C H A P T E R 59.2

990 72 8
                                    

Break up Part 2
Mikaella's PoV

"Kapag lumabas ka ng pinto na iyan ay wala ka ng babalikan." napatigil ako sa paglalakad, sobrang bigat sa dibdib. Hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang pag-iyak at sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong bumalik sa kanya, gusto kong yakapin siya at bawiin yung mga sinabi ko kanina. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya pero hindi pwede.

Ito ang tama kahit masakit para sa aming dalawa. Ito ang dapat gawin para wala ng mapahamak na iba.

Labag man sa loob ko at kahit parang 'sing bigat ng adobe ang mga binti ko ay pinilit kong humakbang at maglakad palabas ng pinto.

Napahagulgol na lang ako ng malakabas at tuluyan ko ng isara ang pinto ng roof top kung saan alam ko na tuluyan na rin akong nakalabas sa buhay niya.

At masakit isipin na wala na akong babalikan pa tulad ng sinabi niya.

I’m really sorry Kiel. Baka hanggang dito na lang talaga tayo. Parang pinahiram ka lang ng Diyos sa akin saglit pero ngayon kailangan na kitang palayain. Para sa'yo din yan Kiel. .

Napasandal na lang ako sa pinto ng rooftop habang salo ko ang dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga kakaiiyak.

Napatingin ako sa ibaba ng hagdan ng may marinig akong mga yabag at mga boses. Agad kong pinunasan ang mga luha ko pero kahit anong gawin ko ay patuloy pa rin na nababasa ang pisngi ko dahil sa patuloy na pagpatak ng luha.

Nilalamig na ako dahil basang-basa ako ng ulan, alam kong ganun din si Kiel pero kailangan ko siyang tiisin.

Bumaba na lang ako ng hagdan at nakasalubong ko ang white shadow gang.

Teka akala ko ba umalis na sila? Nagkibit balikat ako at nilagpasan na lang sila kahit na tinatanong nila ako kung bakit ako umiiyak, kung bakit nagpabasa ako ng ulan, kung anong nangyari at kung nasaan ang leader nila, bakas sa itsura nila ang pagtataka at pag-aalala.

Takbo lang ako ng takbo hanggang makarating sa elevator.

Oo may elevator pala dito pero sa hagdan kami dumaan kanina papunta sa rooftop!

Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam.

Paglabas ng building ay sumalubong sa akin ang buhos ng ulan.

Wala sa sarili na naglalakad lang ako habang umiiyak.

"Mikaella? Bakit ka nagpapabasa sa---UMIIYAK KA BA?!" nag-aalalang tanong ni Zachareus sabay hawak sa dalawang balikat ko dahilan para mabitawan niya ang hawak na payong at mabasa na rin siya ng ulan. Pinakatitigan niya akong mabuti at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Zach. ." hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil sa panglalambot at panginginig.

"Anong nangyari Mikay? Tell me? Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siya sa'yong hindi maganda?" napailing na lang ako at hindi makapagsalita, nanlaki ang mga mata ko ng makita si Kiel na palabas na ng lobby ng hotel, hawak niya ang long sleeves polo niya at nakasando lang siya, tulad ko ay basang-basa rin siya ng ulan habang nagpapalinga-linga.

Nataranta ako at hindi na nakapag-isip pa ng tama.

Siguradong hinahanap niya ako ngayon at kailangan kong gumawa ng paraan para hindi niya ako lapitan.

Ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan na magagawa ko.

Humakbang ako palapit kay Zach, tumingkayad at ikinawit ko ang dalawang braso ko sa batok niya para maabot ang labi niya.

Oo hinalikan ko siya, at alam kong nakatingin sa amin ngayon si Kiel.

Mas mabuti nang kamuhian mo ako Kiel, nang sa ganon ay hindi ka na mapahamak pa o kahit sino sa pamilya mo.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now