C H A P T E R 6 1

1K 78 10
                                    

This chapter is dedicated to KristineDelizon thanks for voting 😘

And of course sa palaging may comment at vote, sobrang consistent  AlyanaMarieMendoza8   Sobrang naaappreciate ko talaga. Thank you 😍

PS: open for dedication po tayo, just direct message me or simply leave a comment  😊

Kiel's PoV

MASARAP magmahal, pero hanggang saan ba kayang magmahal ng isang tao? Paano kung sobrang sakit na? Paano kung hirap na hirap ka na?

At paano kung ikaw na lang ang lumalaban? Patuloy ka pa rin bang magmamahal kahit alam mo naman na wala nang pag-asa? Dahil sumuko na siya?

May iba't-ibang klase ng pagmamahal. Pagmamahal sa opposite sex, pagmamahal sa Diyos, pagmamahal sa bansa, pagmamahal sa pamilya at marami pang iba.

"Relax ka lang boss." kalabit sakin ni Buboy, sinamaan ko siya ng tingin dahil nitong mga nakaraan ay nawiwili na siya sa kakatawag ng boss. "Este Nic---pwedeng kuya?---NIC! OO NIC, SABI KO NGA! MAY SINABI BA AKONG KUYA?" parang sira na pagkausap niya sa sarili, may paduro-duro pa sa dibdib niya. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Boss este Nic wag kang magwawala sa loob ah." sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Shut up Blake Zaragoza." napangiwi na lang siya sa pagtawag ko sa kanya sa buong pangalan niya.

"Pero mahal mo?" di ko na napigilan ang sarili ko na batukan siya. Kanina pa kasi niya pinapaulit-ulit ang tanong na yan eh.

"Baka nakakalimutan mo na leader ng rival gang natin ang tinutukoy mo." naiiritang tugon ko.

"Eh ang Mommy mo? Handa ka na ba na harapin sila?"

Bumuntong hininga na lang ako at hindi pinansin ang pang-aasar niya. Tuloy-tuloy kaming naglakad hanggang sa nurse's station.

"Excuse me nurse, where's the room of Thaddeus Claverias?" napatingin sa akin ang medyo bata pang nurse at saglit na napatulala. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay dahil sa inis. Nagmamadali ako tapos tutungangaan niya lang ako?

"Ahm y-yes, S-sir just wait for a m-minute." nauutal na anang nurse. What's with her? Parang tanga lang. Ngayon lang yata nakakita ng kasinggwapo ko.

"Ahm Sir sorry po pero nakalagay po dito na bawal bumisita ang hindi family ni Mr. Thaddeus Claverias." sabi ng nurse matapos magscroll sa computer. Tumiim ang bagang ko dahil sa inis.

Parang bumabalik na naman ako sa dati. Iyong gangster na mainitin ang ulo, maiksi ang pasensya, walang pakialam sa ibang tao at parang. . Nawalan na rin ako ng gana sa buhay. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko ay mas gugustuhin ko na lang makipag basag ulo hanggang sa mamatay.

"He's my son." napatingin kami sa babaeng nagsalita. Nagtama ang mata namin at biglang kumabog ang dibdib ko.

"Pasensya na po Mrs. Claverias, pasensya na rin Sir." yumuko ang nurse na parang nahihiya.

"It's okay. Follow me son." sabi ni Mommy bago naglakad papunta sa mga ward. Nakita ko ang hawak niyang paper bag ng isang restaurant.

Mukhang namili siya ng pagkain niya at nakita kami ni Buboy sa nurse station.

"Nic tara na." hinatak ako ni Buboy sa braso dahilan para matauhan ako.

Napatiim bagang na lang ako at naglakad na lang.

"I'm glad you came son." bungad ni Mommy pagkapasok namin sa isang private room. Ginala ko ang paningin ko, sa sulok ay may mini refrigerator. May flat screen TV sa gitnang bahagi ng pader at may mga sofa sa gilid niyon. Sa lamesang nasa gilid ng hospital bed ay may vase ng bulaklak at basket ng mga prutas. Hindi kalakihan ang kwarto pero masasabing alagang-alaga ang pasyenteng nakaratay sa kama. Saglit kong tinignan si Thaddeus na animo natutulog lang.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now