C H A P T E R 40

1.4K 84 2
                                    

[Mikaella's PoV]

New Year's Eve

Ilang oras na lang ay New Year na, busy sila Mama, ate Joice, Manang Lita at Manang Rosa sa pagpeprepare ng foods habang ako ay nakatunganga sa sala at nanonood ng movie. Sa mahabang sofa nakahilera ang mga laruan ni Kyla at Mia, as usual ay busy sila sa paglalaro.

Tama kayo ng iniisip, kasama namin mag-Cecelebrate ng New Year ang mga Fuentabella pati si Ate Joice na pansamantala ay dito muna tumutuloy dahil may nangyari daw na masama.

Ang Daddy nila Kiel ay mamaya pa daw alas nuebe ang dating. Siguro ay nasa alas siete pa lamang ngayon.

Nagpaalam si Kiel sakin kanina, may importante daw silang pag-uusapan ni Kuya.

Humihikab na umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Kung ilang minuto na rin akong nakahilata pero hindi naman ako makatulog.

Dala marahil ng boredom ay naisipan kong magkalkal sa cabinet ko para maghanap ng susuotin mamaya.

Bubuksan ko na sana ang Cabinet ng may mapansin akong parang. . Parang.. Ano 'to? Tinitigan ko iyong mabuti, parang kasama lang sa design ng carving pero kung tititigan ay may kakaiba.

Sinalat ko iyon kasabay ng pagtataka ilang taon ko na itong Cabinet pero ngayon ko lang ito napansin, mas dark kasi ang kulay niyon pero maliit lang kaya hindi halata.

Habang sinasalat ay hindi sinasadyang napadiin ng konti ang hawak ko ngunit ang ikinagulat ko ay bigla iyong umilaw ng kulay pula.

Saglit lang ay bumukas ang cabinet at laking gulat ko ng wala na doon ang mga damit ko!

Hindi kaya secret passage din ito papunta sa underground tulad ng kay kuya? Pero bakit ganito? Bakit ngayon ko lang natuklasan ito?

Wala sa sariling pumasok ako sa loob, agad ding nagsara iyon at ilang segundo lang ay nararamdaman ko na ang pagbaba niyon sa ilalim.

Tumigil ang elevator slash cabinet at pipindutin ko na sana ang open ng bigla akong makarinig ng mga nag-uusap mula sa labas.

"Unti-unti na siyang nakakaalala Zachareus. Konting panahon na lang ay malalaman na niya lahat ng nangyari noon." boses iyon ni Papa. Sumilip ako sa parang butas pero para ding monitor, hindi ko alam kung anong tawag basta merong parang butas sa cabinet tapos itatapat dun yung mata para masilip yung nasa labas pero hindi mo makikita ng actual yung nasa labas kasi parang monitor lang yung makikita mo.

Para siyang yung sa ibang bansa? Kapag may nagdodoorbell ganern tapos sisilipin nung may ari ng bahay kung sino yung tao sa labas bago nila buksan yung pinto or gate hehe. Gets niyo ba? Basta yun. Nakakatuwa kasi ang talino nila Papa para maisip ang ganitong bagay.

Nakita kong nasa loob pala kami ng training room at nakaupo sa lamesang naroon sina Papa, Kuya Michael, ate Joice?bakit pati siya kasama? Si Zachareus, Kiel at ang iba pang tauhan na hindi ko alam kung sino.

"Ihanda mo na ang sarili mo dude, alam mo naman na galit sa'yo si bubwit. Bakit ba kasi nagalit siya sa'yo samantalang pare-parehas lang naman kayong biktima?"

Anong sinasabi nila? Ako ba yung pinaguusapan nila? Bubwit daw eh, ako lang naman ang tinatawag ni Kuya ng ganun. At galit ako kay Zachareus? Bakit? Sabi niya hindi naman daw kami magkakilala dati di ba? Parang ang gulo lalo?

"Hindi ko rin alam." tipid na sagot ni Zach.

"She needs to face the truth tito dahil kung hindi ay mas lalo lang siyang mahihirapan." singit ni ate Joice.

"Yes, ganyan din ang sabi ng Psychiatrist.

Psychiatrist? May sakit ba ako sa isip?

"Paano mapapabilis ang pagbalik ng memory niya?" tanong ni Kuya. Napadiretso ako sa pagkakatayo habang pilit na pinapakinggan ang usapan nila.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now