We're going home

39 6 0
                                    

Mas maaga akong gumising ngayon para makapag-ayos. Hindi ko na sila nilutuan, siguro kami ni Cloud sa labas nalang kakain. Kailangan ko nang mailayo dito ang anak ko, di ko na uulit na masaktan ulit siya ng kahit sino.

"H-heaven?" dinig ko si RK na sumalubong sa akin.

"Pasensya na sa nangyari kagabi. Kung nasira namin yung bakasyon niyo, mauuna nalang kami ni Cloud na umuwi"

"Sabay-sabay na tayo Heaven, kung gusto mo gigisingin ko na sila ngayon"

"Wag na RK. Mag-stay nalang kayo dito at ituloy nyo yung plinanong bakasyon" sabi ko. Ayoko din naman na masayang ang punta nila dito at ayoko din talagang makita ang pagmumukha ng dalawang 'yon.

"P-pero wala kayong masasakyan, mahihirapan lalo si Cloud kung ico-commute mo siya" tama siya. Pero mas mahihirapan kami ng anak ko kapag nakita ko ang babaeng 'yon. Baka hindi na ako makapagpigil sa kanya.

"I'll go with them" napalingon ako sa nagsalita.

"No, you stay with them" sabi ko.

"I have an unexpected client kaya kailangan ko na din umuwi. Sumabay nalang kayo sa akin." sabi niya. Di ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o baka gusto niya lang kami tulungan ng anak ko.

"You know what, kung wala ka talagang meeting mag-stay ka nalang dito. Okay lang kami ni Cloud" base sa reaction niya mukha nga na wala talagang siyang meeting.

"G-gusto ko lang na ihatid kayo. Para hindi kayo mahirapan sa pag-uwi. Please hayaan mo na ako na ihatid kayo" pakiusap niya.

"Pumayag ka na Heaven, ayaw mo din kaming makasabay kaya mas okay kung ihatid nalang kayo ni Alvin" pangungumbinse ni RK.

Bandang huli ay pumayag nalang din ako. Nagmamagandang loob na nga siya pero magmamatigas pa ako? At isa pa para din naman sa anak ko eh, para hindi siya mahirapan sa biyahe.

"Di ka na ba magpapaalam sa kanila?" tanong ni Alvin.

"Hindi na. Nagsabi na ako sa dalawa kagabi" sabi ko bago bumaling kay Cloud.

"Baby, do you want chicken joy?" masigla kong tanong sa kanya at agad naman nagliwanag ang mukha niya.

Gaya ng pangako ko sa anak ko ay doon kami kumain sa paborito niyang bubuyog. Nakakahiya nga dahil sinagot pa ni Alvin.

"Ikaw talaga Alvin, nag-abala ka na nga na ihatid kami tapos ikaw pa 'tong gumastos sa pagkain" pero tinawanan lang niya ako at muling tumingin kay Cloud

"Grabe Miracle, sobrang kamukha mo siya. Talagang sinigurado mo na hindi magiging kamukha ng tatay ah" biro niya sa akin.

"Aba dapat lang! Ako nagpakahirap na magdala at umiri jan tapos magiging kamukha lang ng tatay? Ang swerte naman niya kung ganon" lalong natawa si Alvin sa sinabi ko.

"Ang cute naman nila"
"Mukhang mabait yung daddy nung bata"
"Kamukha nung nanay yung baby"

Agad naman kami nag-iwasan ng tingin ni Alvin ng marinig namin yung mga nasa paligid. Ang awkward dahil akala nila si Alvin ang daddy ni Cloud.

"Sorry.. Napagkamalan ka pa tuloy na may anak"

"O-okay lang" naiilang pa siyang ngumiti sa akin.

"Imbes makadawit ka ng chicks eh" biro ko para gumaan ang aura. Pero parang lalong bumigat ng tignan ako ni Alvin sa Mata.

"B-bakit? May dumi ba sa mukha ko?" nahihiya kong tanong. Grabe naman kasi siya makatingin.

He Still Love His ExWhere stories live. Discover now