C H A P T E R 42

1.2K 82 2
                                    

Nanginginig ang buong katawan at panay agos ng masaganang luha sa mata ko na napaluhod na lang ako sa gomang sahig ng training room matapos kalasin ang mga bisig na nakayakap sakin mula sa likuran.

Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko ang malungkot na mukha ni Kuya Michael.

"Tapos ka na ba?" seryoso at may bahid ng lungkot na tanong niya. Hindi ko alam kung tungkol saan ang tinanong niya, kung para ba sa paglalabas ko ng nararamdaman o ang pagbabalik sa nakaraan na ngayon ay unti-unti ko nang naaalala.

"Anong ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ko.

"Kanina ka pa namin hinahanap, anong nangyari? Bakit parang nagwawala ka dito?"

"Kuya anong alam mo tungkol sa mga nangyari 6 years ago?"

"Hindi lahat ay alam ko."

"Sabihin mo naman sakin kung anong mga alam mo please. Mababaliw na ako kakaisip kuya konti nalang." nag-unahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko, agad naman akong niyakap ni kuya at nilagay sa dibdib niya. Ngayon ay ramdam ko ang pagiging kuya niya sakin.

"Sabihin mo muna kung anong nalaman mo."

"Bakit Saavedra ang apelyidong nakita ko na nakalagay sa sulat ko dati kay Zachy?"

"Mamaya sasabihin ko sa'yo. Ano pang nalaman mo? May naalala ka pa bang iba? O napanaginipan ulit?" tanong ulit ni Kuya habang nasa dibdib pa rin niya ko. Nakasalampak na siya sa sahig gaya ko.

"May kumuha sa amin na mga lalaki at dinala kami sa isang lugar kasama si Zachy at ang isa pang batang lalaki na hindi ko pa natatandaan."

"It's Zanderius."

"Zan-Zanderius? Si Zander? Paanong naging..ibig sabihin ang taong dumukot sa amin dati at ang taong pasimuno sa pagkaka-kidnapped namin ng classmates ko ay ang tatay ni Zander?"

"Yes, and you used to call Zanderius as Zanny, mahilig kang magbigay ng pet name. Zachareus as Zachy, Zanderius as Zanny."

"How about Zarinah? Who's her?" naramdaman ko na natigilan si Kuya sa tanong ko kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya at humarap sa kanya.

"It's Zander's twin sister." napanganga ako sa narinig ko.

"Please tell me everything Kuya. Para matapos na to."

"O-okay but promise me na magiging matatag ka. Wag mong sisisihin ang sarili mo."

"Promise kaya sabihin mo na lahat please."

"Okay wala naman akong magagawa eh, malalwman at malalaman mo rin. Magtanong ka at sasagutin ko, hindi ako magaling magkwento."

"Sino yung tinawag ni Papa na Donya?"

"Donya, si Lola Esmeralda yun. Don si lolo Manuel."

"Kung ganoon ay mayaman pala talaga sila?"

"Oo at iyon ang dahilan ng lahat ng ito. May isang tao na matagal ng naghahangad sa yaman nila."

"Sa pagkakaintindi ko ay buhay pa ang lola natin, si Donya Esmeralda. Nasaan siya?" tanong ko.

"Tinatago nila Papa dahil papatayin siya ni tito Misael tulad kung paano niya pinatay si Don Manuel na lolo natin."

"Sino naman yun?"

"Si Misael Saavedra?"

"Oo si Misael.. Saavedra? Yung lalaking nasa picture? At bakit magka-apelyido kami?" tanong ko.

Bahagyang natawa si Kuya. "Saavedra ang apelyido natin, Corpuz lang ang ginagamit natin ngayon para hindi tayo madaling mahanap ni tito Misael, apelyido yun ng mother ni Lola Esmeralda sa pagkadalaga niya."

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ