On the way to Bataan

45 7 1
                                    

"Ang tagal naman ng magjowang yun" reklamo ni Mae.

Last minute na kasi nagsabi yung dalawa na sasabay nalang daw sila sa amin. Tutal Innova naman ang gagamitin, magkakasya kaming lahat.

"Sorry na! Di ko naman alam na magbabago isip nila at sasabay satin eh" paliwanag ni RK.

"Iwan nalang kaya natin?" suggestion ni Mae.

"Nakakahiya naman, sinabi ko na kasing hihintayin natin sila" napabuntong-hininga nalang kami sa sinabi nitong si RK. Halos kalahating oras na kaming naghihintay.

Andito na kami sa sasakyan naghihintay, sa bandang gitna kami pumuwesto ni Cloud. Gusto ko kasi na mas makita namin ang view sa byahe para ma-enjoy ng anak ko. Dahil maaga kaming gumising ay inaantok pa si Cloud kaya hinayaan ko na muna siyang humiga.

Nung dumating ang hinihintay namin ay lalong sumimangot si Mae.

"Sa wakas dumating din" pabulong niyang sabi at tinignan nalang siya nila Gelai at Ivan.

"Beshie mas mabuti pa na sa likod nalang kayong apat umupo para makahiga si Cloud jan sa gitna" tukoy ni Gelai kanila Mae at RK kasama ang dalawang bagong dating.

Ganon nga ang naging pwesto at maya-maya ay umalis na din kami.

"Mama I'm hungry" bungad ng anak kong kagigising lang.

"Good morning baby! Do you want sandwich?" tumango naman ang bata.

"Good morning my baby boy, are you excited?" singit ni Mae na talagang nilapit pa ang mukha sa likod ng upuan namin. Hindi kumibo ang anak ko na busy sa kinakain niya.

"Baby, tita ninang is asking you" mahinahon kong sabi kaya tumango nalang siya.

"Mukhang wala sa mood ang inaanak ko ah" sabi ni Gelai na lumingon na din mula sa unahan.

"May ganyang ugali talaga yan. Minsan wala sa mood kapag bagong gising" nahihiya kong sabi sa kanila.

"Normal naman yata sa mga bata yan" nagtawanan naman sila maliban sa dalawa pa naming kasama.

Ilang oras pa ang naging biyahe bago kami nakarating sa Batangas.

Namangha naman ang anak ko ng makita ang mga bangka at barko. Halos tumayo pa siya para makasilip sa bintana.

"Open natin yung window para makita ni Cloud" sabi ni RK habang binubuksan ang bintana.

Patuloy kami sa pagkukulitan nila Gelai at Mae habang inaantay ang roro na sasakyan din namin. Patuloy din naman ang pagtahimik nina Kiel at Katarina.

"Mama, daddy Jensen gave me toys like that!" masiglang sabi ni Cloud. Napaka-matandain talaga niya, matagal na kasi siyang niregaluhan ni Jensen ng mga barkong laruan pero naaalala niya parin.

"So you like that? Do you want ninong to buy you toys like that?" singit ni Rk sa likod. Umayos naman ang anak ko ng pwesto para harapin niya ang kausap.

"Kelan ka pa naging ninong niyan" bulong ni Mae. Pero hindi siya pinansin ng katabi.

"Yes! yes! yes! Cloud like toys!" halos di mapakali sa pagsagot ang anak ko.

"Okaaaay! I'll buy you later" pangako niya sa anak ko.

Nagpatuloy lang kami sa byahe at muling nakatulog ang anak ko. Halos mamanhid na ang mga binti ko dahil kanina pa siya nakaunan sa akin.

He Still Love His ExWhere stories live. Discover now