C H A P T E R 29

1.5K 95 3
                                    

PS: Hindi ko na po inedit. Sorry sa mga typo. ❤️

"Oy Mika yung mukha mo naman." nakasimangot na ani Jomz.

"Oh bakit?" maang na tanong ko.

"Makareact ka kasi parang diring-diri ka sakin." nakangusong aniya.

"Woy ganun ba ko?" tanong ko.

Umiling naman siya. "Ngayon lang."

"Bakit naniniwala ka ba sa indirect kiss na yan ha?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Oo naman, ikaw ang first kiss ko Mika hehehe."
Inirapan ko na lang siya. "Puro ka kalokohan."

"Babe naman." mas lalo siyang ngumuso.

"Oy oy anong babe ha? Kutos gusto mo?" inambaan ko siya ng kutos.

Tumawa siya. "Joke lang naman ano ka ba haha, pero baka makalusot din" kumakamot sa batok na aniya.

"Puntahan ko lang sila Megan." tumayo ako tapos sumunod naman siya.

"Hindi mo hinuhubad yang relo mo baka masira yan?" ani Jomz.

"Water proof to." tumalon ako sa tubig, nagulat naman si Megan.

Ang saya rin palang maligo kahit malamig yung simoy ng hangin, wag lang akong magkakasakit dahil sabi ko nga nung una madali akong magkasakit sa matinding temperature. Init or lamig.

Hapon na ng magkayayaan kaming umuwi, syempre matapos ang napakaraming picture taking.

Pagod ang lahat nang makasakay van. Yung iba ay nakatulog agad, maging ako ay nakaramdam agad ng antok kaya hindi ko napigilan na maidlip.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba akong naiidlip ng biglang nagpreno ang driver, muntik na akong mauntog sa kaharap na upuan mabuti na lamang at naging maagap ang katabi kong si Jomzel at nahatak ako.

Bumukas ang pinto sa harap.
"Walang kikilos ng masama." anang isang boses ng lalaki.

Biglang sumigaw si Seph "S-sino kayo?!" nanginginig ang boses na aniya.

May nagring na cellphone. "Hello Manong? Opo may nangyari nga, wag niyo na kaming balikan at baka mapahamak pati kayo. Tumawag na lang po kayo ng---"

Hindi naituloy ni Jomz ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto ng van at may umagaw sa cellphone niya.

"Mikaella Corpuz sumama ka sakin." anang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil sa suot na pugong. Tumingin ako sa mga kasama at natakot ng makitang may nakatutok na baril sa kanila.

Napatango na lang ako habang pasimpleng kinakapa ang emergency button ng wristwatch na binigay ni Kiel. Nang makapa ay pasimple din na pinindot ko yun. Naramdaman kong nagvibrate iyon. "O-opo." sagot ko.

"No! Anong kailangan niyo sa kanya?!" pasigaw na ani Jomz dahilan para undayan ito ng suntok ng lalaking gustong kumuha sa akin. Napadaing si Jomz at nasalo ang pumutok na labi.

"Wag kang makialam bata!" sigaw ng lalaki.

"Mukhang mga anak mayaman lahat to ah, ano idadamay na ba natin?" anang lalaking nakabantay kila Rafael, iginala naman ng lalaking nakabantay sa amin yung mata niya at sabay tango.

"Iwan na yang driver, kayo na bahala dyan. Kayong lahat, baba!" nagsisunod na lang kaming lahat at bumaba ng van. Narinig ko pa ang mga daing ng driver dahil sa ginagawang pananakit sa kanya ng mga lalaki.

"Sakay! Bilisan niyo!" idiniin ng lalaki sa ulo ko yung dulo ng baril. Hindi ako makapagsalita. Lahat kami ay umakyat sa itim van.

"Manahimik kayo!" singhal nung isang lalaki sa umiiyak na si Megan, Leah at April.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon