C H A P T E R 6 9

993 81 9
                                    

Dedicated to ShyrilaicanicoleBeat

Chapter 69

"Saan ba kasi galing yang alak?" tanong ko kila Cassey.

"Yeah, wala naman sa plano yan ah? Saka alam ba yan ng Mommy mo Loree?" tanong ni Cassey.

Tumingin si Loree sa ate niya. "What? Why me?" maarteng tanong ni ate Lorielle.

"Pucha patulugin niyo na yan!" ani Jigz ng tumaob sa kanya si Leah at animo masusuka sa dibdib niya.

Halata ang labis na irita sa mukha ni Katrina dahil sa pagod sa pag-aawat sa pinsan. Kanina kasi habang nagkakasayahan sa dagat bigla na lang nawala si Leah kaya nataranta kami at hinanap siya, pagkakita namin ay lasing na lasing na habang hawak ang isang bote ng alak na hindi ko alam kung anong tawag.

Pagkatapos niyang umiyak kanina sa hotel room bigla siyang ngumiti at sinabing. "It's not that bad kiss for the first timer like me, though." sabay tawa nito, napailing na lang kami nun at inakala na okay na nga siya. Bumalik pa kami sa dagat nun para maligo ulit.

"No I'm not drunk, I'm not drunk, I'm just. .ahm pretty?" humalakhak si Leah at kumapit pa sa braso ni Jomzel, lasing na lasing na ang tono ng pananalita nito maging ang paglalakad, mapulang mukha at pagpungay ng mga mata ay patunay na lasing na nga siya. Kung kani-kanino na siya pumupulupot. "Pretty to be hurt and bet on for just a car!" sumigaw siya at humalakhak.

Lumapit siya sa grupo ng mga kalalakihan na hindi kilala. "Hey handsomes! I'm pretty! You know what? They bet on me, kapalit kotse! Kayo hindi niyo ba ko pagpupustahan? Okay lang kahit kapalit pa dangal!" muling humalakhak si Leah at pilit naman siyang inaawat nila Katrina, Rafael at Jomzel.

"I'm sorry guys." humingi ng pasensya si Katrina sa mga lalaki sabay hila ulit kay Leah.

Umiiyak na si Katrina ng yakapin ang pinsan. Halata ang awa nito kay Leah, binalingan niya ng masama si Rafael dahilan para mapayuko ito.

"I'm sorry okay?" mahinang ani Rafael, animo maamong tupa ito.

"Hey Rome! Come here! Let's kiss!" muling sigaw nito, agad namang nagtago si Rome sa likod naming mga babae.

"Oh Rafael? You're here pala! My handsome Rafael, come, come. ." sumesenyas senyas pa siya ng 'come here' sign.

Lumapit naman si Rafael sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Sorry Leah." sincere ang pagkakasabi ni Rafael.

"Why you're sorry? Wala ka namang ginawa eh. Hahaha you know what? That was a nice kiss and also my first time---HEYYYY!"

Hindi na niya natapos yung gusto niyang sabihin dahil binuhat siya ni Rafael. Sumunod lang kami sa kanila hanggang sa makarating sa hotel suite.

"Rest Leah." hiniga ni Rafael si Leah sa kama. "Sorry ulit."

"Hmmmm Raf. ." hinatak ni Leah si Rafael pahiga sa kama at nagulat naman ang lalaki sa ginawa niya, niyakap siya ni Leah.

Nag thumbs up lang si Rafael sa amin, parang sinasabi na okay lang sa kanya. Hinaplos haplos ni Rafael ang buhok ni Leah hanggang sa makatulog ito. Tahimik lang kami na nanonood sa kanila, lahat pala kami nandito na sa loob ng girl's room.

Nang lumuwag ang yakap ni Leah ay sinubukang umalis ni Rafael pero gumalaw si Leah.

"Nasusuka ako. . Arrrrrkk.." napasalo na lang kami sa bibig namin dahil nasukahan ni Leah si Rafael. .

Sa mukha. . KADIRI!

Nakita kong pumula ang tenga ni Rafael, tumakbo siya papunta sa cr para maghilamos. Inasikaso naman ni Katrina ang pinsan, pinunasan ang bibig niya gamit ang tissue at pinainom ng tubig.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now