disappointment

66 8 5
                                    

Maaga akong nagpunta sa resto bar at inn para icheck ang mga staff ko at customers. Medyo humina rin ulan kaya kaunti nalang ang tao. Nang macheck ko na ang lahat ay agad din akong bumalik sa bahay para ipagluto ang mga bisita ko. Pero pagdating ko dun ay..

"Good morning Mira! Kumain ka na ba? Sandali nalang itong Garlic rice at kakain na tayo" sabi ni tita mommy. Nakita ko naman na nakatingin sa akin si manang Fe na parang bang sinasabi niyang "siya ang nagpumilit na magluto" kaya ngumiti lang ako sa kanya.

"Good morning po tita mommy, pasensya na po kayo na ang nagluto jan. Chineck ko po muna kasi ang mga staff ko dun" nahihiyang sabi ko.

"Wala yun iha. Kami na nga itong nakaistorbo sa iyo" -tita mommy.

"Oh you're so sweet naman" napalingon kami kay tita Lily. At nakita kong isa-isa silang kiniss ni Cloud at nag good morning pa 'to bago lumapit sa amin.

"Good morning baby" at kiniss ko siya

"Ang sweet naman ng anak mo Mira" sigaw ni tota Rosalinda

"Aba, malamang siguro ay nagmana sa kanya" sabat ni tita mommy

"Sa papa po niya siguro namana yan" sagot ko ng may malawak na ngiti sa labi. Nakakaproud naman talaga 'tong anak ko.

"Malamang namana rin niya sayo 'yan Mira, napakabait mo kayang ina" dagdag ni tita Lily.

"Oo nga iha, swerte din si Cloud dahil ikaw ang mama niya" sabi ni tito Richard. Nakakatuwa naman yung mga sinasabi nila. Naiiyak tuloy ako

"Mas swerte po ako dahil kay Cloud" sagot ko sa kanila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Habang kumakain ay marami kaming napagkwentuhan. Sabi ni tita mommy ay matagal na niya akong gustong makita ulit, yun nga lang ay nanakaw ang bag niya kung saan nandoon ang booklet ng mga contacts niya. Ganun din naman ako kaso di ko alam kung pano siya makokontak dahil nasira ang phone ko kung saan naka-save ang number niya.

Nabanggit din naman nila tita Rosalinda na dito na rin sila sa Pilipinas nag-stay for good. Sila tita Lily at tito Richard ay di na gaanong busy sa business nila kaya may time na sila para makapasyal pasyal, dahil nasa tamang edad naman na ang panganay nila kaya eto na ang nagma-manage ng business nila.

"Alam mo Iha, kapag nameet mo ang apo ko malamang ay makakasundo mo yun" sabi ni tita rosalinda.

"Malamang matutuwa din yun kay Cloud" dadag ni tita mommy.

"Hay naku, kailan din kaya kami magkakaroon ng apo" sabi ni tito.

"Naku, darating din yun. Malapit na rin namang ikasal ang panganay niyo. Edi hintayin niyo nalang" sabi ni tita mommy na ikinatawa naming lahat.

"Pag may bata talaga sa bahay, nakakawala ng stress." sabi ni tita Lily, and I aggree to that!

Pagkatapos namin kumain ng almusal ay nagpagpasyahan na nilang umalis para hindi sila gabihin sa byahe. Tumila na rin naman na ang ulan at humupa na ang baha sa San Isidro. Sabi din kasi nila tita Lily ay dadaanan pa nila si Karylle, yung anak nila.

"Oh Mira, tatawagan nalang kita. Sana makapasyal kayo ni Cloud sa bahay ko. Alam mo namang nag-iisa lang ako doon kaya malungkot" sabi sakin ni tita mommy.

"Opo tita mommy, papasyalan po namin kayo. Alam ko naman po san banda yung binigay niyong address" sagot ko.

"Maraming maraming salamat iha sa pagpapatuloy sa amin. Pasensya na sa abala" paalam ni tita Rosalinda.

"Wala po yun, salamat din po at nag-enjoy si Cloud sa pag-stay niyo dito" -sabi ko sa kanila.

Nagpasalamat din sila tita Lily at tito Richard

"Lagi kayong maglock ng pinto dahil puro kayo babae dito. Walang lalaki na magtatanggol sa inyo pag may masasamang loob na pumasok dito. Nakakatakot pa naman na ang panahon ngayon" bilin nito sa akin.

"Opo tito, thank you po sa pagpapaalala" pasalamat ko. At hinatid namin sila ni Cloud doon sa Inn dahil andun ang sasakyan nila.

Pagkaalis nila ay nalungkot si Cloud, minsan lang kasi kami magkaroon ng bisita sa bahay at malamang dahil sa kanila ay namiss ni Cloud sila mama at papa.

"Don't be sad baby, we'll call lola and lolo later. Okay?" sabi ko para gumaan ang loob ng anak ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pag-uwi namin sa bahay ay nagchat ako kay mama kung pwede ba kaming mag videocall at pumayag naman siya.

"Lola, lolo!" excited na bati ni Cloud sa kanila. Kitang-kita ko naman na natuwa din ang parents ko nang makita nila si Cloud

"Oh my goodness apo, you're a big boy now" sabi ni mama

"How are you my handsome apo?" singit ni papa

"I am fine but I miss you both already, lolo and lola" sabi ng anak ko.

"Really apo? Why don't you just come back here?" sabi ni mama na ikinatahimik naming lahat. Alam kong ipipilit niya na naman na dun nalang kami ni Cloud. Pero ayoko dun, gusto kong dito lumaki sa Cloud kung saan din ako lumaki para ma-adopt niya ang culture dito

"Ma, we talked about this already, right? And another thing is, I just started up a business here, I can't just leave it anytime" mahinahon kong sabi.

"Fine fine! You win" sabi ni mama. Alam kong medyo masama parin ang loob niya sakin. Napakalaki kong disappointment para sa parents ko, kahit na napatawad na nila ako alam kong hindi ko na maibabalik ang nasirang tiwala nila para sakin..

"We understand you anak. But please make sure to take care of yourself and especially Cloud. Ikaw lang mag-isa jan ang umaasikaso sa lahat. At ang magaling niyang tatay nasaan? Nagpapaka-binata?" sabat ni papa.

"Pa naman.. Opo aalagaan ko ang sarili ko at si Cloud. Yun naman po ang ginagawa ko eh. Sige po , ibababa na namin 'to. Matulog na po kayo jan. We miss you po and we love you" paalam ko sa kanila.

"Ba-bye lolo and lola. I love you so muchhhh. Mwaaah" paalam ni Cloud sa kanila.

Ganito lagi ang pinupuntahan ng pag-uusap namin ng magulang ko. Kaya kapag nauungkat ang kasalanan ko ay lalo akong naguiguilty. Masyado kong nasaktan ang magulang ko dahil sa nangyari sakin. Mabuti nalang at andiyan si Cloud para mapasaya sila.

He Still Love His ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon