Meet Jensen

60 7 1
                                    

~Beshie what time kayo pupunta ni Cloud? Gusto niyo bang ipasundo ko kayo kay Ivan?~ tanong ni Gelai.

~Hindi na beshie, dadalhin ko naman yung kotse. On the way na kami, see you in a bit~

We are all invited for the 60th anniversary of St. Paul College and its Alumni Party (Aloha theme).

Wala na akong problema sa damit namin ni Cloud dahil binilhan na kami ni Gelai, medyo revealing nga lang ang sakin dahil sa sobrang taas ng slit nito at backless pa pero ayos na rin dahil nasanay naman na din ako sa ganitong damit nung nasa Canada pa ako... Ang baby ko naman ay poging poging sa kanyang floral polo.
Nang matapos na kami ni Cloud ay agad din kaming bumyahe papuntang venue.

"Wow, such a beautiful resort" yan ang nasabi ko nang makarating kami ni Cloud sa venue.

"Hello baby Cloud! So pogi naman talaga my inaanak, mana ka talaga sa akin" napalingon ako kay Gelai at Cloud.

"Do I look like my dad mommy ninang?" nagulat ako sa tanong ni Cloud. Saan naman nanggaling yung tanong na yun?

"No baby boy, you look like your mom" sagot nito kay Cloud kaya lumingon sakin ang anak ko at yumakap.

"Why baby, you don't want to be look like me?" kunwaring nalulungkot ako kaya umiling siya at kiniss ako. Natawa nalang kami ni Gelai sa ginawa niya.

Marami na ring tao doon kaya humanap na rin kami ng table namin.

"Beshies here!" sigaw ni Mae kaya pumunta kami sa pwesto niya.

"Upo na kayo jan, reserved talaga yan para sa inyo" at pumwesto na nga kami gaya ng sabi ni RK. Itong lalaki na 'to laging nakabuntot kay Mae.

Maya-maya pa ay mas lalo nang dumami ang tao sa paligid. At mukhang sa isang saglit lang ay mag-uumpisa na ang event.

"Good Evening guys, nagstart na ba?" napatingin ako sa nagsalita.

"Oh bro anjan ka na pala" sabi ni RK sa kanya. Grabe ang tagal ko siyang di nakita.

"Yup. Natraffic ako kaya medyo natagalan."

"H-Hi Miracle! Long time no see, siya ba yung baby mo?" tanong niya sakin.

"Yeah, long time no see. His name is Cloud"

"Baby, say Hi to tito Alvin" utos ko sa anak ko at ginawa naman niya. Tinignan ko naman si Alvin at mukhang nahihiya, doon siya umupo sa tabi ni Cloud at halata kong naiilang siya.

"Hello Ladies and Gentlemen! Our 60th Founding Anniversary and Alumni Party will start in a few minutes. We would like to welcome all of You on this wonderful event. Please enjoy yourselves for a while before we officially open the program." sabi ng organizer ng event.

"Good evening guys! We're lucky Hon, the program haven't started yet" nabaling kami sa babaeng nagsalita sa table namin.

"Hmm. Good evening everyone" bati ni Kiel. Tignan mo nga naman, bakit naman dito pa sila umupo sa table namin.

"Good evening din Kat and Kiel, ang tagal niyong dumating akala ko di na kayo pupun-"

"Excuse me guys, sunduin ko lang si Ivan" naputol ang sinasabi ni RK dahil kay Gelai.

"Beshie, di ba yan yung ex niya na binalikan niya?" pasimpleng bulong sakin ni Mae at tumango lang ako bilang sagot. Ang loka-loka naman ay tinitigan ang gf ni Kiel kaya siniko ko siya.

He Still Love His ExWhere stories live. Discover now