C H A P T E R 34

1.5K 114 3
                                    

"Ang ganda!" napatalon-talon na lang ako sa pagtanaw sa magaganda at makukulay na fire works sa kalangitan.

Wala kasi kaming kahit anong paputok dahil bawal kay Kyla. Hindi rin kami kailanman namili niyon mula ng mahirapan akong huminga dahil sa usok. Minsan ay nagtataka na lang ako kung bakit nahihirapan akong huminga kahit sa konting usok gayong wala naman akong asthma.

"Wooooooow" nanlalaki ang mga matang napaturo na lang ako sa langit ng biglang mag hugis puso yung mga fireworks.

Panay din ang pagtalon ni Mia at Kyla sa tabi ko.

"Iyon pa baby oh!" sabi ko kay Mia habang kinakalabit siya at yung isang kamay ay nakaturo sa upper left side kung saan may panibagong fireworks display mula sa ibang tao. Nakikinood lang kasi kami hehe.

10

9

Nagsimulang magbilang si Mama, Manang Lita at Manang Rosa. Nakibilang tuloy ako na kala mo New Year ang sinasalubong namin.

8! Sigaw ko

7! Nadagdagan na kami, Si Papa, kuya, Kyla at Mia.

6! maging yung mga guard ay nakibilang na rin. Ilan lang naman natira sa kanila dahil yung iba ay umuwi sa kani-kanilang pamilya, yung mga gustong magstay lang ang natira tulad ni Zach at ng tatlo pa sa kanila na wala naman daw uuwiang Pamilya.

5! Pati si Kiel ay narinig kong nakibilang na, napatingin ako sa kanya at nginitian siya.

4

3

2

1

MERRY CHRISTMAS!!! sabay-sabay naming sigaw.

Napahiyaw ako ng itapat ni Kuya yung torotot sa tenga ko tapos sabay takbo. Nanguha ako ng torotot at hinabol siya, pilit kong tinatapat sa kanya yung hawak kong torotot habang malakas na hinihipan iyon.

Tawa ng tawa si Kuya. Monster!

Nakasimangot na umupo na lang ako sa harap ng mahabang mesa. Doon kasi hinain yung mga handa namin para daw mapanood namin yung mga fireworks.

Tinawag na silang lahat ni Mama at pinaupo.

Nagpray muna kami at nagpasalamat bago kumain.

"Anak dahan-dahan lang." paalala sakin ni Mama.

"Masarap po eh." sagot ko, hindi ko sila pinapansin.

Sa dulo nakaupo si Papa, katabi niya si Mia tapos si Kuya, Mama, Ako, at si Manang Rosa.

Sa harap ni Papa nakaupo yung pinakamalaking katawan na guard tapos katabi niya yung dalawa pang guard tapos si Zach, Kiel, Kyla at Manang Lita.

Bali si Kiel ang katapat ko.

Natigilan ako sa pagsubo ng may maramdaman akong sumipa sa paa ko. Kunot noong nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang nakangiting mukha ni Cookie Monster.

Nagsalin siya ng Juice sa baso tapos inabot niya yun sakin.

"Thank you." I mouthed.

Nginitian niya ako tapos "Basta ikaw." he mouthed too.

*Ehem* nagulat ako sa tumikhim. Si Zach pala iyon na katabi ni Kiel. Kunot noong tinignan ko siya at inirapan.

May sumipa ulit sakin sa ilalim, sino pa ba? Edi si Cookie Monster ulit.

Nagtatanong ang matang tinignan ko siya.

Inaabot niya sakin yung bowl na may kare-kare. Natigilan ako pero inangat ko ang kamay ko para kuhanin iyon pero may umagaw.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Kde žijí příběhy. Začni objevovat