C H A P T E R 7 8

1.2K 68 3
                                    


[Kiel Dominic]

"Hello?" kunot noong tanong ko sa nasa kabilang linya.

"Dominic." tawag sa pangalan ko ng isang boses lalaki.

"W-who's this?" kinakabahan na tanong ko.

"It's Fredd." saglit akong napaisip at pilit inalala ang taong nagmamay-ari ng pangalan na iyon.

"Why did you call?" malamig ang tono na tanong ko bagaman at mayroong kung ano sa loob ko na parang nasasabik na malaman ang dahilan ng  pagtawag niya.

"Meet me later at the roof top." maawtoridad na sabi niya naman sa akin.

"I can't." agad na sagot ko sa kanya.

"You should and you must." mahinahon ngunit maawtoridad pa rin na sabi niya. Mas lalo lang akong nainis sa sarili ko sapagka't mayroon na naman sa akin na gustong sumunod sa sinasabi niya.

"Why the hell would I listen to you?" sa halip ay inis na tanong ko sa kanya. Wala ako sa Manila for goodness' sake.

"Stop being stubborn young Fuentabella. It's about your Mom and Brother."

"I-I don't care." pilit pinapatatag ang boses na tugon ko.

"You should care. Later at the roof top, 12MN." and then the call ended. I gritted my teeth in anger.

The hell with that man! Sino siya para utusan ako? Sino siya para pangunahan ako?! Bahala siya sa buhay niya!

But fvck it! I wanted to come! Gusto kong pumunta at alamin kung anong sasabihin niya!

"Sinong kausap mo?" seryosong mukha ni Carlo ang bumungad sa akin.

"Just someone I know." kibit balikat na sagot ko. Nakita ko naman na kumunot ang noo niya at pansin ko na may gusto pa siyang sabihin. Doon ko pa lamang din napagtanto na sobra pala ang pagkakakunot ng noo ko, naramdaman ko pa kung paanong unti-unting nawala ang kunot niyon.

"The patient is now stable but still unconscious."  lumagpas ang tingin ko kay Carlo, sinundan niya ang tinitignan ko at napatingin din sa Doctor na nagsalita. Iyon ang Doctor na nag-asikaso kay Ella kanina! Agad akong lumapit sa kanila para makinig.

"Thanks God." narinig kong sabi ni Michael.

"Kailan siya gigising Doc?" tanong ni tito Mikael.

"That I'm not sure Sir, maybe later, tomorrow or the next day."

*Tug dug!*
*Tug dug!*
*Tug dug!*

Parang tinambol bigla ang dibdib ko sa narinig.

"B-Bakit naman po ganun Doc.?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.

"Normal body response. She will automatically gain her consciousness after taking back her lost strength." napabuga ako ng hangin sa narinig ko.

THANK YOU GOD..

"Based on her Computed Tomography Scan result, there is NO such internal damage on her organs. We'll just wait for her to wake up and then we can release her already if you want, pwedeng sa bahay na lang niya ituloy ang pagpapagaling but as a Doctor, of course I would like to recommend her to stay hospitalised until fully recovered."

"Thank you Doc." sagot ni Tito Mikael sa kanya.

"I'm just around, and if you have questions, please don't hesitate to approach me. I'll go first." tugon ng Doctor na bahagya pang yumuko bago tumalikod at maglakad palayo.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon