C H A P T E R 5 6

1.2K 83 0
                                    

"Sorry guys I'm late!" humahangos na sabi ko, napahawak na lang ako sa dibdib ko sa paghahabol ng hininga.

Nasaan kami ngayon?

Nandito lang naman sa isang ice cream parlor malapit sa school at oo ako na lang ang hinihintay nila dahil nagtext ako kanina na malelate ako, ang habang paalaman kasi ang nangyari kanina bago umalis si lola Esmeralda.

Saan ang punta niya? Sa Korea para makipagkita sa kanyang mga oppa, bagets na bagets pa ang lola ko no? HAHA charooooot lang! May pupuntahan lang sila nila Papa, Mama Kuya Michael, Kuya Vincent tito Melvin at tita Cynthia

Pag pala may negosyo ka hindi ka dapat magpa petiks-petiks lang ano? Kasi noong hindi ko pa alam na may-ari pala kami ng isang private airport ay sobrang busy na ni Papa nun, as in tulad ng sinabi ko dati na aalis sa umaga si Papa na tulog pa kami tapos uuwi siya sa gabi ng tulog na kami, like nakatira nga kami sa iisang bahay pero madalang namin makasama si papa, sa pagkain, sa pagbobonding at marami pang iba. Makasama man namin siya sa hapag ay may hawak pa rin siyang paperworks kung minsan, mag day off man siya pero maghapon lang siyang nasa library ng bahay kung saan siya nagtatrabaho maghapon.

Noong una akala ko dahil lang sa simpleng trabaho niya kaya sobrang busy niya, yun pala dahil sa dami ng ginagawa at kailangang gawin na trabaho kaya halos hindi na natutulog si papa.

Ngayon nga ay umalis sila at pumunta sa isang lugar kung saan meron kaming Hotel and restaurant business, nakalimutan ko kung saan guysss, parang Zamboanga yata? Cagayan? Cavite? HAHAHA ulyanin na meeee.

Ilang taon na pala kasing sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ipinamamahala iyon nila lola, at araw-araw ay thru computer lang namomonitor ni papa ang kalagayan ng mga iyon. Take note guys, hindi ko sure kung alam ni Misael Saavedra lahat ng business ng Saavedra clan kasi yung iba dun is bago lang, kumbaga namatay na si lolo Manuel ng simulan nila Papa at Tito Melvin ang negosyo na iyon. Napag alaman kong nagsimula lang pala sa negosyo na iilang eroplanong pinaaarkila ang mga Saavedra, matapos makaipon ng malaking pera sa taniman ng palay, tubo, kopra, mais, pinya at iba pa na pangunahing kabuhayan din ng pamilya namin.

Bibisitahin daw nila ang mga negosyo namin at hindi nila sigurado kung gaano sila katagal na hindi makakauwi, kasama si Kuya Michael at Kuya Vincent dahil sila ang susunod na hahawak sa mga negosyo ng pamilya namin, kumbaga ay training nila yun.

Uuwi din naman si Mama dahil mahihirapan si Manang kung sa kanya pa maiiwan si Mia.

So yun nga, mamimiss ako ni lola at ganun din naman ako sa kanya. Sabi niya mag bonding daw kami pagkauwi nila eh.

"Ano na guys? Umpisahan na ba natin ang botohan?" napatuwid ako ng upo ng marinig ang boses ni Katrina.

"Wag dito, lumipat tayo ng place. Tignan niyo pinagtitinginan tayo dito." ani Leah, nag-agree naman ang lahat at napagkasunduan na sa isang park na lang namin ituloy ang meeting.

Half day kasi sa school dahil sa sunod-sunod na parating na event which is nagdudulot ng hectic schedules ng mga student.

January 14 na ngayon at ang daming events and activities ang pinagkakaabalahan ng School.

Pero sa section namin ay yung gagawing School play, Mr. And Ms. Valentine at Valentine's night ang pinagkakaabalahan at pinaghahandaan namin. Ngayon nga ay magbobotohan kami kung sino ang magiging contestant sa Mr. And Ms. Valentine, isang lalaki at isang babae ang kailangan sa bawat section.

Umorder lang muna kami ng sweets bago nagpunta sa park na malapit sa school, bawal kasi sa loob ng school ngayon dahil may activity ang teachers.

Paikot kaming umupo sa damo para makita namin ang isa't-isa. Si Katrina ang namumuno sa amin which is dapat ay ako pero mas may kakayahan kasi si Katrina na pasunurin ang buong class A, ako kasi hindi marunong manindak eh.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin