C H A P T E R 25

1.6K 102 4
                                    

"Papa hindi ko po talaga kailangan ng bodyguard. Kaya ko naman po ang sarili ko eh." pagpoprotesta ko kay Papa. Nasa sala kami at kaharap si Mama, si Kuya at si Santiago.

"No anak, you need him." si mama ang sumagot.

"Pero bakit po? Hindi ko po maintindihan, ano po bang nangyayari?"

"Masyado ka pang bata para sa mga ganitong usapan anak. My decision is final, Santiago will be your body guard from now on." ani Papa. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nakasagot pa dahil si Papa na ang nagsabi.

Nagpaalam ako sa kanila na maghahanda na sa kwarto para sa pagpunta namin sa bahay ng mga Fuentabella para sa simpleng Birthday Celebration ni Kiel.

Naligo ako at namili ng damit na isusuot. Simpleng old rose na dress na hanggang tuhod ang napili ko at itim na sandals. Binraid ko ang gilid ng kaliwang side ng itim na itim at bagsak kong buhok inayos ko pa iyon at inilagay sa likod ko at napansin kong mahaba na pala talaga iyon dahil halos umabot na sa beywang ko.

Hindi ako naglagay ng kahit na anong make up dahil hindi naman ako naggaganun. Saka isa pa sabi ni Manang ay maganda naman daw ako kahit na walang make-up dahil simple daw ako at natural.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti. Hindi ko napapansin ang sarili kong itsura dati pero dahil palagi akong pinupuri ni Manang ay nagkaroon ako ng kaunting kumpiyansa sa sarili. Maputi ang balat ko bagay na namana ko kay Mama, ganoon din si Mia samantalang si Kuya Michael naman ay hindi masyadong maputi tulad ng kay Papa pero masasabi na maputi pa rin hindi nga lang kasing puti namin nila Mama. May pagka singkit din ang mata namin, namana namin sa mata ni Papa, mata ng mga Corpuz.

Napatingin ako sa aking labi at lalong napangiti ng mapansin ang natural na kapulahan niyon. Kaya hindi ko na kailangan ng lipstick o ano pa man. Ang korte ng kilay ko ay maganda rin kahit hindi ahitan, pero naiinggit ako sa kilay ni Kuya pati sa pilik mata niya dahil maganda ang hubog ng mga iyon at mas makapal. Kung sino pa ang lalaki sa Pamilya namin ay siya pa yung nagtataglay ng mas magandang kilay at pilik mata.

Ang ilong ko ay matangos ngunit may kaliitan.

Sinuot ko ang kwintas ko na may pendant na nota at nagspray ng pabango.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan sila mama na nakahanda na rin pala.

"Let's go?" tanong ni Papa.

"Teka wala pa si Michael, tatawagin ko muna." ani mama at inakyat si kuya sa kwarto nito. Kung sino pa ang lalaki ay siya pa ang mas matagal kumilos.

Ilang saglit ang lumipas at bumaba ulit si Mama kasunod ang nakabusangot na si Kuya. Mukhang nag-away na naman sila ni Ate Joice.

Sumakay na kami sa kotse ni Papa, si Kuya ang nagdrive. Katabi niya si papa habang kami naman nila mama at Mia sa likod. Kasunod ng sasakyan namin ang sasakyan raw ni Santiago, kasama nito ang isa pang guard. I wonder kung paano nagkaroon ng kotse si Santiago sa pagiging body guard nito. Kapansin-pansin rin ang pagiging bihasa nito sa wikang ingles.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang malaki at magarang bahay ng mga Fuentabella.

Naguumpisa ng dumilim ang paligid kaya bukas na lahat ng ilaw, sa pool area ang handaan. May mangilan-ngilan na ring tao ang naroon at nakaupo, may ilan na rin na kumakain at sumisimsim sa kanilang kopita. Maganda ang disenyo ng lugar, kulay light blue at white ang lahat ng kulay maging ang table and chairs. Pero ang mas tumawag ng aking pansin ay ang videoke sa gilid.

Sinalubong kami ni Manang at pinaupo, ilang saglit pa ay natanaw ko ang isang lalaki na siguro ay kaedad lang ni Papa, matikas pa rin ang pangangatawan, mukhang kagagalang-galang at may pagka-istrikto rin ang itsura maging ang kilos nito at ang pinaka napansin ko ay ang malaking pagkakahawig nito kay Kiel, ito na marahil ang kanyang ama.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now