Goodbye Philippines

92 21 3
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula noong celebration sa bahay. At dalawang linggo naman simula ng maghiwalay kami ni Kiel. Mamaya ay aalis na kami papuntang airport. This is it! Finally, makakasama ko na ang parents ko sa Canada. No more long distance relationship with my parents.. Yun nga lang magiging long distance friendship ako sa mga beshies ko. Nakakalungkot man ay ayos lang dahil meron naman nang Facebook at Skype, anytime pwede kaming magvideocall. Naeexcite ako sa magiging buhay ko dun at the same time ay kinakabahan. Alam kong hindi madali ang buhay sa ibang bansa, bawat oras dun ay mahalaga.. Kayod kung kayod nga daw ang karamihan dun eh.

"Beshie, nakapag-usap na ba kayo ni Alvin after that night?" -tanong ni Gelai. Andito kasi siya ngayon dahil sasama daw siyang maghatid sa Airport.

"Hindi na, di naman na siya nagpakita after that night. Malamang di niya alam yung mga sinabi niya, dala lang ng alak kaya niya nasabi yung mga yun." -sabi ko.

"Yun nga eh, dala ng alak beshie.. Dalawang klase lang ng tao ang nagsasabi ng totoo dito sa mundo. Yun ay ang galit at ang Lasing. Sa tingin mo kung hindi niya nararamdaman bakit niya masasabi lahat ng 'yon?" -pagbalik niya sakin.

"Wala siya sa tamang wisyo that time. Mema lang siya.. At saka pwede naman sabihin kahit hindi nararamdaman eh. Pwede niyang sabihin na mahal niya ako kahit hindi totoo." -katwiran ko.

"Gaya ba ni Kiel?" Sabi niya kaya bigla akong naubusan ng isasagot sa kanya. Naikwento ko narin kasi sa kanya ang totoong reason ng breakup namin ni Kiel.

"Ay tumawag na ba sayo si Mae?" Pag-iiba niya ng topic.

He Still Love His ExOnde histórias criam vida. Descubra agora