C H A P T E R 19

1.7K 106 1
                                    

"What the hell, Ella?!" sigaw ni Kiel sa loob.

"S-sorry kakatok sana ako pero-"

"Teka wag kang aalis diyan magbibihis lang ako!" putol niya sa sasabihin ko.

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang nagwawala kong kalooban. Bakit ganon?!

First time kong makakita ng lalaking nakahubad. Hindi naman totally naked si Kiel pero naka brief lang siya, nakatalikod naman siya sa akin. Pero hindi lang ang kahubaran niya ang pumukaw ng pansin ko kundi mas lalo yung tatlong bandage, isa ay iyong nakita ko sa likod ng balikat niya, at may dalawa pa siya sa likod.

Bakit hindi ko alam na tatlo pala ang tama niya? Ngayon ko lang naisip na kaya pala agad siyang nawalan ng malay nung gabing yun dahil tatlo pala ang tama niya.

Buti at nakaligtas siya, marahil ay puro daplis lang iyon pero nakakatakot pa rin at nakakapag-alala.

Pero bakit ba kasi nakahubad siya at hindi manlang siniguro na sarado ang pinto?!

Okay nasa bahay niya siya.

Bumukas ang pinto at hindi ako makatingin sa kanya.

"Why are you here?" malamig niyang tanong. Napanguso naman ako at tumingin sa kanya.

"Kung ayaw mo ay uuwi na lang ako." tinalikuran ko na siya at naglakad paalis pero bigla niya akong hinatak sa braso.

"Uuwi na 'ko." malamig kong sinabi.

"No. You stay here." sabi niya at hinila ako. Habang naglalakad ay nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Bakit hindi mo sinabi na tatlo ang tama mo ng baril?" himig nagtatampo na tanong ko.

"Ayokong madagdagan ang pag-aalala mo." tipid niyang sinabi.

"Eh, bakit parang maayos naman yung higa mo sa hospital bed noon na parang wala kang sugat sa likod?" tanong ko.

"Tiniis ko."

"Nakakainis ka talaga!" huminto ako dahilan para mapahinto din siya.

"Hinatid ka ni Michael?" tanong niya, hindi pinansin ang huli kong sinabi o marahil ay nililihis ang usapan.

"Oo. Ikaw wala kang galang, mas matanda sayo si Kuya pero Michael lang tawag mo."

"Hindi ako nasanay." bahagya siyang tumawa. Inirapan ko siya.

"Matagal na ba kayong magkakilala?" usisa ko.

"Hindi masyado pero magkakilala na kami bago kita makilala, siya ang nagrecommend kay Joice na maging tutor ni Kyla at nakakalaro ko rin siya sa basketball pero hindi ko alam na may kapatid pala siyang makulit, madaldal, matakaw at isip bata." sabi niya na natatawa.

"Di mo pa sabihin na ako yung tinutukoy mo ah! Nahiya ka pa, hmp!" inaambaan ko siya ng suntok. Awtomatikong hinarang naman niya yung kamay niya.

Hinatak na ulit niya ko pababa sa sala. Umupo kami sa sofa at nakahanda na yung dala kong blueberry cheese cake sa center table. May pineapple juice din.

Kumain na kami. "Konti lang ang kainin mo ah." sabi ko kay Kiel dahilan para hindi nito matuloy ang gagawin sanang pagsubo ng tinidor na may maliit na piraso ng cake.

Nangunot ang noo niya. "Bakit naman? Nagdala ka ng cake tapos ayaw mo naman pala mamigay, takaw talaga."

"Hindi yun ganun, bawal sa'yo ang masyadong matamis dahil babagal ang paggaling ng sugat mo." sabi ko. "Itong pineapple juice ay pwede dahil nakakatulong ang Pineapple para sa mabilis na paghilom ng sugat." dugtong ko, tumingin ako sa kanya at nakitang parang manghang nakangiti siya.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now