Cloudy Day

41 5 0
                                    

"Happy birthday Cloud!" sabay-sabay naming bati sa kanya pagkalabas niya ng kwarto. Agad naman siyang nagtatalon at pumalakpak bago sumigaw ng 'it's my birthday!' na tuwang-tuwa at halatang excited sa party niya.

"O siya, let's eat first because we still have many things to do" untag samin ni mama kaya nagpunta kami agad sa dining area.

"Anak, anong oras daw bibiyahe papunta dito sila ate Maricel mo?" tanong ni papa.

"Ang sabi po niya maaga daw po sila aalis, baka po nasa biyahe na" sagot ko bago nagpatuloy sa pagkain.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos namin kumain ay binilin ko muna si Cloud kanila Vienna at Jensen. Sila mama, papa at ate Tess naman ay abala sa pag-aayos ng bahay, doon kasi ang handaan para sa pamilya at sa labas naman malapit sa tabing dagat ang reception para sa ibang bisita.

"Ma'am Mira, ayos na po lahat ng kailangan. Sinabihan ko na din po yung sa kitchen staff na agahan ang paghanda ng mga pagkain, sakto naman po na konti lang ang bookings sa inn at hindi rin po matao sa resto-bar" sabi ng isang empleyado ko.

"Salamat Roselle, mag-iwan kayo ng pagkain para sa lahat ng staff huh. Tawagan niyo nalang din ako kung kailangan ako doon, baka kasi hindi na ako makapunta mamaya dahil may mga bisita akong dadating."

"Sige po ma'am, balik na po muna ako sa resto" paalam niya sa akin.

Naging abala ako sa pag-aayos ng venue ng party ni Cloud, nagdadatingan na din ang mga table and chairs, sound system at iba nag-set up na rin sila ng pwesto para sa catering.

~Good morning beshie! Nasaan ang inaanak ko?~ bungad ng nasa kabilang linya.

~Andoon sa bahay, iniwan ko muna kanila Jensen eh. What time kayo punta ni Mae?~

~Nasa biyahe na ako beshie, hindi makakasama si Ivan eh. Si Mae di ko alam kung anong oras dadating yun, kasabay niya yata yung jowa niya~

~ganon ba.. Yung mga kaklase ba natin makakapunta?~ tanong ko.

~Aba syempre naman beshie! Birthday ng inaanak namin eh~ natatawa niyang sagot.

~eh, sina Alvin at Kiel?~ alanganin niyang tanong.

~hindi ko alam beshie eh, pero sinabihan naman sila ni RK~

~ahh I see.. O sige na beshie, see you later!~ paalam niya

Hindi ko pa man naibalik sa bulsa ang phone ko ay nag-ring na ulit agad 'yon.

~Happy Birthday my inaanak!~ masiglang bati ni Mae.

~beshie thank you! Pero andun sa bahay yung inaanak mo~ natatawa kong sagot.

~bakit nasan ka ba?~

~andito sa labas, nag-aayos ng venue para mamaya. What time ka punta? on the way na si Gelai~ huminga muna siya ng malalim.

~on the way na rin kami ni RK beshie. Sina Kiel at Alvin daw hahabol nalang mamaya, busy yata sa work~ sagot niya

~ayos lang naman na hindi sila pumunta bes~ agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

~ano ka ba beshie! Gustong-gusto nila pumunta sa birthday ng inaanak ko kaya nga naghalf-day sila sa mga work nila~ bago pa siya magpaalam sa tawag ay inaasar niya pa ako. Pinipilit niyang may something sa akin si Alvin na alam ko namang wala.

He Still Love His ExМесто, где живут истории. Откройте их для себя