C H A P T E R 35

1.5K 102 1
                                    

A/N: Hi po hihi I'm back. Di ko talaga kayo matiis eh hehe. Sana po magustuhan niyo tong update ko kahit wala po ako sa huwisyo habang tinatype ko to. ❤️

"Ma pwede po akong pumunta sa mall?" paalam ko kay Mama isang umaga habang nag-aalmusal kami.

"Aano ka naman sa mall at sinong kasama mo?" tanong ni Mama.

"Ako lang po mag-isa, bibili po ako ng regalo para sa New Year." sagot ko naman kay Mama habang tumutusok ng hotdog.

"Okay I'll call Zachareus to accompany you." ani Mama. Magpoprotesta pa sana ako kung hindi lang ako natakot na baka hindi na ako payagan ni Mama kapag walang body guard.

"Thanks Ma." I forced a smile to her.

------***
Pinagbukas ako ni Kuyang Jacob ng car door kaya agad naman akong pumasok sa loob niyon.

Sa harap umupo si Zachareus wearing his poker face.

I sighed heavily while getting my phone out of my sling bag.

Do I really need to have a body guard? Bahala na nga basta makalabas lang, tatakasan ko na lang siya mamaya hihihi tama. *playful smile*

Excited akong bumaba ng kotse at naramdaman ko naman agad ang pagsunod ni Zach. Bahala siya diyan.

Pumasok ako sa loob ng book store para bumili ng bagong babasahin. Mula kasi nung matapos ang kidnapping chuchu eh naubusan ako ng librong pwedeng basahin dahil nasa kwarto lang naman ako maghapon.

I went straight to novel section. Nagscan agad ang mata ko sa mga interesting books. Hindi nagtagal ay nakapili agad ako ng tatlo at mabilis na pumila sa counter at nagbayad sa cashier.

Lumabas ako ng may ngiti sa labi na agad ding nawala ng bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Zach.

"Hi, hehe. Alam mo hindi mo naman kailangang gawin to. Okay lang naman ako kahit walang bantay eh, hehe." alanganin at pahina ng pahina kong sabi sa kanya. Bakit? Dahil yung kaninang nakabusangot niyang mukha ay unti-unting napapalitan ng disgust habang nagsasalita ako.

Napanguso na lang ako at tinalikuran siya."Sungit! Tsss." bulong ko habang naglalakad papasok sa Boutique.

"Mikaella!" wait. Boses yun ni Jomz ah?

Luminga-linga ako at nakita ko sa likuran ko ang ngiting-ngiti at patakbong lumalapit sa akin na si Jomzel.

"Waaah bitaw!" napasigaw na lang ako dahil sa pagyakap niya.

"Namiss kita haha!" tumatawang aniya habang mahigpit pa rin akong yakap.

"Oy bitaw na!" hahampasin ko sana siya sa likod dahil pinagtitinginan na kami ng biglang parang may humatak sa kanya. Pagharap ko ay nakasalampak na siya sa sahig at sa harap niya ay nakatayo ang masamang tingin na si Zach.

"Jomz!" agad kong nilapitan si Jomz at tinulungan na tumayo. "Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa'yo bakit ka umupo diyan?" tanong ko sa kanya kunwari to lighten the scene.

"Siya kasi babe eh hinatak ako palayo sa'yo kaya napaupo ako." parang batang sumbong ni Jomz sakin habang nakaturo kay Zach.

"Drop the word babe kung ayaw mong hindi na kita pansinin." seryoso kong sabi sa kanya ng mapansin ang pagtitiim ng bagang ni Zach habang madiin na kuyom ang kamay, saka baka mamaya biglang marinig pa siya ni Kiel eh tapos baka isipin niya na cheater ako. "Saka siya si Kuya Zach, kasama ko."

Unti-unti namang humarap si Jomz kay Zach at alanganin ang ngiti na nag paulit-ulit na yumuko dito.

"Ah pa-pasensya na po Ku-Kuya Zach." nauutal na aniya, teka Kuya ako ng Kuya baka mamaya bata pa pala si Zach.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now