C H A P T E R 43

1.2K 90 2
                                    

Kiel Dominic

"Hindi ko alam kuya pero sa tingin ko ay na-raped ako or almost raped. I can't remember all the things but iyon ang tingin ko sa mga nangyari. Kaya galit na galit ako kanina kay Zachareus kuya. Kaya dito ko binunton ang galit ko!"

Darn! Paulit-ulit na parang sirang plaka sa isip ko yung mga narinig ko kanina and I don't know kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon.

I greeted my teeth more while driving my car, I'm on my way to Airport. Susunduin ko si Dad para mag Celebrate ng New Year with the Corpuz or should I say Saavedra Family. Kung bakit kasi last minute ang flight niya.

"Hindi ko alam kuya pero sa tingin ko ay na-raped ako or almost raped. I can't remember all the things but iyon ang tingin ko sa mga nangyari. Kaya galit na galit ako kanina kay Zachareus kuya. Kaya dito ko binunton ang galit ko!"

Paano kung narape nga siya dati? Anong dapat kong maramdaman? I'm not into sex but mahalaga pa rin sakin ang kalinisan ng mapapangasawa ko pero kung alam ko naman ang rason ay kaya ko iyong tanggapin ng buong-buo. For I know that love isn't just all about caressing each body but also the union between two souls that caressing each others heart.

Pero hindi iyon ang mas iniisip ko ngayon, hindi ang pagiging malinis niya, I don't care about her purity at all dahil matatanggap at matatanggap ko siya kahit ano pa ang nakaraan niya. Ang mahalaga sakin ngayon ay yung nararamdaman niya. Sigurado ako na natatakot siya, nagagalit, nalulungkot o ano pa man at pati ako ay ganun na rin ang nararamdaman.

Lalo na ngayon na malinaw na sakin ang lahat. Mas lalo ko lang siyang minahal. Hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa babaeng kung tawagin at isipin ko dati ay isip bata, yung babaeng mas matanda ako ng halos limang taon, yung babaeng ni wala akong kaalam alam tungkol sa buhay niya, yung babaeng maingay at matakaw, yung babaeng hindi ko inisip o inasahan na mamahalin din pala ako.

Sadyang mapaglaro nga ang tadhana dahil sandaling pinagtagpo na kami noon at hindi ko na inasahan na muli pa pala kaming magkikita ngayon.

Pero paano nga kaya kung na-raped siya? That fcking Zachareus Santiago! Gusto kong durugin ang pagmumukha niya.

Pagliko ko sa madilim na parte ng daan ay bigla kong natapakan ng mariin ang break ng sasakyan dahil may mga nakaharang.

Pinagmasdan ko kung gaano karami ang mga nakapaligid sa labas.

Hindi ba sila nagpapahinga manlang? Bagong taon na bagong taon mukhang may pasabog ang mga ulupong!

Nagdalawang isip ako kung bababa ba ako o lalagpasan na lang sila.

Kapag nilagpasan ko sila iwas sa gulo pero baka isipin nila na naduwag ako.

Dinampot ko sa upuan ang cellphone ko at dinial ang number ni Michael. Siya lang ang maaasahan ko para sumundo kay Daddy kung sakali na hindi ako makaabot.

Natapos ang tawag at muli kong binaba sa katabing upuan yung cellphone ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga nakangising mukha ng nasa labas. Mga nakapamulsa pa ang iba sa kanila habang may hitit naman na sigarilyo ang iba pa.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at binalot yun sa kamao ko bago mabilis na bumaba ng sasakyan.

"Kanina ka pa namin inaabangan Fuentabella." nakangising ani Thaddeus o mas kilala bilang Tadeo. Hindi na ko nagtataka kung paano nila nalaman na papunta ako sa Airport.

"Hindi ba kayo marunong matulog o magpahinga at mukhang may hinanda kayong malaking pasabog?" diretsong tanong ko habang nagpapatunog ng mga buto.

Mukhang mapapalaban ako ngayon ah. Kung kelan wala akong kasama. Di bale sa kanila ko ibubunton lahat ng nararamdaman ko.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon