C H A P T E R 6 0

1K 75 17
                                    

This Chapter is dedicated to RailykimReyes  AyeshaMielMendoza2  aliasamiZ

Thank you for supporting this story ❤️ GODBLESS 😍

Kiel's PoV

Nagising ako sa pamilyar na disensyo ng kwarto. Napangiwi ako't napahawak sa sentido ko na ngayon ay sobra ang pagkirot. May masakit din sa kanang bahagi ng pisngi ko.

Why am I here anyway?

Pilit kong inalala ang nangyari sa nagdaang gabi pero lalo lang sumakit ang ulo ko. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto.

"Gising ka na pala hijo, halika sa ibaba at nagluto ako ng hang over soup." hang over soup?

Oh shoot! Nalasing pala ako kagabi. At ano pa kayang nangyari? Wala akong maalala. .

"Bakit po nandito ako Manang Rosa?" tanong ko sa may edad nang kasambahay ng mga Saavedra.

Nakita kong kumunot ang noo ni Manang. "Hindi mo ba natatandaan hijo? Lasing na lasing kang pumunta dito at nagpupumilit na makapasok para kausapin si Mikaella." salaysay ni Manang.

"Pero wala po akong maalala na nagkausap kami ni Ella."

"Dahil hindi naman talaga. Nakatulog ka sa harap ng gate matapos mong magwala. Siya halika na sa ibaba." ani Manang at lumabas ng pinto matapos kuhanin ang marumi kong damit na suot kahapon.

Teka, damit na suot ko kahapon?!

Hindi pa nga ako nakakarevover sa sinabi ni Manang na ginawa ko kagabi tapos ngayon naman nagising ako na iba na ang suot na damit?!

What a mess!

Napatingin ako sa sarili ko at napagtanto kong ibang damit na nga ang suot ko. Napatingin ako sa pinto ng muling bumukas iyon.

"Siya nga pala, huwag kang mag-alala dahil nakisuyo ako sa isa sa mga guwardiya para palitan ang suot mo kagabi." iyon lang ang sinabi ni Manang at muli ng isinara ang pinto't tuluyang bumaba papunta sa kusina.

Pumasok muna ako sa cr at naghilamos, may nakita akong mga bagong toothbrush sa cabinet kaya nagsipilyo na rin ako.

Inayos ko pa ang buhok ko sa harap ng salamin pero nanlaki ang mata ko ng makitang may pasa ang kanang pisngi ko. Kaya pala masakit, ano kayang nangyari dito?

Paglabas ko ng pinto ay nakumpirma kong sa isa sa mga guest room pala ako nakatulog.

Napatigil ako at muling nanumbalik ang sakit ng papalapit na ako sa tapat ng kwarto ni Ella.

Ilang segundo akong nakatayo dun bago nagpasya na buksan pero bigo ako dahil naka locked yun.

Napakagat na lang ako sa sariling labi ng makaramdam ako ng panlulumo.

Pakiningshet lang, ganito pala kasakit at kabigat sa pakiramdam kapag broken hearted. Parang gusto mo na lang malagutan ng hininga mismo sa kinatatayuan mo.

Pagkababa ko sa kusina ay umasa ako na makita sila tita Michelle at Ella pero tanging si Manang Rosa at ang bunsong Saavedra lang ang naroon. Kasalukuyang pinapakain ni manang si Mia.

"Good morning Kuya Nic!" masiglang bati ng batang si Mia, tila hindi alintana ang mga problemang nangyayari sa paligid.

Napaisip ako at sa huli ay hiniling ko na sana bumalik na lang ako sa pagiging bata kung saan walang iniintinding problema, walang mabibigat na pagsubok, walang heart break. At higit sa lahat yung may Mommy na nag-aalaga at nagmamahal. Napailing na lang ako sa sariling naisip.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now