Bar Incident

124 24 3
                                    

Konti palang naman ang naiinom ko, at nasa katinuan pa ako. Nakita ko na umupo sa katabi naming table ang grupo nila Kiel. Anak naman ng shokoy! Kailangan bang dito pa sila banda? Durog na nga yung puso ko. Lalo pang nadudurog kapag nakikita ko siya. Isang linggo palang simula ng makipaghiwalay siya, isang linggo palang ng sabihin niya sakin na mahal niya parin ang ex niya. Isang linggo palang ng ipamukha niya sakin kung gaano siya nahirapan na pilitin ang sarili niya na mahalin ako. Oo, para sa kaniya okay na kami. Okay na siya, masaya na siya dahil okay na sila ng ex niya. Pero pano naman ako? Wasak na wasak, sa buong isang linggo pinilit kong hindi umiyak, paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung anong mali sakin, kung gaano ba ako kahirap mahalin. Wala lang ba talaga sa kaniya yung halos dalawang taon na pagsasama namin? Yung mga I love you's niya, lahat ba yun pilit lang? Yung pag-aalaga niya sakin, lahat ba ng 'yon pakitang tao lang? Buong isang linggo, paulit-ulit lang ang mga tanong ko. Na imbes preparation sa graduation ang inaasikaso ko, yung break-up namin ang laman ng isip ko. Deserve ko ba lahat ng sakit na 'to?

"Heaven Miracle Dela Cruz! Still with us?" Nahinto ang pag-iisip ko ng tawagin ako ng mga kaklase ko.

"Ha?Ano nga ulit 'yon?"

Nagtawanan silang lahat dahil lutang na lutang ako.

"Lasing na yata 'tong broken-hearted nating kaibigan eh" malakas na sabi ni Mark na akala mo may pinariringgan.

"Baliw! Hindi no! Sinong lasing? Baka kayo HA-HAHAHA!" Pilit kong pagtawa. Alam kong halata nila yun.

Nagpaalam muna ako sa kanila para magrestroom. Naiinis ako, dala lang ba ng alak 'to kaya ako naiiyak o dahil nakikita ko yung mukha niya? Ayoko na ipakita sa harap nila at lalong lalo na sa kanya na iniiyakan ko siya. Siya ang nanakit, siya ang nang-iwan, dapat siya ang magsisi, dapat siya ang manghinayang. Ipapakita ko sa kaniya na malaki ang sinayang niya. Iiyak ako ngayon, pero sa oras na makaget-over ako.. lahat ng 'to, lahat ng dinadrama ko ngayon ay tatawanan ko nalang pagdating ng araw.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagbalik ko sa table namin ay nagkakatuwaan sila. Sana hindi nila mapansin na umiyak ako.

Umupo ako sa tabi nila Mae at Gelai at muli kong hinarap ang mga pagkain at alak sa lamesa. Ngayon lang naman 'to. Magpakasaya ka muna ngayon Heaven, dahil mamaya pag-uwi mo ay siguradong babalik na naman ang lahat ng sakit.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

11pm na at marami na kaming nainom. Napukaw ng atensiyon ko ang isang magandang babae na papalapit sa kabilang table. Kumirot ang puso ko ng makita ko siyang lumapit at humalik sa lalaking bumasag ng puso ko. Kailangan ko pa ba talagang makita lahat ng 'to? Kailangan pa bang ipamukha sakin na mas maganda at mas sexy yung ex niya? Mali, mali! Ako na pala yung ex niya ngayon. Naiiyak na ako, bwiset na luha 'to, tinatraydor ako. Bago pa ako tuluyang maluha, ay agad ko nang nilagok ang alak na nasa harapan ko. Nahihilo na ako pero ito ang kailangan ko ngayon. Nang maubos ko ang alak ay agad akong tumayo papunta sa iba kong kaklase na nagsasayaw.

"Ay sorry, di ko sinasadya!" -paumanhin ko sa nabunggo ko.

"It's okay, what's v/?@+$#?" -sabi niya.
"Sorry, what did you say?" -at lumapit ako sa kanya ng konti dahil di ko siya masyadong marinig.

He Still Love His ExWhere stories live. Discover now