaya hindi ko kayang malayo siya sakin.

Dati malakas ang loob ko na kung sakaling maghabol si Kiel ay may karapatan akong tumanggi dahil tinalikuran niya ang obligasyon niya sa anak ko. Pero ngayon, sinasabi niyang  wala siyang alam at iniisip niya pang nilayo ko si Cloud sa kaniya, alam kong malaki ang laban niya. Kaya dinadasal ko na sana wag umabot sa ganoon ang sitwasyon namin.

"Pasensya na po sa abala, magandang umaga po" napalingon ako ng marinig ang boses na yun.

"Sige pasok kayo. Nag-umagahan na ba kayo?" tanong ni ate Maricel sa dumating na bisita.

"Tapos na po ate, salamat. Si Beshie po ba gising na?"

"Oo, andoon nag-aalmusal kasama sina Vienna. Upo muna kayo jan, tatawagin ko lang siya" dinig kong paalam ni ate Maricel.

"Ayos lang po kami ate, tapusin na po muna niya ang pagkain" sagot ni Mae.

"Ven hinahanap ka ng mga kaibigan mo" tumango lang ako kay ate at sinabing susunod ako.

"Guys my friends are here.. I'll just talk to them. Finish your food, okay" paalam ko sa dalawa. Nahuli kasi kaming tatlo na  nagising kaya hindi kami nakasabay kanila mama.

Pagkatapos daw nilang mag-almusal ay pumunta sila sa dagat kasama sina ate Tess at mga bata.

"Yeah sure! Go ahead"  sabi nina Jensen kaya nagpunta na ako kanila Mae.

"Beshie-"  di ko natapos ang sasabihin ko dahil nakita kong kasama nila si Kiel.

"Beshie.. Sorry kung nang-istorbo kami ng maaga" sabi ni Mae. Sina Mae, Rk at Kiel pala ang dumating. Akala ko si Gelai ang kasama ni Mae.

"A-ayos lang beshie. Bakit pala kayo nandito?" pinipilit kong hindi mahagip ng paningin ko si Kiel.

"Kala ko may pasok ka? Teka, hindi ka umuwi?" dagdag ko pa. Pinipilit pakalmahin ang sarili ko.

"Ano kasi beshie.. Nagpasama si Kiel ngayon. Sila Gelai at Alvin need talaga pumasok kaya umuwi sila kagabi. Kaming tatlo nag-stay sa inn na malapit dito. Gusto ka daw makausap ulit ni Kiel."  nag-aalangan pa si Mae sa sagot at pinapakiramdaman ang reaction ko.

"Okay. Doon tayo mag-usap sa labas." madiin kong sabi nang hindi tumitingin kay Kiel.

"Ayos lang ba na maiwan muna kayo dito?" tanong ko kanila Mae at RK, tumango lang sila pareho. Palabas na sana ako nang biglang lumapit sina Jensen at Vienna.

"Where are you going dude?" tanong ni Jensen. Napatingin naman sina Rk.

"We're just going to talk outside."

"You good?" tanong niya pa ulit.

"Yeah. I'll be fine, don't worry." sabi ko bago lumabas kasunod si Kiel.

He Still Love His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon