Forgiveness

46 5 0
                                    

Mamaya pang alas-diyes ang arrival nila mama at papa pero alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay nagising na ako. Iniisip ko kung paano ko sila haharapin, galit pa ba sila sakin? Pano ko ba mahihingi yung kapatawaran nila?

Panay ang bugtong hininga ko habang nakatulala sa kisame ng kwarto namin ni Cloud. Ang bigat ng pakiramdam ko, maging  ako ay nahihirapang patawarin ang sarili ko.

"Good morning!" masiglang bati samin ni Vienna na hawak ang kamay ni Cloud. Pareho silang tinanghali ng gising malamang dahil sa pagod.

"Ako na ang tatapos niyan, asikasuhin mo na muna sila" at kinuha sa akin ni ate Tess ang sandok.

"Good morning Vienna, good morning baby" bati ko sa kanila at inabutan sila ng cereals at gatas.

"It's refreshing.." sabi ni Viena at medyo nag-stretch pa ng braso. "I really enjoyed our tour yesterday!"

"I'm glad you're enjoying your stay. I hope Jensen's flight won't be delayed again. It would be more fun if we will go back Batangas together with my parents" mamayang hapon din kasi ang dating ni Jensen.

Naunang magbook ng flight ang parents ko kaya hindi sila nagkasabay. Kaya ang sabi niya ay sabay-sabay na kaming babalik sa Batangas, dito na muna kami maghihintay sa bahay kapag nasundo na namin ang parents ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Let's go Mira?" tanong ni Vienna na kanina pa nakaayos. Nauna ang matapos sa kanila pero hanggang ngayon ay parang wala parin ako sa sarili.

"Girl, don't think too much. It's been years and I know they forgave you already. Chill, okay?" pagpapagaan niya sa loob ko.

"You think so?" nag-aalala kong tanong.
"Of course! Duh! They can't stay angry at you forever, you are their only daughter" natatawa pa nitong sabi kaya napangiti ako.

Di ko alam kung nag-ooverthink lang ba ako o ano, kasi kapag ka-facetime ko sila parang galit parin sila sa akin, gumagaan lang ang atmosphere kapag si Cloud ang kausap nila.

"Yes mommy Vi! I'm so excited to see lola and lolo!" tuwang-tuwa na nag-uusap ang dalawa habang ako busy sa pagda-drive.

"By the way, did you invite your classmates baby?"

"Yes mommy! Mama gave them the invitation cards from the Avengers" binida pa lalo ni Cloud ang design ng invitation card niya.

"Wow! Are you friends with the Avengers?" sinakyan lang ni Vienna ang pagbibida ng anak ko.

Patuloy lang sila sa pag-uusap hanggang sa makarating kami sa airport.

"Ma, Pa" nagmano ako agad pagkakita ko sa kanila. Si Cloud naman ay bumeso gaya ni Vienna.

"Kanina pa kayo?" tanong ni papa. "Medyo po, excited po kasi si Cloud na magsundo sa inyo" tumango lang ito sakin bago bumaling kanila Vienna at Cloud.

"Kain po ba muna tayo?" alam kong gutom na sila at pagod pa sa byahe.

"Doon nalang sa bahay" ngayon naman ay si mama na ang sumagot sa akin. Pagkatapos ay bumaling na ulit kanila Vienna para makipag-usap.

Si papa ang katabi ko sa harap at sa likod naman sila mama, Vienna at Cloud.  Masaya nilang pinag-uusapan yung mga lugar na pinasyalan namin. Si papa naman ay tahimik lang sa tabi ko.

"Tita, tito!" mabilis na sumalubong samin si ate Tess at ang anak niya para magmano kanila mama at papa.

"O, Tess kumusta? Ito na ba ang anak mo? Ang laki na din ah" masayang sabi ni mama.

"Oo nga po tita, makulit na rin po" tumuloy kami sa loob at pinasok na ang mga dala nila.

Nagpahinga lang kami sandali bago kumain, masaya silang nag-uusap at hindi ko magawang sumali. Natatakot akong sumabat sa usapan dahil baka bigla masira ang mood nila.

"Heaven, kumain ka ng madami" natauhan ako ng biglang dagdagan ni mama ang pagkain ko bago ulit siya makipag-kwentuhan kanila Vienna at ate Tess.

Parang gusto kong maiyak na ewan, hindi naman pagalit ang pagkakasabi ni mama pero ewan kung bakit ako naiiyak, siguro dahil natutuwa ako dahil sa ginawa niya.

"Maayos na ba lahat ng kailangan sa birthday ng apo ko?" tanong sakin ni papa. "Opo, pa. Naayos ko na po".

"Jensen will be here at 4pm, he said he'll just grab a taxi so we don't have to fetch him". Tumango nalang ako. At nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan.

Nang matapos kami kumain ay nagpasya na sila mama at papa na magpahinga muna at umidlip, sa gabi pa naman ang byahe namin pabalik ng Batangas. Si Vienna naman ay nagpasama muna kay ate Tess sa mall dahil may bibilhin daw siya.

Habang busy ako sa pag-aayos ng bag namin ni Cloud, di ko namalayan na lumapit sakin si mama.

"O, ma. Matulog po muna kayo, napagod po kayo sa byahe eh"

"Nakaidlip naman na ako" umupo siya sa tabi ko at pinanood akong mag-ayos ng gamit. Sandali pa kaming natahimik bago ulit siya nagsalita.

"Kamusta ang business mo?" hininto ko ang pagtutupi at hinarap siya. "Ayos naman po ma, di naman po nawawalan ng tao kahit papano" tumango lang siya.

"Buti po na-approved yung leave niyo ni papa" ako naman ang bumasag sa katahimikan. "Nakiusap kami, syempre hindi pwedeng wala kami sa birthday ng apo namin". Ang awkward namin dahil kada sagot ay matatahimik kami pareho.

"Eh ikaw ba, kumusta ka?" di ko inaasahang tanong niya. "Ayos naman po ma, pinipilit kong bumawi" at napayuko ako.

"Anak, kung iniisip mong galit kami dahil sa nangyari sayo nagkakamali ka. Nagalit kami sayo dahil sa pinili mong desisyon pagkatapos mangyari yun." hinuli niya ang mga mata kong naluluha na.

"Ma, I'm sorry po. Sorry po dahil nadisappoint ko kayo ni papa, di pa ako nakabawi sa inyo sa mga sakripisyo niyo sa akin." pinipigilan kong tumulo ang luha ko.

"Hindi naman namin hinihiling ng papa mo na bumawi ka sa amin, ang gusto namin para sayo ang magkaroon ka ng masaya at maayos na pamumuhay. Hindi mo obligasyon na ibalik lahat ng pagod namin sayo, dahil obligasyon namin yung bilang magulang mo" dahil sa sinabi niya ay tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

"Hindi na po ba kayo galit sakin ni papa?" pinunasan naman niya ang mga luha ko sa pisngi. "Hindi kami galit sayo, hindi ka namin kayang tiisin. At nagpapasalamat kami dahil binigyan mo kami ng apo, maaga man pero atleast naranasan pa namin mag-alaga ng apo. Alam mo naman na matanda na kami ng mabuo ka".

"Thank you po, ma. At sorry po ulit" sabi ko bago yumakap sa kanya at niyakap niya rin ako pabalik. Nawala ang lahat ng bigat sa dibdib ko matapos namin mag-usap ni mama.

"We're here!" bungad ni Vienna na kasunod naman ay si Jensen na pumasok sa pinto.

"Hello, mom and Mira!" agad na bumeso samin si Jensen.

"Nakasalubong namin sa labas" singit ni ate Tess sa usapan.

"How are you, son?" bati ni mama kay Jensen.

"I'm good, mom. I'm sorry if I didn't visit you for the past few months, I've been so busy in the office." paliwanag nito.

"We know, don't worry. Atleast you're here now" sabi ni mama.

Patuloy pa sila sa pag-uusap habang nagmemeryenda. Nagising na din si papa at sumali sa usapan. Basta talaga si Jensen ang kausap, asahan mong hindi mauubusan ng topic. Sobrang galing mag-PR.

Alas-otso kami nagdesisyon na bumiyahe pabalik sa Batangas. Ako na ang muna ang nagdrive at mamaya papalitan ako ni Vienna. Mabuti nalang kasya kaming lahat dito sa sasakyan ko. Sila mama, papa, Jensen at cloud ang nasa likod namin ni Vienna, sa pinakalikod naman sila ate Tess, at ang mag-ama niya. Di tulad kanina umaga, masaya at magaan ang byahe namin ngayon dahil nag-usap na kami ni mama at papa.

He Still Love His ExWhere stories live. Discover now