C H A P T E R 24

1.5K 97 2
                                    

Guys in-edit ko po ang Chapter 23 dahil marami pong nawalang words at madami ding typo HIHIHI sorry na po. Enjoy reading! ❤️❤️❤️

Mabuti na lang at wala pa rin sila Papa kaya payapa akong nakalabas sa underground.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko na nagawang buksan ang ilaw at lumapit na ako sa ref. Parang natuyo bigla yung lalamunan ko dahil sa kahihiyan. Buseet na Monster Kiel na yun manyak talaga!

Palabas na ko ng kusina ng marinig ko ang boses nila Papa.

"We should hire security guards hon." ani Mama. Sumilip ako at nakita kong naka over all black din ito.

"I will take care of that ASAP." ani Papa.

"We need to be ready." ani Mama habang pilit sinasabayan ang mga hakbang ni Papa.

"Sa susunod ay hindi ka na sasama Michelle."

"What?!Matagal nating pinaghandaan ang bagay na ito Mikael!"

"Lower your voice at baka marinig ka ng mga bata." ani Papa. Umakyat na sila sa kwarto.

Bumalik na rin ako sa kwarto ko at nilagay sa side table yung regalo ko kay Monster Kiel.

Humiga ako sa kama ko at nagsimulang pumasok sa isip ko ang maraming tanong. Kailangan ko ng kasagutan sa mga iyon dahil hindi ako matatahimik hangga't hindi ko yun nalalaman.

Ano pa kayang hindi ko alam? Ano yung sinabi ni Mama na matagal na nilang pinaghandaan? Saan sila galing kanina at bakit ganun ang suot nila? Para saan ang underground? At anong nasa likod ng pinto na iyon na sinabi ni Kuya na hindi ko pwedeng puntahan? At anong kinalaman ni Kiel sa Pamilya namin? Bakit ganoon na lang ang pagtanggap nila sa Monster na iyon sa kabila ng pagiging sanggano nito at gangster dati? Sino si Zan? Sino yung mga lalaki na nagtatangka sa buhay ko? I need to know everything para magkaroon ako ng peace of mind.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog o kung nakatulog ba ako dahil pakiramdam ko ay naidlip lang ako.

Mabigat ang katawan na bumangon ako ng kama at nagtuloy sa banyo para magtooth brush at maghilamos.

Tinatamad na bumaba ako at tumuloy sa kusina. Naabutan kong nagluluto si Manang.

"Morning 'nang." bati ko sa may edad na naming kasambahay.

"Oh good morning din hija, ang aga mo ah? May lakad ka ba?" tanong niya habang nagsasalin ng sinangag sa bowl.

Umiling ako. "Maglalakad-lakad lang ho sa labas, exercise." sagot ko habang kumukuha ng bottled water sa cabinet. Binukas ko iyon at diretsong nilaghok.

"Oh hindi ka ba muna kakain? Nakaluto na ako." tanong ni Manang ng mapansing palabas na ako sa kusina.

"Mamaya na ho 'nang. Maglalakad-lakad na ho muna ako."

"Kuuu. Ang batang ito ay lalong nagpapasexy."

Natawa ako. "Si Manang talaga. Hindi naman po!" lumabas na ako ng gate at nagulat sa limang lalaki na naka uniporme ang nakatayo roon.

"Ahm. Goodmorning po" agaw pansin ko sa kanila. Nilingon naman nila ako.

Nagsitayuan sila ng diretso at sabay-sabay na sumaludo. Namilog ang mata at bibig ko. "Good morning Ma'am." sabay-sabay din na bati nila sa akin, yung apat lang pala dahil yung isa ay seryosong nakatingin lang sa akin.

"Hala wag niyo na pong gawin yan, nakakahiya naman po." nag-aalalang sabi ko sa kanila. Hindi ako sanay ng ganito. Pakiramdam ko ay kabastusan ang ganito na sumaludo pa sila sa akin sa kabila ng agwat ng edad namin. Ako dapat ang nagbibigay galang sa kanila.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now