C H A P T E R 5 1

1.4K 91 1
                                    

"Simula na ng totoong laban." ani Papa, tahimik lang ang lahat. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin isa-isa samantalang nakatingin lang din kami sa kanya at pawang mga naghihintay ng iba pa niyang sasabihin. Nandito ang lahat ng tauhan ni Zachareus, yung iba ay kakarating lang galing sa ibang bansa, nandito din maging si Mama, Kuya Michael, ate Joice at Kiel. Hindi rin naman mawawala si tito Melvin at ang asawa nitong si tita Cynthia at anak nilang si Vincent. Samantalang tulog naman si Mia sa mga bisig ni Manang Rosa.

Narito kami ngayon sa underground training room kung saan dito na din madalas I-meeting ni Papa ang mga tauhan niya.

"Paniguradong nakarating na rin sa kanya ang balita na lumantad na tayo sa totoong pangalan ng Pamilya na Saavedra. Nasabi ko na sa inyo ang plano kanina. Mikaella." baling sa akin ni Papa.

"Papa?" nagtatanong ang mga mata ko, naghihintay ng kasagutan. Lalong nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil alam ko na ako ang target nila.

"Alam mo na ang gagawin mo. Nagtitiwala kaming lahat sa iyo."

"Opo papa." napayuko na lang ako at itinago sa ilalim ng lamesa ang dalawang kamay kong nanginginig na, napatingin ako sa katabi kong si Kiel dahil hinawakan niya ang kamay ko. Nginitian niya ako ng magsalubong ang aming paningin.

"Michael." si kuya naman ang binalingan ni papa.

"Yes pa." tinignan lang siya ni papa at parang agad namang naintindihan ni kuya ang tingin na iyon.

"Nakausap na namin si Doctor Alvin at naipaliwanag na rin ni Zachareus ang mga dapat niyang gawin."

"I'll handle everything about Miss Lucila Santiago, sir. Don't worry." sumaludo pa ang tisoy na doctor. Isa siya sa mga agents ni Zachareus na kaibigan na rin niya, dati siyang doctor pero tinalikuran niya ang nasabing propesyon at umanib sa organisasyon na pinamumunuan ni Zach dahil sa pansarili nitong misyon. Narinig ko na may malaking kasalanan si Misael Saavedra sa pamilya nila.

Ililigtas nila sa mga kamay ni Misael ang nurse na umaasikaso kay Lucila Santiago sapagka't napag-alaman nila na inaabuso ito kapag hindi sinusunod ang gustong turukan ng espesyal na droga ang pasyente nila. Hindi na rin ito pinapasahod at tinakot na papatayin ang pamilya kapag nagsalita o nagsumbong sa mga awtoridad.

Si Doctor Alvin ang papalit sa kanya at magpapanggap na nurse ni Lucila at doon isasagawa ang misyong iligtas ang ina ni Zachareus sa pamamagitan ng mga planong ginawa nila.

"Are you sure about this hon? Paano kung may mangyaring masama sa mga anak natin?" nag-aalalang ani mama kay papa.

"Magtiwala tayo sa kanila." bakas din ang pagiging balisa ni papa pero alam kong nilalakasan lang din niya ang loob niya dahil ilang oras na lang ay siguradong kikilos na sila. At kailangan namin silang mapaniwala na wala kaming alam sa mga balak nilang gawin kung kaya kikilos kami ng palihim.

Napaka delikado ng plano na nabuo nila Papa pero kailangan kong lakasan ang loob ko dahil sa akin nakasalalay ang lahat. Kailangang mahuli si Misael Saavedra. Kailangan niyang pagbayaran lahat ng kahayupang ginawa niya.

"Ready yourself son. Kailangan mo ng patunayan ang iyong sarili. Matagal na panahon ka na ring hinihintay ng ating mga kabuhayan. Ikaw din Vincent, oras na para patunayan ninyo sa amin na karapat-dapat kayo na maging tagapagmana ng mga naiwang kabuhayan ng ating mga ninuno." nakita kong tinapik ni tito Melvin sa balikat ang anak niya.






"Saan ba tayo pupunta Zachareus?" naiirita kong tanong sa kanya. Kanina pa kami bumibiyahe at kanina pa din ako nagtatanong kung saan kami pupunta. Naiinis ako dahil may pasok ako ngayon sa School pero heto at nakasakay ako sa kotse ni Zachareus patungo sa hindi ko alam na lugar.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now