Bataan Day 2

40 6 1
                                    

"Ang damot damot mo Heaven!" bungad sa akin ni RK na nakasimangot.

"Hindi naman laruan ang anak ko para hiramin mo" natatawa kong sagot.v

"Di mo na nga samin pinatabi kagabi si Cloud eh" dagdag pa ni Ivan.

"Bakit kapag umiyak ba ang inaanak ko kaya mong patahanin? Alam mong gumigising yung mga bata sa gabi tapos hinahanap nila mama nila" si Gelai na pinapagalitan ang bf niya.

Ewan ko ba sa mga lalaking 'to. Kahapon pa pinagdidiskitihan yung anak ko. Hiram ng hiram eh hindi naman laruan si Cloud.

"Hoy tumigil na nga kayo!" suway ni Alvin sa dalawa.

"Nga pala, anong oras mamaya yung party?" tanong niya kay Rk.

"Mga lunch time. Alam niyo naman puro matanda mga kasama natin dun kaya wag kayo mag-expect ng party hahaha" sagot niyang nakakaloko.

"Eh bakit mo pa kami sinama?" inis na tanong ni Mae.

"Ano pa ba? Edi para magbakasyon!" tuwang-tuwa pa ang loko. Sabay-sabay nalang kaming napailing sa kanya.

"Asan nga pala yung anak ko?"

"Andun kay Kiel, manghuhuli daw sila ng tipaklong. Ang sosyal pa nga ng anak mo, hindi alam ang tipaklong.. Grasshopper daw" sabi ni Mae.

Naku! Baka andon din yung bruha at baka kung anong gawin sa anak ko.

"Samahan niyo na dun si Cloud" sabi ko sa mga lalaki.

Katatapos lang kasi namin kumain kaya eto maglilinis na naman kami ng mga kaibigan ko. Yung isang bruha biglang missing in action, pagkatapos kumain lumayas na. Wala rin naman kaming aasahan sa mga kasama naming lalaki dahil parang mga batang alagain. Mas masakit pa nga sila sa ulo kesa anak ko.

Mga bandang alas-diyes ay hinanap ko na si Cloud para mapaliguan ko na at mabihisan. Di naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nakita ko agad sila aa labas kasama niya ang mga mokong.

"Cloud! That's enough, let's take a bath now" sigaw ko na hindi naman kalakasan, tama lang para marinig nila.

Lumingon sila sa direksyon ko pero agad din bumalik sa ginagawa nila na para bang hindi nila ako narinig at nakita. Wala akong choice kundi ang lapitan sila para makita ang pinagkaka-abalahan.

"Anong ginagawa niy- AY ANAK NG SHOKOY NA MUKHANG KABAYO!" sigaw ko sa gulat at bigla naman silang nagtawanan.

Sino ba namang hindi magugulat? Ang laki ng mga gagambang nilalaro nila. Gagamba yun! Gagamba na kinakatakutan ko sa lahat.

"Look mama! Tito Kiel got me a spider!" akmang lalapit sa akin si Cloud para ipakita ang gagamba niya

"No Cloud! Don't show her the spider. Your mom's afraid of spiders." sabi ni Kiel na agad hinawakan ang anak ko.

"A-ano ba kasi yan. D-di naman ako takot, nagulat lang ako." pagtanggi ko.

"Baby, give that back to them. You're going to take a bath na" tawag ko sa anak ko.

"But mom! They are cute! look.." akmang lalapit ulit sa akin ay napaatras na ako. Ano bang sinasabi ng anak kong cute? San jan ang cute?

"HAHAHAHAHHA DI PALA TAKOT AH!"
biglang tawa ng mga mokong.

"Nakakatawa yon? Magsi-ligo na nga kayo! Tanghali na di pa kayo mag-ayos, ano kayo VIP?" sabi ko sa kanila at tumalikod. Pero naalala ko na sinusundo ko pala ang anak ko.

He Still Love His ExWhere stories live. Discover now